chapter 26- angel eyes

4.4K 125 23
                                    

Dedications:

@Sherlene_

@jeanmatias

@CaliforniaBelle08

Dapat kanina pa yung update kaya lang tinapos ko pa yung angel eyes. Ang ganda! Sino din nanunuod nito? Haha.

---------------------------
Philippines, present time.

"Ma'am,  lunch break na po. Hindi po ba kayo kakain?"

Nagulat ako ng magsalita ang secretary ko. Masyado kasing nakatutok ang atensyon ko sa dine-design kong building.

"Tatapusin ko lang to, Sy. Mauna na kayo." Nakangiting sagot ko. Bumalik ulit ang tingin ko sa monitor at inumpisahan i-save ang mga natapos ko ng design para sa bagong building ng Crawford Inc.

"Sige po, Ma'am. Happy Birthday nga po pala!" Paalam ni Sy bago ito tuluyang lumabas ng opisina ko.

Nagulat na naman ako. Birthday ko ba? Napatingin ako sa calendar.

August 3, 2014.

Napahawak ako sa noo ko. "Birthday ko nga." Natawa nalang ako. Sa sobrang busy ko, pati birthday ko ay nakalimutan ko na.

Kinuha ko ang phone ko para i-check kung may bumati nga sa akin. May ilan din na bumati. Pero hindi sila ang inaasahan kong babati sakin.

Nakalimutan din kaya niya? Nakakatampo naman yun.

Inayos ko na ang gamit ko at nag-ayos ng sarili. Nakaramdam na ako ng gutom. I need a break, sumasakit ang ulo ko sa dami ng projects.

Tumayo na ako at lumabas na ng opisina ko.

"HAPPPPPPPPPPPPPYYYYY BIRTHDAAAAAYYYYYYYYY, KAAAATHYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYY!"

"Oh my God!" Tanging nasabi ko ng nakita ko sa harapan ko ang buong staff ng interior design team ko, kasama sina Jamie, My mom and... my boyfriend.

"Happy 25th birthday, baby girl ko." Si mommy ang unang bumati sa akin habang dala-dala nito ang favorite kong chocolate cake na sigurado akong siya ang nagbake.

"Thank you, Mommy." Naiiyak kong sabi at yumakap sa mommy ko.

"And for my beautiful best friend, happy 25th birthday. I'm so happy! We're on the same age na." Jamie said. Madrama nitong nilagay ang isang birthday hat sa ulo ko at naki join na din sa hug moments namin ni mommy.

"Ehem. Can I have my moment, please?"

Tumingin ako sa pinanggalingan ng baritonong boses.

Then I saw an angel, the most handsome angel on earth. My Angelo.

"Hi, mahal ko. Happy birthday!" He slowly kissed me on the forehead.

"I." Hinalikan naman niya ako sa magkabilang mata.

"Love." Then he kissed me on my nose.

"You." Lastly, on my lips. Awtomatiko akong napakapit sa leeg niya. Savouring, his sweet kisses.

"AYIEEEEEEEEEEEEEEEEE!" narinig kong sabay sabay na sabi ng mga taong andoon din.

"Ang sweet ni Sir at Ma'am oh!"

"Nakakainggit naman!"

"I love you, mahal ko. Happy birthday. Mahal na mahal kita." Angelo whispered on my ear.

Tumingin ako sa kanya. "Where's my gift?" Hindi ko pa din inaalis ang pagkakayakap ko sa leeg niya.

"Hmmmm. Hindi pa ba sapat na gift ang eternal love ko?" Nakataas na kilay na sabi niya pero nakangiti naman.

BEDDED BY A PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon