Chapter 25

345 4 2

Clare's POV

"T-teka, Zaire!"

Naghabol ako ng hininga pagkatapos habulin si Zaire. "What?" he coldly said.

"I'll pay you. Bring me home and I'll pay you." I said.

"No need." he said. Tumalikod na siyang muli saka pinatunog ang kanyang sasakyan. Ano ba yan, ang init dito sa parking lot. Ang dami ko pang dala! Mabuti nalang talaga may cart hehe!

Pasakay na sana siya nang kanyang sasakyan ngunit pinigilan ko siya. Kinakabahan man, hindi ko pa rin maiwasang mapangiti ng patago dahil sa ginawa niya kanina.

"What?"

"Uh...p-pwede pahatid?" nahihiyang tanong ko.

"If you are making tactics to trick me again, Ms. Hwang. Then you are wrong. You can't get me. Hindi na. Never. I'll apply for an annulment as soon as possible. Maghanda ka." aniya sa malamig na tugon.

Parang kumirot ang puso ko nang tawagin niya ako sa aking puso. Hinayaan ko na siyang makaalis at bigo naman akong pumunta sa sakayan.

Nagmukha akong desperada! God!

Marami mang paboritong nabili, para akong nawalan ng ganang kumain at humilata na lamang ako sa aking kama buong araw.

Hindi ko mapigilang maluha sa kanyang sinabi kanina. At the first place, I've never gotten him. He only stayed with me for some stupid contract but I never got his heart.

Maybe he really loves Ate Dane that he owned the child inside her? Or...what Asumi said was just an imagination and he's the real father?

Tama lang talaga siguro na mag file siya ng annulment dahil wala na rin siguro iyong saysay ang kasal namin.

Matapos ang dalawang araw, puspusan akong nagpapractice at sinusubukan kong hindi magkamali para mabilis kaming matapos sa ramp. Oppa are having some affair scandal issues right now with my bestfriend kaya he didn't have a chance to make practice with us today.

"Clare, punta daw tayo ngayon sa office ni Elana. May farewell party ata and announcement." Ahron said.

Taka ko siyang tinignan. "Nagresign na ba si Manager Elana?" Tanong ko rito.

Umiling siya at mahinang natawa.

"Hindi no. Basta. Ay basta di ko alam. Farewell party tsaka announcement lang ang sinabi." aniya at saka naglakad paalis.

Tumango na lamang ako sa kaaalis na si Ahron at sumunod sa kanya papunta roon sa opisina ni Manager ko.

Sino kaya ang magpapadespidida?

Habang naglalakad ako papunta roon ay rinig ko na ang mga ingay mula sa loob. Malaki kasi ang opisina ni Manager Elana, dahil may kaya siya sa buhay at tiyuhin niya ang may ari ng agency, pinagawa niya pa iyon sa paraan na gusto niya.

Hindi na ako nag abala pang kumatok at dumaretso na lamang akong binuksan ang pintuan. Bumungad sa akin ang ingay ng aking mga kasamahan sa ramp. Naroon din ang mga photographers at ibang taong pamilyar ang mga mukha.

Nilibot ko ang paningin sa buong kwarto at nakita si Manager na nandoon sa sofa sa gilid at umiinom ng juice. Naglakad ako papunta roon at saka siya kinalbit.

Ngumiti siya ng makita ako. "Mayroong pagkain doon, Clare. Kung nagtataka ka kung bakit kalmado ako ngayon sa kabila ng mga kalokohan ng kapatid mo, nagtitimpi lang ako. Haha." natawa ako a kanyang saad.

She's cool.

Kumuha ako ng pagkain sa buffet table at kinuha ang aking mga gusto.

"Oh, so you're here." napalingon ako sa kung sino ang nagsalita. Kumunot ang noo ko nang makita si Ate Dane.

"O-oo. Inimbita ako ni Manager e." I smiled.

"Oh, si Elana? Good thing sinabi niya sa iyo, baka kasi hindi mo man lang ako makita bago ako umalis dito sa ahensiyang ito. You know, I'll go to the States with my husband to give birth there."

Baka boyfriend. Tss.

Peke akong ngumiti. "Sa'yo pala farewell to. Well, congrats on your decision." I said.

"Are you saying that it's good that I am not here?!" she yelled.

"Ikaw na nagsabi niyan, Ate." I chuckled and raised an eyebrow. Iniwan ko siyang nagbubwisit doon, hindi na siya binuwisit pa dahil makasasama iyon sa bata sa loob.

Sandali ang lumipas, umakyat si Elana sa ginawang stage sa gitna saka kinuha ang mikropono.

"I'll be announcing something." she firmly said na nakapagtahimik sa mga tao sa loob, kasama na ako na nakikipagdaldalan kay Ahron.

"There will be a ball next month on our industry. We are expecting you to join on that event with vintage outfits. You can bring your own partners, from this industry or not. That's all. Thank you, please enjoy the party today." She said.

Ball? Gosh, pag nalaman ito ni Eomma ay paniguradong mag eexcite iyon. Hehehe.

Pero...

Dadalo kaya si Zaire?

-----

One update pa po niyan tapos inactive muna po ako dahil may examinations po kami niyan sa susunod. Sorry for the inconvenience. Hope you understand. Thank you.

The Contract of a Billionaire (Billionaire Series #2) COMPLETEDRead this story for FREE!