i

228 7 3
                                        

Chapter 1

 

Pagtatagpo.

Habang naglalakad ako papunta sa susunod kong klase, nadaanan ko muli siya. Buong tiis kong pinigil na wag lumingon. Kahit na hindi ko siya nakikita, alam kong nandoon siya. Lumakad ako palayo kinakabahan dahil baka sumilay siya. Ngumiti ako nang parang tanga, kunwari walang pakialam. Unti-unti, malapit na ako sa aming silid. Matatapos na ang kabog sa aking dibdib. Inayos ko pa ang lakad ko, straight body stomach in chest out. Nasa may pintuan na ko. Binuksan ang pinto at pumasok. Malapit na. Matatapos na.

Kaso sumabit ang bag ko. Okaaay!. Hindi niya yun nakita okay? Hindi niya yun nakita. Pagkapasok ko sa  loob. Nakahinga ako ng maluwag. Nakakahiya yun, paano pag nakita niya?  Parang umakyat ako sa napakataas na hagdan. At doon nagtatapos  ang pagtatagpo naming dalawa.

Nayayamot at naiinis na ako. Dapat hindi ganito. Dapat wala na ang nararamdaman ko. Pero bakit ganun? Tatlong taon na ang lumipas. Siya parin hanggang ngayon.  Kung tutusin, hindi naman ganun kasakit dapat. Hindi naman naging kaming dalawa. Ni hindi niya rin ako niligawan. Dakilang tanga lang talaga siguro ako at umaasang baka gusto niya ako. Kaso tatlong taon na ang nakalipas. Wala naman nangyayari sa aming dalawa. Siguro nga dapat ko na tantanan. Dapat ko nang kalimutan. Ngunit pesteng alaala. Pag iniisip ko, pinapasaya ako nito. Gusto ko muli maramdaman iyon. Pero nakakalungkot dahil hanggang doon lang yun. Tulad ngayon, iniisip ko kung naalala niya yung noon. Kung paano kami nagkatagpo at paano nauwi ang lahat sa magulong paraan ng  tagpuan namin ngayon

MEMORY #1

4th year.

Recitation namin sa Physics, kasulukayang may tinatanong yung teacher namin. Nakalingon ako sa bandang likuran dahil andun ang guro namin na may tinatanong na kaklase namin, si Marc ata. Iniisip ko nang maigi ang sagot. Alam ko nabasa ko yun. Yun yung ano. Aaah tama! Ang sagot dun ay-----

“Tumingin ka dun, hindi ka daw makita ni Sophia.” Nagulat ako nang mabanggit ni Ms. ang aking pangalan. Nakita kong unti unti siyang lumingon sa bandang harapan kung nasaan ako.

“ayiie” pang aasar ng kaklase ko. Ngayon ko lang naisip na, inaasar pala ako.

“ooh? Nag-iisip lang ako e” mahina kong reklamo at lumingon sa harapan. Tinawanan ko sila dahil nakakatuwa ang mga mukha ng kaibigan ko. Bakas sa kanilang mukha ang pang aasar. Palibhasa, ang alam nila, wala akong crush.

Kung iisipin ko ng mabuti, hindi naman yun ang una naming pagtatagpo. 1st year highschool naman kaklase ko na siya. Marahil ay hindi ko lang siya napapansin noon dahil masyado siyang tahimik, magkaiba ang mundo namin. Ngunit sa tagpong iyon, nagsimulang madawit ang pangalang Marc kay Sophia.

Naalala niya pa kaya yun? Marahil hindi. Hindi naman mahalaga yun

More Than a Memory? E D I T I N GWhere stories live. Discover now