Chapter 7: Set You Free

20.9K 314 43
                                    

CHAPTER 7: SET YOU FREE

CIARA’S POV

Late na kami dumating sa party ng varsity. Nahirapan kasi akong maghanap ng damit, kung anu-ano kasi ung nilagay ni Ate sa bag. Ganun din si Terrence. Hindi na naman sila nagulat na sabay kaming dumating, bestfriends eh.

"Uy dun muna ko. Hanapin mo na si Kim." Sabi ko sa kanya at ngumiti. Tinulak ko pa siya palayo sa akin at saka ngumiti. Ngumiti din sa akin si Terrence at binigyan ako ng thumbs up gesture. Tumakbo na siya papunta dun sa mga cheerers.

Hinanap ko sa lugar si Yanyan. Sure akong nandito siya kasi pinsan ni Tom ang isa sa mga varsity. Ang kaso, di ko siya mahanap! Baka nagmala-ninja na sila dito ni Tom at naghanap ng ‘personal space’.

Habang naglalakad ako, panay PDA ang nakikita ko. Mostly, mga members ng iba’t ibang varsity. Grabe, ganito talaga kapag party eh. Akala mo nakawala ng selda mga tao kung magmake out sa upuan at sofa.

Nagpunta nalang ako sa bar counter. Oo, pwede ang alcoholic drinks ngayon kasi pinaalam ng coach sa nakakataas. Tsaka, duh! Bar 'to, impossibleng walang alak! Ang korny ng party sa bar na walang drinks, diba?

"Tequila nga." Sabi ko sa baristang nagfflair pa.

Inabutan ako ng isang shot glass ng barista. Agad agad ko iyon ininom. Gumuhit agad sa lalamunan ko.

Shet. Ang init.

Inilapag ko ang baso at sinenyasan ang barista ng isa pa. Nilagyan niya naman agad ako ng Tequila sa baso. Agad ko ulit iyon ininom at nilagok.

"Ma'am gusto niyo po bang itry ang specialty namin?" Sabi nung isang baristang pumalit sa pagfflair ng kasama niya.

"Ano yun?" Tanong ko sa kanya. Mejo tinatablan na ako ng Tequila.

Nginitian ako ni barista1 at nagsimulang magmix ng kung anu-ano dun sa mesa. May mga pinaghahalo niya mula sa iba't ibang bote at saka isasalin sa shot glass.

"This was a game started way way back 1950s. It started with 10 different drinks that were experimented years ago. Hanggang sa dumami na ang mga ito at pinipili nalang ang mga drinks na sinasama sa laro na naiisip ng bawat bar business. At para sa GT Bar (Go Tamaraws) meron kaming 20 drinks na sinama sa larong ito. We called this as 20 shots to infinity." Paliwanag ni barista2 then smiled at me.

So okaaaay. Gagawin ko jan? Tinaasan ko ng kilay yung dalawang bartender. Ano namang ineexpect nilang gagawin ko?

"The rule is you have to drink this all in one sitting. Walang tigil." Paliwanag pa ni Barista1.

"What do I get in exchange?" I asked.

The Blind Side of Love || COMPLETEWhere stories live. Discover now