TGP8

23 5 4
                                                  

Word counts: 1697 words
Warning: May contain strong words

♦▪♦▪♦

Hindi ko alam kung paano kami nagka-ayos ni Dein. Basta ang alam ko lang, nagsimula sa isang tanong at isang sagot na set-up hanggang sa nagtuluy-tuloy na hayun, back to normal na uli kami. Kunsabagay, matitiis ko ba siya? Hindi naman.

As time goes by, unti-unti ko siyang nakikilala at masasabi ko na mabait nga siya gaya ng sabi ni Sarah. Sadyang masakit lang talaga siya magsalita, harsh ika nga. Kung hindi mo siya kilala, mabu-bwisit ka talaga sa kanya. Good thing, nakakasabay na 'ko medyo sa ugali niya. Sabado ngayon, alas-dos ng hapon at nasa MK Slider naman kami. Since outsource ang nature ng services na ino-offer ng kumpanyang pinago-ojt-han namin, natural lamang na sa iba't ibang kliyente kami napapa-punta. Kasama namin ang iba naming kasamahan sa ojt na sina Melvin, Adrian at Pamela. At gaya nang dati, sunud-sunod na naman ang hikab ko. Kasalukuyan akong nakaupo sa swivel chair at nakaharap sa computer. Kapag mga ganitong oras ang lakas talaga ng antok ko kainis.

*Sniff*

Hindi ko mapigilan takte. Naluluha na 'ko sa sobrang antok. Pinunasan ko ang mga luhang namuo sa gilid ng aking mga mata. Matapos noon ay kinuha ko ang bag ko na nakapatong sa gilid na parte nitong table at kinapa sa loob ang tissue. Nang makuha, ay pumilas ako ng anim na piraso at saka suminga. Itinapon ko naman ang  gamit na tissue sa trash bin na nasa gilid lamang sa ibaba ng aking table. Nag-alcohol din muna ako bago tuluyang bumalik sa pagtitipa sa computer, subalit 'di ko talaga mapigilan inaantok pa rin ako.

Muntik pa nga 'ko mabitin sa paghikab nang may kung sino ang kumalabit sa akin. Pagkasara ko ng bibig ay nilingon ko ang gawi ng taong kumalabit sa 'kin. Isang babae na tingin ko'y dalawa hanggang tatlong taon ang tanda lang sa akin. I'm 20 right now so that makes her 22 or 23 at age. Nakasalamin din siya na pang-nerd style pero bagay naman sa kanya. Shoulder length lang ang haba ng kanyang buhok. Nakatingala ako sa kanya habang siya nama'y nakayuko sa akin gawa ng nakaupo ako samantalang siya'y nakatayo.

"B-bakit po?" Kinakabahang tanong ko

"Anong name mo?" Naka-ngiti niya namang tanong sa 'kin

"Kirsten Joyce Medina po."

Shet. Nakaistorbo ba ang paghikab ko? Wala siyang sinabi, bagkus ay ngumiti lang siya saka ipinagpatuloy ang pagsasalita.

"Joyce na lang itawag ko sa 'yo ha."

"Kayo po bahala." Nag-aalangan na sagot ko.

"Ganito Joyce, kailangan kasi ni Dein ng katulong sa mga ito." Pinakita niya sa 'kin ang mga papel na naglalaman ng mga invoices.

"Maaari ba na paki-double-check ang sales sa buwan ng February hanggang April?"

"Ok po." Kinuha ko ang papel sa kanya at matamang pinagmasdan ito.

"Uhm, hayun si Dein oh. Tabi na lang kayo." Turo niya sa gawi ni Dein

Sinundan ko ng tingin ang itinuturo niya. Nakita ko naman si Dein na nag-angat ng paningin mula sa tinitignan niyang brown folder na hindi ko alam kung ano ang laman. Sumenyas siya sa 'kin na tumabi ako sa kanya. Wala naman akong sinayang na oras, dali-dali kong tinungo ang kanyang pwesto. Kumuha ako ng isang monoblock at umisod naman siya pa-kanan upang magkaro'n ako ng pwesto. Sobrang sikip naman dito grabe. Nakatutok pa rin siya sa computer habang ako hindi alam kung paano pagka-kasyahin ang sarili sa maliit na espasyo. Sinubukan kong umupo nang dahan-dahan upang wala akong matabig na gamit. Subalit dahil sadyang masikip ang pwesto namin natabig ko tuloy nang 'di sadya ang lagayan ng mga fastener sa table. Inisod ko ang upuan saka yumuko at pilit na inabot sa sahig ang mga nahulog na fastener. Kaso hindi ko makita kung saan napunta ang mga ito kasi nakatagilid ang mukha ko at hindi nakaharap sa sahig. Kung kaya't ang ginawa ko ay hinawakan ko ang kaliwang hita ni Dein, nasa kaliwa kasi niya ako saka pinihit pa-sahig ang aking ulo upang makita ko kung nasaan na ba napunta ang mga pupulutin ko.

The Great PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon