merry-go-round ◇ prologue

34 1 0
                                                  

"Wait ka lang, sabi niya sakin dadating daw siya, e," sabi ni Paige sa akin, habang kausap ko siya sa phone.

Nasa meeting place na kasi ako, sa harapan ng isang merry-go-round kaso lang ay wala pa si Moon Bin.

You see, gusto ko si Moon Bin. Medyo ilang buwan na din, pero syempre alam ko naman na nararamdaman niya yun kahit na konti man lang. Ang tanga at manhid naman siguro niya kapag hindi niya alam yun.

Dapat kasi ay magkikita kami ngayon at saka sabi ko sa kanya ay may sasabihin ako. Kahit naman siguro 1999 ako, kaunti lang ang age gap namin? Isang taon lang naman yun? Pero hindi naman yun yung isyu e.

"Sure ba na dadating siya?" Tanong ko kay Paige, tapos ay narinig ko naman siyang bumuntong hininga.

"Kapag hindi siya nagpunta, baka masakal ko yun. Kahit na maliit yung kamay ko, dadalawahin ko nalang yung kamay ko panakal dun!" Banggit ni Paige, kaya naman medyo natawa ako.

"Sige. Kapag hindi pa siya dumating ng five minutes, aalis na ako dito. Bye!" Sabi ko, at saka pinatay ang tawag.

I sighed, putting my phone in my Chanel classic purse. Galing pa sa kanya to.

Napangiti naman ako, nang maalala ko yung araw na yun.

"Wala namang babati sa akin sa birthday ko! Bakit ka pa nagtatanong kung may plano ako bukas?" Tanong ko kay Moon Bin, tapos ay nagpout naman siya.

"Wala ako bukas. May show kami. Pano yan?" Sabi niya, saka nagkamot ng batok.

"Hindi ko naman kailangan makita yung mukha mo sa birthday ko, Moon Bin. Wag kang piling, a," sabi ko sa kanya, pero sa totoo lang winiwish ko na hindi niya kita yung blush ko.

Alam ko naman e. Alam ko naman na hanggang kaibigan lang yung kaya niyang ibigay sa akin sa ngayon.

"Ahh, ganito nalang," sabi niya, saka may kinuha sa likod niya. Napataas naman ang mga kilay ko nang makita na isang box yun at saka ibinigay niya sa akin.

"Aanhin ko to? Tagabukas ako ng gamit mo? Sira ka ba?" Sabi ko, at tumawa naman siya.

"Hindi. Gift ko yan. Advanced ako mag isip, e," sabi niya, at tumawa naman kami.

Binuksan ko yun, at tumambad sa akin ang isang Chanel purse na kulay puti. Classic. Fudge. C-Chanel? Galing kay Moon Bin? Hoy! Pa-fall!

"P-Papansin ka!" Sabi ko sa kanya, at tumawa naman siya.

"Nagustuhan mo ba?" Tangina ka, gusto kita. Cheret hehehe.

"Um, oo. Thank you."

Five minutes na. Kakacheck ko sa relo ko. Napayuko naman ako at maglalakad na sana palayo kaya lang ay nakarinig ako ng boses na sumigaw at tinawag ang pangalan ko.

Napalingon ako agad at umasa na siya yun, kaya lang ay iba ang sumalubong sa akin. Kumunot agad ang noo ko at halos sumpain ko ang mundo nang makita ko kung sino yun.

Impakto! Tyanak! Ugh!

Nakasuot pa siya ng beige na beret at saka striped shirt, khaki shorts and suspenders. Pacute amp! Sabi ko gusto kong makitang nakaganun si Moon Bin din! Bakit kasi ganyan siya pumorma? Hawaan mo nalang si Moon Bin, pleaaaase.

Agad naman akong naglakad palayo kaso nga lang ay nahagip agad niya yung wrist ko kaya hindi na ako nakaalis. Magpupumiglas naman sana ako kaso nga lang ay may mga nakatingin sa amin.

"Saan ka pupunta, liit?" Bungad niya sa akin, kaya naman nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.

"L-Liit? Tarantado ka talaga, Sanha! Lubayan mo nga ako. Hanggang ngayon nang iinis ka. Please lang," sabi ko, kaso nga lang ay tumawa lang siya at umiling.

"Hinihintay mo ba si Moon Bin hyung? Um, hindi daw siya pupunta sabi niya sa akin kaya agad kitang pinuntahan dito," sabi ni Sanha, at parang dinurog ang puso ko.

Kumikirot. Napakagat ako sa labi ko, at saka pinigilan na umiyak, kasi nagpromise siya. Lagi nalang siyang hindi pumupunta! Ano bang meron?

Si Sanha naman, mukhang napansin niya kaya nagseryoso yung mukha niya at saka kumunot ang noo.

"Huy, Tine naman. Bakit ka iiyak?" Sabi niya sa akin, kaso nga lang ay umiling ako.

"Wala. Napuwing lang ako. Aalis na ako, S-Sanha-"

"Wag ako. Gusto mo si hyung, di ba? Magcoconfess ka dapat sa kanya ngayon? Kaso alam niya na yun ang mangyayari? Ayaw ka niyang saktan kasi kaibigan ka daw niya kaya hindi nalang siya nagpunta. Hindi ko dapat sasabihin sayo to kaso mas mabuti nang masaktan ka sa katotohanan kesa naman sa umasa ka na parang tanga," sabi niya, at natigilan naman ako.

I guess alam din niya. Alam ba ng lahat?

"Aalis na ako. Totoo ba, lahat kayong mga lalaki magaganda lang ang gusto? Dahil ba hindi ako kasing ganda ni Chanmi?" Sabi ko, at may tumulong luha.

Iginilid naman niya ako at saka pinunasan yung luha ko. Gusto ko man siyang pigilan at sabunutan dahil talagang nanggagalaiti ako sa presensya niya, pero siya yung pumunta ngayon at imbes na inisin ako ay sinasabihan niya pa ako ng totoo.

"Tine naman. Hindi dahil lagi kitang inaasar, sinasabihan ng pangit at maliit, pangit ka talaga. Kapag binabati naman kita na maganda ka, iniisip mo nagloloko lang ako. Sira ka din, e. Maganda ka. Tumahan ka na nga, bala sipunan mo pa ako-"

"ARGH! WALA KANG SILBI SANHA!"

"HAHAHAHAHA-"

"Sakay tayo Merry-Go-Round," bigla kong yaya, dahil yun ang solusyon para makalimutan ko yung mga nangyari ngayon.

Merry-Go-Rounds make me happy kahit na hindi na ako ganung bata.

Bakit? Kasi dati nung mga bata pa kami ay lagi kaming tumatakas nina Paige at Hoshi at sama samang sumasakay sa Merry-Go-Round. Those were the brighter days.

"Um, sige?"

Sanha Yoon

Umiiyak si Tine kanina, ngayon naman todo ngiti siya na parang ewan. Pinagtitinginan kami ng ibang tao dito, pero wala naman akong pakialam. Basta nagsasaya siya. Ewan ko ba kay Moon Bin hyung, bakit ayaw niya kay Tine. Bakit hanggang kaibigan lang. Pero nagpapasalamat na din ako na ganun, kasi may pag-asa ako, kahit na alam kong lagi siyang naiimbyerna sa akin.

Nasa may ice cream stall kami ngayon tapos dila siya ng dila, habang pinipigilan ko naman na matawa dahil tumutulo na yun at ang dumi niya pabg kumain. Cone pa kasi, di nalang nagcup. Pft.

"Hoy, Sanha the tyanak, bakit nakatingin ka?" Sabi ni Tine, at tunawa naman ako.

"Ang pangit mo kumain," sabi ko naman, at nagpout siya bigla at sumimangot.

Ang cute pero gusto ko pa siyang asarin. HAHAHAHAHA.

Layunin ng buhay ko yun, e. Asarin siya hangga't napapansin niya ako. Ito lang naman paraan ko para mapansin niya. Puro kasi siya Moon Bin. Nandito naman ako.

"I HATE YOU! SABI KO NA NGA BA SINANIBAN KA LANG KANINA, E!" sigaw niya, at tumawa naman ako.

Hindi, Tine. Yun talaga yung gusto kong sabihin sayo. Kulang pa nga yun, e.

But see, like a merry-go-round, my heart goes back to you kahit na lagi mo akong sinusungitan.

Lumingon ako palayo at ngumiti. Kapag sinabi kong maganda ka, hindi ka nanaman maniniwala, e.

merry-go-round ◇ yoon sanhaWhere stories live. Discover now