042

232 12 3

narration
Areum










Kung nakakatunaw lang ata yung tingin kanina pa tunaw 'tong si Dongpyo.






In fairness, iba yung aura niya ngayon.






"sure ka di ka pa gutom?" tanong niya at tumingin sakin, napaiwas ako ng tingin at kunwari may hinahanap sa bag ko.






"h-hindi pa naman." sabi ko tas kunwari kinuha ko yung phone ko. "ikaw ba?"






"hindi nga eh. Lika, dun muna tayo." hinila niya ako papunta sa isang bench dito.





"hala di ka pa ba napapagod? Kanina pa tayo naglalakad ehh." angal ko pero parang wala siyang narinig.






"onti na lang Reumie." hawak hawak niya pa rin yung kamay ko tas ako dito pagod na pagod na.





Sinundan ko lang siya habang nakatingin lang ako sa baba kasi medyo inaantok na rin ako.





"andito na tayo." ramdam ko na binitawan niya yung kamay ko at naramdaman ko yung malamig na ihip ng hangin.






"bakit tayo andito?" tanong ko. "b-bakit dito pa?" medyo nanginginig na yung boses ko dahil may naalala ako sa lugar na 'to.




Dito namin cinelebrate yung first anniversary namin.





"wala, ang hangin kasi dito. Tapos ang ganda ng view. tulad mo." medyo mahina yung pagkakasabi niya sa last na sentence.





"oo nga naman." I acted na parang walang nangyari dito non. Nagulat ako kasi hinubad niya yung jacket niya at pinatong yon sakin.





"halatang nilalamig ka." napa tingin ako sakanya at nakita na nakabalot na pala yung mga kamay ko sa may braso ko.





"thank you." tas ngumiti ako. Nakatingin lang ako sa view ng bigla siyang nagsalita.




"you look much beautiful than usual." nagulat ako kasi ramdam ko ng uminit yung mukha ko. Peste.






"thank you." tapos ngumiti na lang ako.





"cute niyo ni Haechan hyung." nanlaki mga mata ko ng narinig yon. "oh ayos ka lang ba?" sumandal siya sa may railings tsaka tumingin sakin.





"gago ka ba eh kaibigan lang tingin ko don." I awkwardly smiled then ganon din siya.





"sure ka? Edi ibig sabihin niyan may pag-asa ako sayo?" omg im so beri beri shookt na this time.





"ano ibig mong sabihin?" tanong ko at nakita siya na lumapit sakin.





"gusto kitang ligawan, Areum. I like you." hinawakan niya naman yung kamay ko at ngumiti.





hala self wag kang marupok plez!






"k-kelan pa?" tanong ko, kahit dati naman bago pa mangyari lahat 'to alam ko na kung gano niya ako kamahal.





"dati pa, Reumie."





"r-reumie?" nagtataka kong tanong, sila Jisung lang naman natawag sakin niyan tsaka nung bago pa siya mawalan ng memorya.





"I love you." I was caught off guard, di ko alam sasabihin ko. Natulala na lang ako sa kinatatayuan ko.





di kaya, di talaga siya naaksidente at nagka amnesia?










sweater | son dongpyo | jacket book 2Where stories live. Discover now