Karina

She was holding her tummy while was laughing hard. Who would have thought she would have this conversation with Mark and much more she’d be able to enjoy it.

            “Ayoko na Mark. Ang sakit na ng tiyan ko.” She said in between laughs.

            “Wala akong sinasabing nakakatawa, kinu-kwento ko lang kung papaanong nataranta si Jaime ng makita niyang kasama ko si Marie.” Mark said half smiling. “You just have a vivid imagination that's why.”

            “Well sabi mo kasi nataranta.” She said still laughing. “I already seen that expression before we went to your parent’s party. Sinubukan namin si Jaime kung makikilala niya kung sino sa amin ni Kat ang asawa niya. Tapos nung kunwari nagalit sa kanya si Katrina.” She paused to laugh again. “Nataranta si loko. How I love seeing that expression of Jaime.”

            She remembered how his beared face became pale.

            “For sure, idea mo ‘yun. Hilig mo talagang mag-switch places kayo ni Katrina noh?” Mark commented. “May I know why?”

            She chuckled. “Nakakatuwa kasi na nalilito ang mga tao sa amin. Isa lang ang hindi nalito sa amin kahit once.”

            “Sino?” Mark inquired.

            “Si Don Eduardo. Kahit anong subok kong magpanggap bilang Katrina, palagi niya akong nabubuking. I don’t know how he did it but he’s good.”

            “Dapat pala makilala ni Ethan si Lolo Eduardo para makakuha siya ng tips para hindi mo na siya maloko.” Sabi ni Mark.

            Bulseye. He hit her there. Nakangiti pa rin siya pero natigil na ang pagtawa niya.

            “I’m sorry.” Napansin ni Mark na naapektuhan siya sa sinabi nito. “I didn’t mean to offend you.”

            “No, it’s okay. Totoo naman.” She faked a laugh. “Niloko ko naman talaga si Ethan. But we’re okay now.”

            “Okay?” Nagseryoso ang mukha ni Mark. “What do you mean you’re okay?”

            “We’re okay as in, super okay!” Nginitian niya ito ng matamis. “Don’t tell me you’re not happy for me?”

            “Why would I be happy for you? Hindi naman tayo magkaibigan.” Mark looked straight to her eyes.

            Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. “Really? Then why are you here huh?” She picked up the throw pillow beside her and she threw it to him.

            Mark cathched it. “Ayan ka na naman. Mananakit ka na naman. Hindi ka na mabiro!”

            Nakangiting tumayo si Mark at lalapitan dapat siya nito. Pero kinuha pa niya uli ang isa pang throw pillow at ibabato na niya sana uli iyon rito pero naagapan nitong mahawakan iyon. Sinubukan niya iyong hilahin rito pero hindi nito binitawan.

            “Bakit ba pagdating sa akin ang bilis mong mapikon?” Pang-aalaska ni Mark. “May gusto ka sa akin noh?”

            “Kapal nito!” Hinatak niya ang unan at ng malingat binatukan niya ito.

            “Aray! Karina! Ikaw sumusobra ka na sa akin ha!” Inis na sabi ni Mark.

        Naningkit ang mga mata ni Mark at akmang gaganti ito sa kanya. Mabilis na itinulak niya ito sabay tayo at lumayo rito. Napalakas ata ang pagbatok niya rito.

Sweetest Lie (To be published by PSICOM)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!