sya^ si Shaber! Shaber AKA @shanejang ~ WAIT! Shane JANG? ano konek mo kay JANG Wooyoung ko huh?! TToTT grr.. WARF! WARF! RAWRR~ loljk! XD thanks porr reading PB ah, Shaber.. ;)) 

at at at~ LAST ONE.. :( 

- - - - 

x56: Last One 




[ADRIAN's PoV] 


Hawak ko ang kamay ni Chelle nang lumapit kami sa gate nitong bahay. 


Kailangan ko syang hawakan. Mukhang wala sya sa sarili dahil sa antok eh. Ni hindi nga yata nya napansin na dito ko sya dinala. 


Dito.. 


Dito sa bahay na toh kung saan namin nabuo ang anak namin. Hehe. 


"Saglit lang.." binatawan ko sya para kunin sa bulsa ko ang susi sa kandado nitong gate. 


Agad ko namang nabuksan yun tapos tumingin ako kay Chelle. Sya kasi ang gusto kong paunahin na pumasok. 


Kaso nakatingala sya at nakatitig dun sa bahay. Siguro ngayon nya lang napansin kung nasaan kami? 


Napangiti na lang ako sa reaksyon nya. Ang cute nya lang oh. As in tulala sya at makikita mo sa mukha nya ang pagkagulat na may halong pagkadismaya at kaba. 


"Chelle." tawag ko sakanya. 


Tumingin sya sakin with the same expression. Mas napangiti tuloy ako. 


Nagpa-flashback ba ngayon sa isip nya ang mga nangyari samin dito noon kaya nagkakaganyan sya ngayon? Hehe.. 


Hinawakan ko na lang ulit ang kamay nya at hinatak sya papasok ng bahay. 


Grabe. Nanlamig sya bigla ah? Mukhang natatakot sya. Natatakot na baka kung ano na namang magawa namin. 


Pero wala naman syang dapat ipag-alala eh. Kaya kong magpigil ngayon. Dahil ngayon, ang makipag-usap lang talaga sakanya ang gustung-gusto kong gawin. 




[RACHELLYN's PoV] 


Marahan akong hinatak ni Adrian papasok nitong bahay..nitong bahay na kahit kailan eh di ko inaasahang mababalikan ko pa. 


Ayoko dito.. Ayoko nang maalala ang pagkakamaling nagawa ko noon dito kasama sya.. Pero wala na.. Nandito na ko. 


Ano naman ba ang gagawin namin dito? 


G-GAGAWIN BA NAMIN YUN ULIT? 


AHHH NO! NO-NO-NO.. >///< 


Nang dumaan kami sa sala, napansin ko ang ayos ng paligid. 


Everything's the same here. Maganda pa rin ang interior ng bahay kahit may kalumaan na. Pati yung mga gamit na nandito, ganun pa rin ang ayos. Karamihan sakanila ay puro agiw, alikabok at mga nakacover ng kumot. 


Pero yung sofa, yun lang ang walang cover at maayos tignan dito. Pati yung center table. May mga papel, lapis at folder ang nasa ibabaw nun. 


Hatak-hatak lang ako ni Adrian hanggang sa marating namin ang kusina. 


Doon, binitawan na nya ko. 


"Teka. May naiwan ako sa kotse. Uhm, dito ka lang." sabi ni Adrian sabay alis. 


Umupo naman ako sa isang high stool sa tabi ng mesa na nasa gitna nitong kusina. Tapos inikot ko ulit ang tingin ko sa paligid. 


Malinis-linis dito sa kusina compared dun sa sala. Pero bakit ganito? Diba wala nang nakatira dito? Eh bakit ang ayos dito? Na para bang may gumagamit pa nitong bahay? 


Huminto ang tingin ko sa may microwave stove. Then.. Then I found myself smiling. 


That stove.. It brings back funny memories. :')) 


"Chelle." nakabalik na si Adrian. Pilit ko namang inalis ang pagkakangiti ko. "Kain ka muna." 


May nilapag syang plastic bag sa harapan ko. Yun yung binili nya sa 7-11. 


"A-Ano yan?" tanong ko. 


Ngumiti sya nang mapang-asar. "Yan? Edi pagkain." 


Oo nga, Rachellyn. Malamang pagkain yan. Kumain ka nga raw muna diba? ToT 


"Dali. Kumain ka na." nilabas nya yung food mula sa plastic bag. Isang rice meal yun. 


"A-Ayoko kumain. Maguusap tayo diba? Kaya mag-usap na tayo p-para makauwi na tayo agad.." 


Natigilan sya saglit tapos humila sya ng isang high stool malapit sakin. Umupo sya roon. 


Tahimik.. Ang tahimik ng paligid. Ang naririnig ko nga lang ay ang napakabilis na tibok ng puso ko. 


*PSST! PSST! 


O___O 


"Tsk." kinuha ni Adrian ang phone nya mula sa bulsa nya. So..ringtone pala yun? Akala ko kung sino nang sumisitsit samin dito! >___< 


Seryosong tinitigan ni Adrian ang screen ng phone nya. May binabasa yata syang text. 


"Teka lang ulit ah, Chelle." tumayo sya at iniwan ako dito habang nagdadial sa phone nya. "Ma?" 


MA? Tinawagan nya yata si Mama Margie. Di ko na narinig ang mga sunod nyang sinabi kasi nakalayo na sya agad. 


Haaay.. 


Ano nang gagawin ko dito? Eh wala naman akong ganang kumain. Buti ba sana kung sasaluhan nya ko eh. 


*PAK! 


Tinapik ko na naman ng pagkalakas-lakas ang noo ko! Mga pinag-iisip ko kasi.. Psh. 


Tumayo ako at naglakad-lakad. 


Sa sala ako napahinto. Nakita ko kasi si Adrian na nakaupo sa may tapat ng front door at may kausap pa rin sya sa phone nya. 

Playboy's Baby (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!