Mary Ann

“We could look for other banks. Huwag ka ng malungkot.” She consoled Ethan.

            The meeting with the bank manager didn’t went well. They couldn’t afford the interest rates they were offering and for sure in the end the hotel would be foreclosed. They wouldn’t want that to happen.

            “I’m not sad, naisip ko lang…” He paused and concentrated on driving.

            “Na gusto mo ng i-annul ang kasal.” She continued his phrase.

            “Ann, don’t start.” Saway agad ni Ethan sa kanya.

            “Where are we going?” Hindi na niya ipinilit pa ang topic na iyon instead ay nagtaka kung bakit sa ibang direksiyon ang tintahak ng kotse nito.

            “I met a girl in the plane, she mentioned she worked in a bank. Baka matulungan niya tayo.”

Ethan’s eyes were on the road but hers were on him. Nakatagilid siya at pinagmamasdan niya ito. Good thing hindi ito tumitingin sa kanya para hindi nito makita ang lungkot sa mga mata niya. He’s so near but he’s still so far.

“Another girl ha.” She couldn’t help but blurted out a jealous remark.

“Don’t be jealous sweetheart.” Finally Ethan glanced at her. “You’ll always be my best girl.”

Inirapan niya ito at umayos ng upo para ibalig ang tingin sa daan. But she bit her lower lip to suppress a smile. Sweetheart. Kinikilig siya kapag naririnig niya ang endearment na iyon sa kanya ni Ethan.

“Oh sino ang iniisip mo?” Ethan started a conversation. “Si Mark ba? Akala ko kahapon sinusundan niya si Karina, iyon pala ikaw daw ang sadya niya sabi ni Karina sa akin. Nililigawan ka ba niya?”

Tumahimik siya at pilit niyang binalik-balikan sa isip niya ang sinabi nito. But there’s no hint of any jealousy. Kainis!

She sensed a genuine concern, nothing more.

            “Hindi naman but he want us to date. Maybe he’s interested in me. Hindi naman nakakapagtaka diba?” Dahil sa inis niya ay nasagot niya ito ng pabalang.

            “Oo naman syempre ang ganda mo para hindi ka mapansin. Sa office nga ang daming nagpapaalam sa akin na pwede ka daw bang ligawan. They thought we are an item.”

            Kahit natuwa siya sa sinabi nito na maganda siya ay hindi pa rin maalis ang inis niya rito at sa sarili niya. Wala siyang karapatang mainis.

            “What did you tell them?” She asked.

            “Well kapag sa tingin ko na hindi naman papasa sa iyo. I told them na hindi pwede kasi we’re dating.” Tumawa pa ng mapang-inis si Ethan.

            “And what made you think na hindi sila papasa sa akin!” Lalo siyang nainis sa nalaman niya. “Loko ka, bakit mo ako binabakuran.”

            “Matagal tayong tumirang magkasama sa iisang bubong.” Ethan grinned. “Masyado kitang kilala alam ko kung ano ang mga tipo mong lalaki.”

            “Talaga lang ha. Papaano mo nalaman ay hindi mo naman nakikita nag mga dine-date ko.”

            “Hindi ko talaga makikita iyon dahil wala ka namang dine-date. Sinsabi kaya sa akin ni Nanay na napaka-mapili mo daw sa lalake. Lahat daw basted agad.”

            Pati sa Nanay niya ay nainis din siya. Bakit siya nito ibinuking kay Ethan. Kinabahan siya bigla baka sinabi rin nito kay Ethan na crush niya ito.

            “Hindi naman lahat ay kailangang sabihin ko kay Nanay. Tigilan mo na ‘yang ginagawa mo sa pagharang sa mga gustong dumiskarte sa akin. Wala kang karapatan!”

            “Uy, napikon na yan.” Ethan ran a finger under her nose.

            “Ethan, kadiri ka talaga!” Ugali nitong gawin iyon sa kanya sa tuwing iinisin siya nito. Gumanti siya at hinampas niya ito ng malakas sa braso.

            “Aray!” Natatawa-tawang sabi ni Ethan.

            “Masakit? Eto pa ang isa!” Pinalo niya ulit ito. “At eto pa uli!” Isa pang malakas na hampas ang ginawa niya.

            “Tama na! Nag-drive ako Ann.” Awat nito sa kanya pero hindi naman nito iniiwas ang braso.

            “Pasalamat ka, takot akong mamatay.” Inirapan pa niya ito muli.

            Noon ay masaya siya kapag naghaharutan sila ng katulad nito pero ngayon naiinis na talaga siya kay Ethan. He’s so oblivious of her feelings, he didn’t even noticed her. Kahit minsan ba hindi nito naisip na pwedeng maging sila, na higit pa sa pagiging magkaibigan ang maging relasyon nila?  

            “Ayokong mangyari sa iyo, ‘yun. Mamatay ng hindi nararansang umibig. Sweetheart masarap ang magmahal. But I’m not saying it should be Mark. Find someone na mag-aalalaga sa iyo kagaya ng ginagawa ko. Hangga’t hindi ka pa nakakakita ng kagaya ko, huwag ka munang makipag-relasyon.”

            “Feeling! What makes you think na ang isang kagaya mo ang gugustuhin ko.”

            “Dahil I see it in your eyes that you adores me. But you rather have me as your friend.” Nakangiting nilingon siya nito sabay kindat sa kanya.

            She was speechless. She’s wrong. He noticed it, he did.

            Muli siyang tumingin sa labas. Bahagya pa siyang tumagilid paharap sa bintana ng sasakyan ni Ethan. How stupid of her. She should have made a move before. Baka sakaling hindi siya ngayon parang tangga na naghahabol.

            Napakaduwag niya. Bakit ba hindi niya maamin rito ang nararamdaman. Hindi lang paghanga ang nararamdaman niya rito. He was her life, she loved him to destruction.

            Mabilis na pinalis niya ang luhang pumatak sa mga mata niya.

            Kahit ngayon na pwede na niyang sabihin dito ang nialalman ng kanyang puso ay wala siyang lakas na ibulalas iyon. Yumuko siya at hinanap ang phone niya sa bag. May hinanap siyang number at nag-compose ng message.

            “Wow sino ang ka-text mo? Ang bilis ha. Mukhang sisimulan mo ng maghanap ng mamahalin ha.” Tuko ni Ethan sa kanya.

            “Actually nakita ko na siya.” She confessed. “Ite-text ko nga. I think siya ang makakapagbigay sa akin ng happy ending ko.” Malungkot na nginitian niya si Ethan.

            Dahil tutulungan niya akong makuha ka mula kay Karina. She wanted to add.

            Pagkatapos niyang matapos ang message na ginawa ay pinindot niya ang send button.

            “Mark, you’re right I need your help. Tulungan mo akong paghiwalayin sina Ethan at Karina. Pumapayag na ako sa anumanng kondisyon mo. Basta kailangan na maghiwalay sila sa lalong madaling panahon.” 

Sweetest Lie (To be published by PSICOM)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!