Jiro's POV

"Buti naman at pumayag kang makipag kita sakin." I sighed. Umupo ako sa katapat niyang upuan.

"Gusto din kitang makausap. I just want to say sorry, sa mga sinabe ko sayo kahapon. Sorry, Rina. Nasasakal kasi ako sa mga pinaggagawa mo e. Hindi naman kasi kita girlfriend, sorry." Oy! Sincere ako sa mga sinabe ko ah.

"No, it's okay. I understand. Sorry din kung nasasakal ka. For 3 years kasi... nasanay na ako. Sorry." mukha namang sincere din siya, I think.

"So... okay na tayo?" tanong ko. She nodded.

"Friends?" sabe ko sabay abot ng kamay ko. Tinignan niya yung kamay ko. Don't tell me naghehesitate siya?

"hmm... okay. F-Friends." at kinuha niya na ang kamay ko and we shook hands.

"okay." sabe ko sabay bitaw. Sumandal ako sa upuan.

"um... pwede mo ba ako samahan?" tanong niya.

"Saan?"

"Well... gusto ko sana pumunta sa isa sa mga amusement park dito, e. Siguro naman meron dito, diba?" I nodded.

"Well... okay. Sasamahan kita. Sama na din naten yung dalawa. I'll text them."

"H-Ha? Ahm... s-sige. San naman tayo pupunta?"

"Star City, you want? Malapit lang."

"okay, libre mo?" nakangisi niyang tanong. I smiled.

"Yeah, sure. Basta ba ikaw sa pagkain." ganti ko.

Nagpout siya. "Fine. Wag kayong PG ah!" I chuckled.

"Nako, pano ba yan? PG pa naman yung dalawa." natatawa kong sabe.

"Ugh! Oo nga pala!" sabe niya. I laughed at her.

"Hey! Stop laughing you dumbass." sabe niya.

"Okay okay. Titigil na." sabe ko sabay ayos ng upo.

"Anong oras tayo aalis?" tanong niya.

"Mga 4pm." tipid kong sagot.

"Mall muna tayo!" sabe niya. I groaned.

"Ayoko. Tinatamad ako." walang gana kong sagot.

"Ehh! Sige na! Please, Kyle." nagpapacute pa. Di na uubra sakin yan.

I sighed. "Fine. Basta wag mo akong pagbubuhatin ng marami." sabe ko. She nodded.

Tumayo na kami sa pagkakaupo. Maglalakad na sana ako ng bigla siyang kumapit sa braso ko.

I looked at her. "Rina." I gave her a warning tone. Bigla naman siyang bumitaw.

"sabe ko nga. Tara na nga!" sabe niya at nauna na sakin. Psh.

Sana lang.... sana ikaw ang kasama ko ngayon.

Akira's POV

"I'm hella bored." walang gana kong sabe.

Nandito kami sa sala. Nanunuod ng twilight. Pangilang beses na namin to napanood ah. Di ba sila nagsasawa?

"Di ba kayo nagsasawa kakapanood ng twilight?" inis kong tanong.

"Hindi. Ang cute kaya ni Jacob! Yiiiee... so hot pa!" sabe ni Candy. Ayjusko! Ang talande.

"Hay nako. Bored na ako! Bored na bored. Gusto ko lumabas." sabe ko.

"Edi lumabas ka." ay pilosopong Candy, oh!

Biglang pinatay ni Sully yung tv. "WAAAHHH!!! JACOB KO! SULLY NAMAN E!" OA talaga ni Candy.

"What do you want to do, then?" tanong ni Sully... sakin? Ay, ang bait.

Sweet DespairBasahin ang storyang ito ng LIBRE!