Banat (batch 24)

248 6 2

October 7, 2014

Banat # 150

Pintig ng puso para sa kanya

Walang tigil at di ko mapigilan

Isang paraan upang saglit mabawasan

Siya ay handugan

Alayan

Tula na mula sa kaibuturan

Kailaliman

Puso ko na siya lang ang tanging laman

Kahit nasa kabilang ibayo

Di ko man abot ang layo

Sa puso ko sobrang lapit mo

Kung maririnig mo lamang

Pintig ng puso ko

Isinisigaw ang pangalan mo.

October 10, 2014

Banat # 151

Tulog mo ba ay malalim

Hayaan mong ikaw ay aking gisingin

Banat ko sa araw mo magpapaningning

Ikaw lamag ang tanging hinahandugan

Mahal kita at di kayang pakawalan

Nararamdaman sagad sa kaibuturan

Puso kong ikaw ay ipinagsisigawan

October 10, 2014

Banat # 152

Magandang gabi aking binibini

Paulit-ulit man namumutawi

Nakakasawa na ata aking sinasabi

Ang tanging hangad lang naman

Ikaw mahandugan

Mga salitang sa iyong kalooban, magpapagaan

Kung may pagkukulang ay sana pagpasensiyahan

Hayaan mong sa ganitong paraan

Iyong maramdaman

Ako'y magtatagal hanggang sa kailanman

Hanggang sa kailaliman ng dagat

O kaitaasan ng kalangitan

Minamahal kita at ito ay papatunayan

October 11, 2014

Banat #153

Akala mo gwapo mukha namang galing sa nitso
Ugali mo kasingsama ng mukha mo
Asal mo hindi para sa tao
Mas mabait pa ang aking aso

Kamukha mo miyembro ng akyat bahay gang
Pati riding in tandem at mga holdapan
Sarap mong upakan
Mukha mo ilublob sa putikan

Inggit lang siya di ba?
O malamang ay type ka!!!
Nagpapapansin sa isang dyosa

Masasabi ko lang sa kanya:
Pare, ang tunay na lalake may paggalang sa babae

October 12, 2014

Banat # 154

Madaling araw pa lang
Ikaw na ang nasa isip
Hanggang pagtulog laman ng panaginip

Sana sa banat ko inis mo ay mabawasan
Kung di man ay mabura ng tuluyan

Higit isang taon na kitang kakilala
Di ka naman suplada
Ako nga napansin mo di ba?
Hayaan mo na siya
Siguro nga ay type ka
O baka naman inggit siya sa buhok mong mahaba
Ume-Elvin ata

Andito naman ako
Macho.
Gwapo.
At higit sa lahat minamahal ka ng todo..

BanatBasahin ang storyang ito ng LIBRE!