Prologue
Habang naglalakad ako patungo sa bahay dahil dumidilim na ay nalaglag ang mansanas sa sa basket.Yumuko ako para kunin ito pero ng yumuko ay may nakauna ng kamay na pumulot nito.
Nanlaki ang aking mga mata sa nakita kaya nag angat agad ako ng tingin at laking gulat ko na ito ay lalaki at walang iba kundi ang aking tiyo na masamang nakatingin sa akin ngayon.
Patay ako nito.
"ikaw bata ka dumidilim na kung saan saan ka padin nagpupupunta" ani nito. Napayuko naman ako dahil mariin pero hindi pasigaw na sabi ng tiyo. Nakita kong napabuntong hininga si tiyo "saan ka ba kasi nagpupupuntang bata ka at ngayon ka lang uuwi? Malapit ng maggabi" mahinahong sabi ng tiyo at pumantay sakin.
Tumingin ako sa kanya "sorry po tiyo. Kumuha lang naman po ako ng mansanas kasi nagugutom ako eh, natagalan lang ako kasi ang umakyat pa ko tapos ang dami pa sayang naman kung di ko kukunin" paliwanag ko.
Ginulo naman ni tiyo ang aking buhok kaya sumigaw ako "ikaw bata ka diba sabi ko sayo wag ka ng pupunta don dahil masyadong malayo. Sa susunod na pumunta ka don dapat may kasama kang matanda baka kung mapano ka.... At syaka..... Tara na gumagabi na" at hinawakan ang basket na may lamang mansanas na pinitas ko.
Tumungo na kami sa aming bahay at sumalubong sa amin ang aking inay na nagsasara na ng mga bintana na gawa sa kahoy. Ang aming bahay ay gawa lamang sa kahoy maliit pero kasya naman kaming 5 dito. Ako, si tiyo, nanay, tatay at si Elton ang nakababata kong kapatid lamang ang nakatira dito. Malayo kami sa bayan dahil kami ay nasa gubat nakatira mahirap lamang kami pero nakakain ng tatlong beses sa isang araw. Masaya naman kami kahit papaano sa buhay namin.
Pitong taong gulang palang ako at si Elton naman ay anim na taong gulang si tiyo ay walang asawa aniya wala daw syang balak mag asawa. Nag aaral kami sa bayan malayo yon pero may trycicle naman kami kaya kalahating oras lang ang byahe.
Lumapit ako kay inay at nag mano "mano po inay may dala po akong mansanas oh ang tatamis po inay!" nakangiti kong nilapag sa lamesa ang basket pagkapadok ko sa loob ng bahay namin.
"Avah, wag ka nang uuwi ng ganitong oras ah mahirap na gubat pa naman tong satin baka may gumagalang mga hayop jan baka mapano ka maliwanag"
"opo inay nagutom po kasi ako eh" paliwanag ko.
Napatingin si inay sa basket na may mansanas. Napakunot ang kanyang noo at tumingin kay tiyo na umiling nalang at pumunta sa kanyang kwarto para siguro magbihis.
Hinarap ako ni nanay na nakakunot ang noo. Nagtataka naman ako "Bakit po?" tanong ko.
Hinawakan ako inay at pinaupo sa upuan "Avah makinig ka wag na wag ka ng pupunta sa lugar na yon kahit kailan maliwanag ba?" sabi nito na mukhang takot na takot pa ito.
Nagtataka parin ako ng lumabas si tiyo sa kanyang kwarto na nakabihis na ng bagong damit. Napatingin sya samin.
"Avah?" tawag saakin ni inay na ngayon ay hinihintay parin ang sagot ko sa tanong nya. Tumingin muna ako kay tiyo na nakatingin parin saamin. Tumingin ako sa kanya na nagtatanong.
"Baki---"
"AVAH?!" sigaw nito na syang ikinagulat ko naman.
Nanginginig na ang aking mata na parang anumang oras ay pwedeng mahulog ang aking luha.
Bigla namang nag iba ang emosyon ni Inay at naging mahinahon ng makita akong papaiyak na.
"pasensya na. Kumain na tayo. B-basta Avah..... Wag ka na ulit pupunta sa lugar na yon maliwanag ba? Sundin mo nalang ako. Halina kayo nakahain na ang mga pagkain" aniya at nagtungo sa aming kusina.
Napatingin ako sa kinaroroonan ni inay kanina. Nilapitan ako ni tiyo kaya nabaling sa kanya ang intensyon ko.
"sundin mo nalang akong inay mo ayaw ka lang nyang mapahamak kaya ganyan sya. Halika na kakain na tayo" at nagtungo din sa kusina. Sumunod na din ako.
Tahimik akong umupo. Nandito na din sina Elton at itay kakadating lang kaninang kakaupo ko.
"Evah, pakikuha nga ang itay mo ng mainit na tubig" utos ni inay na gad kong sinunod.
Nilagay ko ng maingat ang tasang may mainit na tubig.
"Ate, bakit ang dami yatang mansanas ang napitas mo?" tanong ni Elton na kakaupo lang.
"madami kasi eh sayang naman kung hindi ko pa kukinin Diba?" paliwanag ko sa kanya.
Napatingin ako kay itay na tumingin sa mga mansanas na dala ko at natigilan "A-avah?" nauutal na tawag sakin ni itay
"po?"
"wag ka na ulit pupunta sa kung saan mo man yan nakuhang mga m-mansanas na yan"utal paring sabi nito.
Kumunot nanaman ang aking noo.Pero kalaunan ay tumango nalang ako.
Nagpatuloy kami sa pagkain at kita ko sa mga mukha ng mga magulang at tiyo ang pag ka ilang at mukhang takot. Pero pinagliban ko nalang yon.
Simula ng sabihin ni inay at itay na wag ng pupunta doon ay hindi na talaga ako pumunta dahil baka baka magalit pa sila sakin.
Itutuloy...
