Ano'ng nangyari sa akin? Sinubukan niyang alalahanin kung ano ang nangyari. Agad naman siyang nagtagumpay. Napasinghap pa nga siya. Somebody assaulted and tried to rape her last night!

Sakto namang bumukas ang pinto at bumungad sa kanya ang mama niya na may bitbit na pagkain na nakasilid sa styro. Nang makita siya nito, napasinghap ito at halos maiyak. Lumapit ito sa tabi niya, pinatong ang biniling pagkain at hinimas ang mukha niya.

"Anak! G-Gising ka na!" mangiyak-ngiyak nitong turan saka siya niya. "Grabe ako nag-alala sa iyo!"

Sinubukan niyang magsalita pero tuyung-tuyo ang lalamunan niya kaya walang lumabas na boses. Tuloy, hinimas na lamang niya ang ulo nito para iparating ang pasasalamat.

Tumayo ito saka pinindot ang emergency button para sabihan ang mga doctor na gising na siya. Tatlong minuto rin siguro ang lumipas bago dumating ang isang doctor kasama ang isang nurse na babae. Agad siyang chineck ang vitals niya. Wala naman daw problema pero kailangan pa ring tingnan mabuti.

"Pero kailangan nating i-x-ray ang baga niya. Sabi niya, medyo masakit ang tagiliran niya. Baka may nabaling buto sa tadyang niya," saad ng doktor. "Sa ngayon, kailangan lang niyang magpahingang mabuti. Iyon lang naman po."

"Salamat po, Doc!" sabi ng mama niya.

Nagpaalam na ang doktor sa kanila. Nang makalabas ito, hinarap siya ng mama at kinausap.

"Anak, huwag mo nang uulitin 'yung ginawa mo, ha?" Mapait itong ngumiti. "Alam mo namang napakadelikado noon. Mabuti, may nagligtas sa iyo. Paano kung wala? Baka wala na ang nag-iisa kong anak." Nag-init na naman ang sulok ng mga mata nito.

"Mama, ano po bang nangyari sa akin?" tanong niya sa raspy na boses.

Bagaman mukhang nag-aalangan, sinabi rin naman nito. "May bali ka, anak. 'Yung braso mo. Suspetsa rin ng doktor, meron kang baling ribs kaya kailangan kang i-x-ray. Napakadelikado noon, anak. Pwedeng mapuruhan ang baga mo."

Tumango siya. "M-Mabuti na nga lang po." Then, she realized na mayroon nga pala siyang dinadalang supling. Agad siyang napahawak sa tiyan niya. A-Ano'ng nangyari sa anak ko?

Mukha naintindihan ng mama niya kung ano ang laman ng isip niya. Bigla itong naging seryoso. "Michelle, may kailangan kang aminin sa akin."

Napalunok siya; tila tumalon papunta sa leeg niya ang puso niya dala ng labis na kaba. Dahan-dahan niya itong hinawak at muli na namang napalunok. Ito na. Mukhang kinakailangan na niyang umamin.

Nagbaba siya ng tingin. "B-Buntis po ako, Mama." Nag-init ang sulok ng mga mata niya. "S-sorry po." Ipinikit niya ang mga mata at hinintay ang kung anuman ang sasabihin nito.

Pero isang buntong hininga lang ang narinig niya. Muli siyang napadilat saka ito hinarap. "M-Mama?"

"O?" Kinuha nito ang monoblock na puti at pinuwesto sa tabi ng kama niya bago umupo.

"W-Wala po ba kayong sasabihin? Hindi n'yo po ba ako pagagalitan?"

Muli itong bumuntong hininga. "Sa totoo lang, anak, gusto kitang pagalitan dahil sa nangyari. Hindi naman kita pinalaking ganyan, 'di ba? Lagi kong sinasabi sa iyo na mag-aral ka muna, gramaduate at magtrabaho bago ka mag-asawa—o mag-anak—hindi ba? Pero hindi kita magawang mapagalitan ngayon dahil sa kundisyon mo."

Dahan-dahan siyang tumango saka nagbaba nang tingin. Hindi niya kayang salubungin ang mga mata nito dahil nahihiya siya.

Binalot sila ng katahimikan. Humiga na lang siya nang tuwid at tinitigan ang kisame. Maya't maya rin ay hinihimas niya ang tiyan.

Seven Reasons to Love Again [Seven Series #4 | ON-GOING]Where stories live. Discover now