5. GETTING HIS AFFECTION

4.9K 83 7
                                    

CHAPTER FIVE

GETTING HIS AFFECTION

ALDRIN (POV)

Sa tingin ba talaga ng babaeng ito ay mapapapayag niya ako sa ganong klase ng pabor? Do I lokk like a sex maniac or a rapist? Shit naman! Wala pa namang nagsabi na mukha akong kriminal ah? Kahit aminado akong maganda siya. Timeless at classic ang ganda niya ay hindi niya pa rin ako mapapapayag sa hinihiling niya. I admit that I am still a virgin and I’m not desperate para lang ma-experience ang sex. If I can wait for the right one for me ay mas lalong makakapaghintay ako para sa sex. Kahit maghubad pa siya sa harapan ko ay walang magiging epekto sa akin iyon. Wala talaga!

“Kahit maghubad pa ako ngayon sa harap mo ay hindi ka pa rin papayag?”tanong niya. I can’t help but to swallow hard. Nababasa niya yata ang isipan ko ah? Seryoso ba siya?

“Ganyan ka ba talaga ka-desperado? Ang sex and virginity ay hindi sigarilyo na pinamimigay at inilalako sa kung sinu-sino. Sacred yan!” mariing tugon ko. Napagsalitaan ko na siya ng hindi maganda sa una naming pagkikita. I still want to respect her as much as I can. Babae pa rin naman siya eh. Hindi ko alam ang pinagdaraanan niya kung bakit gusto niyang matutong makipag-sex pero sana naman ay makonsensya siya sa mga sinabi ko.

“I know.” Sagot niya saka iniwas ang tingin sa akin. Parang may nakita akong lungkot sa mga mata niya. Hindi ko sigurado dahil mabilis niya iyong iniwas sa akin. Ako ang mabilis na nakonsensya. Naalala ko noong hindi ko sinasadyang mainsulto siya sa pagiging high school graduate niya. Narinig ko siyang nag-english ngayon. Her diction and pronunciation was good for that very short sentence. There’s really something in her. Ayokong maging interesado roon sa kung anuman yon dahil hindi na kami dapat pang magkaroon ng koneksyon sa isa’t-isa.

Nagpatuloy siya. “Ang sex sobrang sagrado. Pero alam mo bang may ibang mga tao na ginagamit ang sex para makalimot. Para mawala ang sakit. Para maging manhid. Ngayon may sarili akong dahilan kaya ko ito ginagawa. Please naman pagbigyan mo na ako.” saka niya lang muling ibinalik ang mga mata niya sa akin. Tama ako. May lungkot nga sa magaganda niyang mga mata. Shit! Bakit ba ako nagagandahan sa mata niya? Sa kanya? Normal lang to. Babae siya eh. Relax lang Aldrin. Huwag kang magpapadala sa kanya. Baka strategy niya lang yan para mapapayag ka niya. You’ll never do that stupidity!

“Whatever the reason ay hindi pa rin ako papayag. Bakit ba naman kasi ako pa ang napili mo? Huwag nalang ako. Kaya naman ay huwag mo nalang talagang gawin yan.” I can’t help but to sound concern sa huling sinabi ko. Ewan ko ba dahil sa lungkot na nakikita ko sa kanyang mga mata ay parang naaawa na ako sa kanya. Awa na hanggang encouraging and inspiring words lang ang maibibigay.

Napakamot siya ng ulo niya dahilan para magulo ang kaliwang bahagi ng buhok niya. She looks fierce with that. Napalunok ako sa naisip ko. Sa inasta niya ay parang siya na naman yung matapang at palabang babae na una kong nakilala sa FX. She’s a big turn off by that time though I admit na nagandahan ako sa kanya noon. Ngayon naman pilit ko siyang iniintindi kahit sobrang hirap. Turn off ang favor niya pero ang itsura niya parang ang hirap i-resist. Ano ba’ng nangyayari sa akin? Kailan pa ako humanga sa panlabas na itsura ng isang babae? Gilas ang sigaw ko pagdating sa babae, puso! Well, sige na. Admiration lang naman siguro ito when it comes to physical beauty.

“Alam mo kaya ikaw yung napili ko kasi nga parang sayo magiging worth it ang pagkawala ng virginity ko eh. Wala naman akong planong magpabuntis no dahil hindi matutupad yung mga plano ko eh. Please naman oh! Wag mo naman akong pahirapan sa pagkumbinse sayo!” napapapikit na siya at napapanguso. Parang hindi na niya alam ang gagawin.

“Sorry talaga Miss pero hindi pwede. Hindi ako yung lalaking iniisip mo na bibigay agad sa tukso at makikipag-sex nalang bigla-bigla kapag may nag-aya sa kanya.  Thank you nalang for considering me but I can’t. Sana matauhan ka at huwag mo ng ituloy yan. Sorry but you have to go. May meeting pa ako in fifteen minutes time.” Tinalikuran ko na siya. Ayun nga lang ng papihit na ako upang tumalikod ay napansin ko sa peripheral eye view ko ang pagbaba niya ng strip ng sando niya. Pagtalikod ko ay napalunok ako. Sana ay nagkamali lang ako ng tingin. Hindi naman siguro niya tototohanin ang paghuhubad sa harapan ko. Sa suot niyang sleeveless na pang-itaas na halos parang sando nalang at kulay puti pa naman din at shorts na suot niya ay madali lamang siyang makakapaghubad.

COLLISION OF VIRGINSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon