CHAPTER EIGHTEEN

3.2M 75.2K 37K
                                    

DEIB'S POV

"ANG DINIG ko kay Dein Leigh ay may bago ka na namang binubuyo sa eskuwela, Deib Lohr, totoo ba?" nangangaral ang tinig ni Manang, iyon yata ang ipapakain niya sa 'kin sa agahan.

Nahinto ako sa pagnguya at napapangusong sumulyap sa kaniya. Talagang ikinuwento niya pa? Tch.

Si Manang ang tumatayong tagabantay namin ni Noona. Palibhasa'y community doctors, parating wala sina mommy't daddy. Madalas silang nasa medical mission na proyekto nila mismo, hilig nilang pareho.

"Wala 'yon, Manang. Katulad lang no'ng mga nakaraan," pagdadahilan ko.

"Kahit na ano ang mangyari ay huwag kang mananakit ng babae, Deib Lohr. Aba'y hindi magandang tingnan sa isang guwapong lalaki na kagaya mo."

Halos masamid ako. "Babae nga 'yong kaaway ko, Manang," natatawa ako.

"Ano 'kamo? Aba, eh, bakit naman pinatulan mo kung babae?"

"Mukha naman siyang lalaki," ngumisi ako. "Parang tomboy. Maton kung kumilos. Saka malaking tao, matangkad at medyo mataba." Nagpatuloy ako sa pagkain.

"Kahit pa sampung beses mo ang laki niya, hindi nagbabago ang kasarian niya. Babae pa rin iyon. Ano ka ba, bakla?"

What the hell? "Hindi," halos pasinghal na sagot ko. "Nagkataon lang 'yon, Manang."

"Dios mio kang bata ka, oo. Aba'y tigilan mo na iyan. At baka masabihan ka pa ng bakla. Hindi rin magugustuhan ng mommy't daddy mo iyan kapag nalaman nila."

"Hindi mo naman sasabihin, 'di ba?" nakangising paglalambing ko.

Bumuntong-hininga siya saka nakangiwing umiling sa 'kin. "Ako nama'y hindi nagsasalita kung hindi kinakailangan. Iyang ate mo, sa t'wing magkakaaway kayo ay isinusumbong ka agad sa daddy mo. Lahat ng sikreto mo ay ibinubulgar niya sa mommy mo."

"Tch." Nakangiwi akong nagpatuloy sa pagnguya.

Matapos mag-breakfast ay nagpaalam na akong papasok. Hindi gaya nang inaasahan ko, wala sa gym sina Tob at Lee nang dumating ako. Bago 'yon. Kahit anong aga ko kasi ay hindi ko maunahan ang dalawang 'yon.

"Napapadalas ang pagpasok mo nang maaga, ah?" kasunod ko ay dumating si Tob. "Ayaw mong tumakbo?" biro niya, na ang tinutukoy ay iyong parusa ni coach sa mga late.

"Gusto ko kasing makita agad si Kim," napabuntong-hininga ako. "Hindi ko pa siya nayayaya, eh."

"Bakit ba nag-e-effort ka pa, 'dre?" natatawa niyang tanong.

"Tch, bakit naman hindi?"

"Alam naman na ng lahat na kahit hindi mo tanungin si Kim, kayo pa rin ang magiging magkapareha. At kung hindi mo siya yayayain ay siya ang yayaya sa 'yo," tumawa siya sa huli.

"Tch. Iba pa rin 'yong yayayain mo siya nang pormal. Bakit, si Michiko ba ay hindi mo niyaya?"

"Tinanong ko lang siya kung may partner na siya," nakangising panimula niya. "No'ng sabihing wala, eh, di sinabi kong ako na lang. Pumayag siya. Hahaha, hindi tuloy ako nakatulog sa tuwa."

Ngumiwi ako. "Kaya nga tatanungin ko si Kim kung may partner na ba siya. Kapag sinabing wala, eh, di sasabihin ko ring ako na lang." Saka ako ngumuso. "Sana nga lang ay pumayag."

HE'S INTO HER Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon