Chapter 1

315 4 0
                                    

Her Diary..


Amiel's POV


Mga halinghing at malalakas na ungol ang aking narinig nang paakyat na ako sa hagdan para tunguhin ang sariling kwarto. Lumipad ang aking paningin sa direksyon ng master's bedroom na kung saan doon nagmumula ang ingay. Napansin kong hindi gaano nakapinid ang pintuan kaya naman pala dinig sa labas ang mga ungol na hindi ko naman dapat marinig.

Bumagsak ang aking balikat at mas lalong nanghina ang aking kalooban. Namuo ang luha sa bawat sulok ng aking mga mata habang napalunok ako ng mariin. Napaatras ako ng hakbang bago muling tinungo ang hagdan. Patakbo akong bumaba bago tuloy-tuloy na lumabas ng bahay at dumeretso sa malawak na garage na kung saan doon nakaparada ang expensive car ko na regalo ni Papa sa akin noong eighteenth birthday ko.

Pabagsak akong naupo sa may driver's seat bago napapikit ng mariin. I just can't understand. Bakit kailangang mangyari ito? Do i have to be alone, until—-

Hindi ko na napigilan ang pagragasa ng maraming luha pababa sa aking pisngi. Namuo ang poot sa aking puso. Galit ako sa mundo. Pakiramdam ko pinagkakaisahan ako ng mga pangyayari sa buhay ko. Bakit ganoon?

Pinakalma ko muna ang aking sarili bago ko pinasibad ng takbo ang aking kotse. Nang marating ko ang condo unit ni Randelle ay mabilis kong pinindot ang doorbell mula sa labas ng gate. Ilang minuto akong naghintay bago nagbukas iyon. Humakbang ako papasok at tuloy- tuloy sa nakaawang na pintuan matapos kong isara ang gate.


Natigilan ako nang pawisang katawan ni Randelle ang bumungad sa akin sa may pintuan. Kunot-noo ko syang pinasadahan ng paningin mula ulo hanggang paa.


"Oh c'mon nag'e-ehersisyo ako. Don't misunderstood this." Napahalakhak sya ng tawa dahil sa aking reaksyon. Parang nabasa nya kung ano ang nasa isip ko.

Nagkibit ako ng balikat bago sumagot.

"Who knows kung ibang exercise naman yang ginagawa mo. Malay ko ba kung may inuwi kang babae.. exercise, sa ganitong oras? Mukha mo!" Napanguso ako.

"Pwedeng pumasok ka muna bago mo ako sermunan? Napaka-judgemental naman nito. Baka nakalimutan mo na wala akong oras sa daytime para isingit sa mga schedule ko ang paggy-gym kaya ganito nalang ang routine ko." Natatawa parin ito habang nagsasalita.

I'm so glad dahil sa kabila ng lahat ay mayroon namang isang tao na matatakbuhan ko at kusang loob na tumatanggap sa akin sa 'twing kailangan ko ng masasandalan. At si Randelle iyon. My mighty friend.



"At ano na naman ang dala mong balita kung bakit napasugod ka dito sa unit ko sa ganitong oras? May nangyari ba? May problema ka? Kung hindi mo alam Amiel...nagtatampo na ako sa'yo dahil halos isang linggo kana hindi nagpaparamdam!" Binalingan nya ako at saglit na nagseryoso.

Ibinaling ko sa ibang direksyon ang aking paningin. Natatakot akong makipagtitigan sa kanya baka kasi mababasa nya ang emosyon na nakapaloob sa bawat sulok ng aking mga mata.


"That's why I'm here. Na-miss kita kaya I'm staying here for tonight. Dito ako matutulog."

Nagulat ako nang bigla itong mapahiyaw sa tuwa. Kaagad nya akong nilapitan at kinintalan ng matunog na halik sa gilid ng aking labi. Nakangiti nya akong tinitigan sa aking mga mata bago sya nagsalita.


"That's my girl!"

Marahan ko syang itinulak at pasimpleng pinunasan ang bakat ng kanyang labi sa may gilid ng aking labi. This man really—

"You gross moron! Pwedeng maligo ka muna bago ka dumikit sa akin?" Singhal ko sa kanya.

Normal na sa aming dalawa ang ganitong bangayan. Hindi ko nga alam kung matatawag pa ba na friend relationship ang mayroon kami. Hinahalikan nya ako at niyayakap nya ako but it seems normal.

Masaya ako kapag sya ang kasama ko. I feel secured. Siguro, ganoon lang talaga sya ka-sweet..walang malisya.


*

*

*

Pagkatapos kong makigamit ng shower ni Randelle ay mabilis ko nang isinuot ang kanyang malaking t-shirt na pinahiram nya sa akin kanina. Sya kasi ang unang naligo dahil maghahanda pa daw sya ng pagkain para sa late dinner naming dalawa.

Pagkatapos kong ayusin ang sarili ay saka pa ako lumabas ng kwarto. Tumuloy ako sa kanyang mini-kitchen at eksakto namang nakahain na si Randelle nang tapunan ko ng tanaw ang ibabaw ng mesa.


Saglit syang napalingon at marahang inaanalisa ang aking kabuuan. Hanggang tuhod ang haba ng damit nya na suot ko ngayon and-

"Wala akong undies." Pilya kong sabi na syang ikinatigil nya.

"What the fuck, Amiel!" Bulyaw nya sa akin na syang ikinangiti ko.

"What..." pa-inosente kong sagot. Binibiro ko lang naman sya.

"Look, I'm a man." Napa-facepalm sya nang wala sa oras.

Tinungo ko ang kinaroroonan ng mesa bago naghila ng upuan.

"And I'm a woman.." sagot ko bago ako naupo.

"Iyon na nga, Amiel. Iyon ang malaking problema sa pagitan nating dalawa. Babae ka..lalaki ako-"

"At magkaibigan tayo." Putol ko sa kanyang sasabihin.

Tiningala ko sya bago inginuso ang upuan sa may tapat ko.

"Maupo kana at para makakain na tayo. You need to sleep early kasi pareho tayong busy bukas."

Napansin ko ang paghinga nya ng malalim bago naghila ng upuan at marahang naupo.

"Kumain ka ng marami, look nangangayayat kana. Hwag mong pabayaan ang sarili mo."

Kaagad akong nag-iwas ng tingin nang marinig ko ang kanyang sinabi.

"Lahat nalang napapansin mo.. hwag mong sabihing pinagnanasahan mo ako?" Pabiro kong sabi.

"Anong masama doon? Wala ka namang boyfriend para magalit and I'm single too." Natatawa nyang sagot.

Nagkibit ako ng balikat bago sumagot.

"We're not meant to be."

"Why not?" Bigla syang sumeryoso kaya bigla akong kinabahan.

"Kasi, we're not destined to each other? Maybe,you found your forever..someday."Yumuko ako at itinuon sa loob ng pinggan ang buong atensyon.

"Paano kung ang forever na hinahanap ko ay nasa harapan ko lang?"


Napahigpit ang pagkakahawak ko sa kubyertos pero nagawa ko ding magpakamahinahon.

"Hindi ka magiging masaya sa piling nya, Randelle." Napalunok ako ng mariin.

"And why not?" Marahan nyang tanong.

"Dahil alam nya na sa iba mo matatagpuan ang happiness na hinahanap mo."


***

Desperate TearsWhere stories live. Discover now