Chapter 82 True Love

18.4K 320 7
                                    

Mesaiyah's point of view

"Iiwan mo ang motor??" Tanong ko habang tinuturo ang motor.

"Hiniram ko lang 'yan kay Razec. Hindi ka pwedeng magmotor dahil nakadress ka kaya maglakad nalang tayo." Paliwanag niya sabay hawak sa kamay ko at nagsimula ng maglakad. Salitan ang mga daliri namin at parehas mahigpit ang aming pagkakahawak.

"Sana bilog ang buwan." mahina na animo'y bulong lang na sabi niya. Malambing ang kanyang boses at napakaganda nito sa pandinig.

"First quarter ngayon. Nakatawa ang buwan sa atin." Sagot ko.

"Ang sabi kapag naglalakad ka kasama ang taong mahal mo sa ilalim ng bagong buwan. May bagong problema silang kakaharapin." Siya.

"Kasabihan ba 'yan o inimbento mo na naman." Ako.

"Hindi. Lagi 'yan sinasabi ni mommy sakin. Sabi niya kasi, mahilig ang ama ko tumingala sa langit. Lagi niyang hinahanap ang buwan para sabihin sa mommy ko ang kasabihan niya."

"Paano kung umulan? Madilim ang langit, walang star, walang buwan." Sabi ko.

"Nasa loob lang sila ng bahay. Hindi sila lumalabas dahil puro pait at hinanakit lang daw ang dinudulot ng gabing walang buwan." Sagot niya.

"At ang sabi ni mommy, kailangan mong yakapin ang taong mahal mo para hindi magkatotoo ang kasabihan."

"Mana ka pala sa Daddy mo. Mahilig mag-imbento makachansing lang." Napatigil siya kaya napatigil din ako sa paglalakad. Ang seryoso naman nito. Niyakap niya ako ng sobrang higpit. Hinawi niya ang buhok ko na humaharang sa aking mukha at isiningit sa aking tenga. Hinalikan niya ako sa noo. Naglakad na ulit kami at magkahawak pa rin ang mga kamay namin.

"Paano kung bilog ang buwan?" Muli kong pagtatanong. Naalala ko kasi yung sinabi niya. Infinity daw kapag naglalakad sa ilalim ng bilog ng buwan ang magcouple.

"Sa bubong ng bahay sila natutulog. Kahit hindi sila naglalakad sa ilalim ng bilog na buwan at least nasisinagan silang dalawa ng ilaw ng buwan."

"Kaya pala nahulog ang mommy mo sa daddy mo. Masyado kasing romantic person. Katulad mo." Alam kong napangiti siya sa sinabi ko. Hindi niya lang pinahalata. Napasinghap ako ng malalim. Ilang oras na din kaming naglalakad, inaantok na ako. Napapapikit na ang aking mga mata at ang ulo ko ay tumatama na sa kanyang balikat. Umupo siya at ibinigay ang likod niya sakin.

"Sakay na." wika niya at hindi na ako nagdalawang isip pa. Bumaba ako sa likod niya. Isinandal ko ang ulo ko sa kanyang likod malapit sa balikat habang magkakapit ang dalawa kong kamay sa harap ng kanyang dibdib. Ipinikit ko na ang aking mga mata. Nakakapagod ang araw na ito.

"Mesaiyah." tawag niya sakin.

"Hmm?"

"Naniniwala ka ba sa forever?" Tanong niya.

"Hindi ako naniniwala sa forever. Walang forever pero naniniwala ako sa true love." Sagot ko. Pinapakiramdaman ko ang presensya niya. Hinigpitan ko pa ang pagkakakapit sa kanya. Malamig ang gabi, bawat dampi ng hangin sa pisngi ko ay napapatago ang mukha ko sa likod niya. Maraming umiilaw sa taas ng langit, ang buwan natatabunan ng mga ulap samantalang kokonting sasakyan lang ang dumadaan at ang ilaw na nalalagpasan namin ay mapanglaw dahil sa dilaw ang kulay nito.

"Ikaw, naniniwala ka ba na may forever?" Ako naman ang nagtanong.

"Oo. Nagsimula ang forever sa true love. Kaya kung walang forever, walang true love. Ikaw ang true love ko kaya ikaw ang forever ko. Forever kasama sa hirap at saya, sa pait at ginhawa, sa lungkot at hinagpis." Sagot niya at kinilig na naman ako sa sinabi niya.

She Married The Stranger [Book1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon