"Tignan mo yang si DJ nagpapasikat."sabi ni Kiray at napangisi naman ako dahil napapansin din nila.

"Go jersey number twenty five, Go for Goal! Whoo! Anong sabi ng pampagana ni DJ?"matawa-tawang sabi ni Zharm at ng maka-shoot na naman ang team ng Business Management ayun nagsigawan at tayuan. Nakahabol kami lagpas pa ng dalawang puntos dahil naka-three points si DJ.

"58-56 ang score and One minute left."sabi ng Host at nag-break muna para makapag-plan sila ng stratergy. Bumaba si Zharm at Julia sa bleechers hinatak pa nila ako kaya naman napakunot ang noo ko habang hinahatak nila akong pababa.

"Bakit tayo bababa?"tanong ko sa kanilang dalawa, Nilingon ako ni Julia habang pababa kami.

"Moral support bilang Girlfriend, Cous."sabi ni Julia kaya naman napanganga ako, Moral support bilang girlfriend? Hindi naman ako girlfriend ni DJ eh kaya paano nangyari iyon?

"Cous hindi pa ko girlfriend ni DJ kaya hindi pa parang nakakahiya naman kung ganoon? Hindi ko pa nga siya sinasagot."sabi ko sa pinsan ko at hindi nila ko pinansin dahil agad silang tumakbo sa jowa nila para i-inspire. Nahihiya naman ako ng tumingin sa akin si DJ, Hindi ako dapat nandito.


Nginitian ko si DJ at aalis na sana ako ng lumapit siya sa akin. Gamit ang mga mahahaba niyang daliri pinasada niya iyon sa buhok niya para mahawi dahil pawis na pawis siya, Idagdag pa ang kanyang lipbite na nagpa-sexy sa kanya ngayon.

"Uh.."halos hindi ako makapagsalita habang nasa harapan ko si DJ at nakatitig sa akin. Alam kong pinagtitinginan na rin kami ng mga tao dito.

"Kath, Ano tawag dito.."hindi rin mapakali si DJ dahil pati siya kinakabahan.

"Uhm.. Galingan mo Mr. Starplayer."sabi ko kay DJ at ngumuso siya kaya kumunot ang noo ko.

"Kiss mo ko para manalo ako."sabi niya sa akin at ngumuso ulit kaya naman natawa ako. Kinurot ko yung nakanguso niyang labi at kitang-kita ko ang pagkalungkot niya, Para siyang batang hindi bibigyan ng candy.

"Ewan ko sa iyo."sabi niya at napasimangot na siya. Kaya naman bigla akong nag-alala dahil baka lalamya-lamya na naman siya sa laro. Kaya ang ginawa ko hinalikan ko ang point finger ko at dinampi sa labi niya.


Nagulat naman siya sa ginawa ko at ngumiti ako sa kanya, The sweetest one.

"Uhm.. Goodluck, Matalo o Manalo ikaw pa rin ang nasa puso ko."mahina kong sabi sa kanya at napangisi siya sa sinabi ko. Yinakap niya ko ng sobrang higpit, Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya. Sa harapan pa ng maraming tao sa gym!

"Padilla tara na!"sigaw ng Couch nila at sila na lang pala ang inaantay. Kumalas sa yakap si DJ at hinalikan ako sa pisngi bago siya tumakbo sa mga ka-team mates niya, Loko yun ah!

"Hindi raw sila pero.. Tsk! No comment."sabi ni Cous sa akin at siniko ako ng maglakad na sila sa kinatatayuan namin ni DJ kanina.

Same Love at House [Completed]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!