CHAPTER 20: battle with pao

11.4K 370 3
                                    

SHA'S POV

nagulat naman ako ng pagdilat ko nakita ko agad yung mukha ni Jhazz at idag dag mo pa yung mukha ni Pao

kaya instant akong napabalikwas ng tayo sa kama

kaya ang resulta? nagkauntugam lang naman po kaming tatlo, aish wrong move.

" aray!" sabay sabay na sabi namin

" Sha naman eh! Ba't ba bigla bigla kang tumatayo" sabi pa ni Jhazz habang nakahawak sa noo niya

" aba! sorry naman Jhazz kasalanan ko bang nashock ako sa mga mukha niyo?" sabi ko ng nakapamewang pa sa harapan nila

alangan namang sa likod nila diba?

sabay naman silang napakamot sa ulo nila.

"Kasi naman bakit kayo nasa harap ng isang tulog? Ayan tuloy" panenermon ko sa kanila

" ano kasi Shane gigisingin ka sana namin kasi magtatanghali na ng LINGGO" ay talagang nilakasan yung linggo? hahaha

" oh ano naman? Anong meron?" tanong ko pa at agad naman akong nakatanggap ng  batok kay Jhazz

" aray naman Jhazz! bakit ba?" takang tanong ko habang hinihimas yung binatukan ni Jhazz, grabe ang lakas pala niya? Ang sakit eh.

" gagi! ikaw pa nagpaalala sakin nung nakaraang araw na may kakalabanin ka ngayon tapos ikaw pa nakalimot?" kaka labanin?

hala! oo nga pala!

nahalata ata nila na nagets ko na kaya yung dalawa todo tulak sakin sa banyo sabay abot ng damit ko

" kaya nga maligo ka na okay??" tumango naman ako tsaka naligo at nag bihis agad ayoko namang pag antayin pa lalo si Pao.

" ano tara na?" tanong ko

" tara!" sabay nilang sabi

" teka kasama ka Jhazz?!" gulat na sabi ko

" oo naman! ayaw mo nun kasama ako? may taga cheer sayo? " napangiti naman ako sabay hila sa kanya para kumapit na kami kay pao

at pagkurap ko andun na agad kami

"so Sha sa gilid lang ako manunuod kaya mo yan! aja!" napatawa naman ako pagkasabi niya ng aja hahaha

" so ready ka na ba?"

tumango naman ako tsaka huminga ng malalim

" 1...2...3, start na" nagulat naman ako ng biglang nawala si pao

teka ?! asan na si Pao?!

nilinga linga ko naman yung paningin ko pero 'di ko siya makita asan na yun?

"tsk!" rinig ko at nakaramdam naman ako ng parang malakas na force na tumulak sakin kaya napatalsik ako

buti nalang naharang ko yung kamay ko para 'di ako mabungo sa glass dito

pero 'di pa ko nakakatayo ng maramdaman kong may dumaplis sa mukha  ko na matulis at nag tuloy tuloy pa to

kaya ako eto iwas kong iwas

kakaiwas ko may nabungo ako sa likod ko at hindi pa ko nakakalingon

naramdaman kong may malakas na parang bola yung tumama sakin aish!

ang sakit ah?

kaya ang ending? Eto ako tumba, ang sakit kaya tsk

" gumamit ka na ng mahika Sha!" rinig kong sigaw ni jhazz oo nga naman self ilabas mo yung natuyunan mo ngayong linggo.

kaya nilabas ko yung pak pak ko at lumipad

nakita ko kasi si Pao na nasa ere na at lumilipad na.

agad agad ko siyang inatake ng mga ice spikes

pero bigla na lang suyang mawawala sa pwesto niya kaya sayang lang effort ko.

kaasar!

paulit ulit lang yung nangyayari nakakaasar talaga miski daplis lang 'di ko magawa

napaupo naman ako kasi hinihingal  na talaga ko.

" Shane mag concentrate ka matamaan mo lang ako tapos na tong battle" sabi ni Pao na ngayon ay nakatayo na sa harap ko

tumango naman ako tsaka humarap sa kanya

okay Sha... concentrate lang naman eh kaya mo yan sisiw lang yan okay?

kaya ko to aja!  tumayo naman ako at nag relax  pinikit ko yung mga mata ko tsaka ng concentrate.

Kailangan kong pakiramdaman yung paligid ko lalo na at nakakapagteleport si Pao.

nagulat naman ako ng parang nararamdaman ko yung dalawang presensya sa paligid ko.

sa tingin ko yung isa kay Pao at yung isa naman ay kay Jhazz

at halatang kay Pao yung gumagalaw kasi yung isa naka stay lang sa isang sulok

naramdaman ko namang may paparating sakin na 'di ko alam kaya agad akong umiwas.

kahit nakapikit parin ako

palipat lipat yung lugar ni Pao aish! pero paulit ulit lang yung galaw niya sa ere

May iisang pattern lang, kaliwa at kanan lang.

so kung nasa kaliwa siya ngayon edi

aha!  sa kanan sa taas.

agad kung minulat yung mata ko tsaka nagpalabas ng malaking ice ball

" aish!" rinig kong sabi ni Pao

nang tignan ko ay hindi pala niya inaasahan na malalaman kong dun siya pupunta yan tuloy.

" ay! ang galing mo Sha Hahaha!" sabi pa  ni Jhazz na lumundag pa sabay yakap sa akin.

" so ikaw na partner ko ha?" nakangiti kong sabi tumango naman siya

"Yep, katulad ng pinangako ko pag natalo mo ko pumapayag na kong maging partner mo para sa battle sa monday"

" pero teka paano mo nalaman na dun  ako pupunta?" tanong ni Pao

" oo nga Sha" dugtong pa ni Jhazz

" ewan nung nagconcentrate ako naramdaman ko yung presensya mo Pao tapos paulit ulit pa yung galaw mo kaya nahulaan kong dun ka sunod na pupunta" pagpapaliwanag ko.

" ang galing " sabay na sabi nila

eh??

" hahahaha so ayon pahinga ka na lang muna ngayon tutal bukas na yung battle"

bigla tuloy akong kinabahan

sino kaya makakabattle namin???

sana naman keri lang no??

'di bale kasama ko naman si pao sa battle bukas eh! hindi ako nagiisa.

___________________________________

A:

SOM 2: The magic continue's (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon