Nang matapos nyang tanggalin ang mga bala at linisin at tahiin ang mga sugat nito. Buti nalang talaga at parehas silang type ng dugo dahilan para hindi na sya nahirapan pang maghanap ng dugo dahil marami rami raming dugo na ang nawala sa pinsan. Kompleto rin ang gamit dito sa loob ng silid at may nagagamit syang heartbeat monitorat namomonitor nya ang heartbeat ng pinsan at meron din syang nakitang oxygen.

Napaupo nalang sa sahig si Caiden ng wala na syang magawa na kahit na anong kompleto ng gamit sa silid o anong salin nya sa dugo o kahit na linisin nya pa ang sugat ng pinsan nya nawala din sya sakanya ng ganoon ganoon nalang.

Sa labas ng palasyo ay buong pwersa’t lakas nilang pinuksa ang mga kalaban na hindi maubos ubos sa dami. May kung anong naramdaman ang mga dyos at dyosa na parang may nabuksang gate kaya pagkatingin nila sa kalangitan ay kitang kita nila at ng lahat ang gate na nakabukas. Nagkatinginan silang lahat at iisa lang ang ibig sabihin nun… naalay na ang susi.

Ang lahat ay natahimik at walang nakakilos man o walang gumagawa ng ingay at lahat sila nakatutok lang sa gate na nakabukas. Lahat ay nagulat ng biglang kumulog ng malakas at kumidlat na tumama sa iba’t ibang parte ng Lilamila Mcrenon. Hindi alam ng mga dyos at dyosa ang gagawin dahil isa lang silang normal na nilalabg na walang mga kapangyarihan na kailangan ng proteksyon mula sa iba.

“Paano naalay ang susi kung wala naman sya dito?” takang tanong ni Mher.

“Kahit nasaang parte man sya ng lugar na ito ay pwedeng maging lugar para pagalayan…” sabay sabay silang napatingin sa matandang mangkukulam.

“Pa-paano mo nasabi yan?” utal na tanong ni Azula.

“Pwedeng ialay ng kung sino man ang susi kahit na hindi ginagawa ang rituwal lalo na’t nais ng taong iyon na mabuhay ang taong kanyang minamahal… o kung maari ay kagustuhan lang ng taong iyon na ialay ang susi upang mabuksan na ang pintuan ng kaharian…” wika nito habang nakatingin sa gate na nakabukas.

“Magaling… magaling… magaling…” nanigas silang lahat ng marinig nila ang boses na yun.

“Na saan na ang tapang nyo? Nawala na? Bakit?” natatawang tanong nito. Gustong gusto nang sapakin ni Freya ang lalaki ngunit pinipigilan lang sya ni Mher. Alam kasi nya na walang laban si Freya—silang laban sakanya dahil wala silang mga kapangyarihan at hindi sila gumagamit ng armas o ang pisikal man nilang katawan dahil pinaunawa’t pinaintindi sakanila ni Helfrina na hindi nananakit ang mga kagaya nilang nasa itaas ng mga nasa baba kung hindi pinahahalagan, pinoprotektahan at iniingatan. Ngunit si Etrah ay iba dahil sya ang dyosa ng digmaan, lalaban na sana sya ngunit sa pananatili nila sa mundong ilalim ay ang dating lakas na meron sya ay parang isang lakas na lamang ng isang bata na walang alam kung hindi umiyak. Yun ang kanyang nararamdaman at ganoon din ang iba hindi lang sya.

“Hmm… nakakapagtaka lang at hindi parin kayo lumilipad papuntang langit para makuha nyo na ang mga kapangyarihan nyo… ano kaya… hindi parin kasi bumabalik ang dyosa na ang dapat ay prinoprotektahan kayo!” at sinugod sila ng lalaki. Sa isang kisap mata ay mga nawalan sila ng buhay kasama narin ang matandang mangkukulam.

“Yohan… nasa bayan sila…” pagbibigay alam ng kararating lang na lalaki.

“Ikaw pala yan Lee… halika… may ipapakita ako sayo,” natutuwan wika nya. Lumapit naman si Lee sakanya at ganoon nalang ang pagkagulat nya ng makita nya ang mga dyos at dyosa na wala nang buhay.—“Mapapasakin na ang kaharian ng dyosa… at kapag nakita ko na ang susi ay bubuhayin ko si Claire…” nakangiting wika nito. Napailing nalang si Lee na hindi nakikita ni Yohan.

‘Kahit kailan hindi na muling mabubuhay si Claire ng dahil sayo… dahil ikaw ang pumatay sakanya…’ mapait na wika ni Lee sa kanyang isipan.

“Pumunta na tayo sa bayan at tapusin na natin ang pagiging Alpha ni Mitsuo…” wika nito. Tumawa lang ng parang baliw si Yohan habang naglalakad papaalis sa mga dyos at dyosa na wala nang buhay.

“Ipinapanalangin ko nalang Yohan na matapos na ang kabaliwan mo kahit na kasama ako…” wika nito bago sumunod sakanya.

Kahit saan ka man tumingin sa paligid ng Gerald sa bayan ng Armo ng Two Moons ay makikita ang mga patay na katawan ng mga taong bayan at ang ibang kawal. Maririnig sa buong paligid ang pagkikiskisan ng mga kuko, ngipin, balat na napupunit at mga putok ng baril ngunit mas nangibabaw ang alulong ng isang halimaw di kalayuan sa bayan.

Kahit na gustuhin ng mga lobo na huwag umatras ay tumatakbo nalang sila palayo na ikinatutuwa ng mga hunters at ang mga rouge. Ngunit kinabahan silang lahat ng palakas ng palakas ang alulong nito at sa isang iglap ay nagkanda lasog lasog ang mga katawan ng mga Hunters at ganoon din ang mga lobo o iba pang mga nilalang.

Sa kabilang parte ng bayan ay madugo ang naging tagpuan nila Yohan at Mitsuo. Unang pagtama palang ng kanilang mga paningin ay bigla nalang nagalab ang galit ni Mitsuo at ganoon din si Yohan sakanya kaya kahit na punong puno na sila ng maliliit na sugat dahil puro mga daplis lang ang natatamasa nila sa isa’t isa.

“MAMATAY KA NA MITSUO!!!” galit na galit na sigaw nito habang walang tigil ang pagpapaulan nito ng nagbabagang apoy na naiilagan naman ni Mistuo at nang makakita sya ng butas ay mabilis nyang sinuntok ito sa takiliran. Hindi lamang simpleng suntok dahil bumaon ang kalahati ng yelo na nakapalibot sa kamao ni Mitsuo. Mabilis na pinutol ni Mitsuo ang yelo kaya naiwan ang kalahati nito sa katawan ni Yohan.

“Ilang taon kayong pinabayaan ng ama ko at ilang taon ko rin kayo pinabayaan ngunit mas lalo lang kayong lumala… nagsisi ako sa desisyon ko na maging malaya ka dahil inabuso mo iyon at hinangad mo pang mamatay ako…” malamig na wika ni Mitsuo at walang awang dinukot nya ang puso ni Yohan.

“Isinusump—”

“Pasensya ka na ngunit hindi ko hahayaan na masumpa mo ako o ang pamilya ko o ang mga kaibigan ko…” wika nito na malamig na nakatingin kay Yohan habang nakasaksak ang ginawa nyang matabang espada sa ulo nito bago pa man makapagsabi si Yohan ng mga salita. Mariin nyang tinignan ang itsura nito at walang sabisabing sinunog ito.

“Maraming salamat Mitsuo…”

“Lee… ikaw pala…”

“Natapos din ang kabaliwan ng lalaking yun…” wika ni Lee. Tumango lang si Mistuo at magsasalita na sana sya ng may bigla nalang sumulpot na halimaw sa kanilang harapan. Napasigaw nalang si Lee sa takot at sa isang kisap mata’y sumusuka na sya ng dugo.

Napadantay sya sa braso ng halimaw na nakasaksak ang mga kuko nito sa kanyang tiyan at isang kuko’y nasa kanyang puso. Hinugot ng halimaw ang kanyang mga kuko kay Lee at bumagsak nalang ito sa lupa ng wala nang buhay. Hindi na nakapagreak pa si Mitsuo ng lagpasan sya nito habang punong puno ng emosyon ang pagalulong nito ngunit nangingibabaw ang galit.

THE IMMORTAL: TRAIL OF LOVE ✓Where stories live. Discover now