"Do you know the difference between a coffee whiskey and Irish coffee?" Aes asked as he started digging for his plate.

"That's a corny trying-hard to be genius pick up line, go find something else. The fuck, Aes, huwag mo ngang ipinapahiya ang pamilya natin," sabat ni Jared.

Nagsasagutan ang mga magpipinsan nang inilapit ni Hans ang kanyang ulo at saka bumulong sa akin.

"Do they even add up to your research about my family's good looks?"

I stabbed a cubed fish flesh with my fork and chewed it in my mouth. I heard him chuckle.

"I want to go to the sauna," ani Ty nang kami ay matapos nang kumain. Napuno naman kami ng kwentuhan at nalaman ko ring puro sila first year college sa New York at kasalukuyan lamang na nandito dahil may shooting sa kanilang campus. "Who's coming with me?"

Tumayo ang magpipinsan ngunit nagpaiwan si Hans.

"I'll walk her around here later. You wanna go with them?"

I shook my head.

"We can stay here for tonight if you want. I'll book two rooms."

"Hindi pwede at ayaw ko. Ibabalik mo ako nang gising at buo sa bahay bago matapos ang gabi."

"Why, are you Cinderella's daughter? You'll transform at midnight? You'll turn to a vampire or something?"

"Oh please. Can we just have another of this?" I raised the glass and clinked with him as we took shots.

HINDI PA RIN kami umaalis ng mesa dahil dumaan kanina rito si Yel at nagbagsak ng isang basket ng mga nabalatang prutas. Naobliga tuloy kaming umubos ni Hans. Hindi rin ito nakakatulong dahil ayaw niya sa pakwan at pinya. Tanging ang strawberry at ubas lamang ang nilalantakan nito.

Hindi ko inasahan ang aking makikita nang iangat ko ang aking patingin. Paparating si Knight at may kasama itong maputing babaeng nakasuot ng pastel green na dress at nakasuot ng puting de-takong na sapatos. Kaagad akong tumingin kay Hans at mukhang wala itong kamalay-malay sa pagdating ng kanyang pinsan.

Muli akong lumingon upang makasigurong hindi niya ako makikita ngunit mistulang tinimpag na pader ang dibdib ko nang mahuli niya akong tumingin sa kanya. Siya ang unang kumalag sa tingin upang kausapin ang babae bago niya ito ihila ng upuan sa mesang nasa likuran ni Hans.

The girl sat with her back facing me and he walked round the table to sit across her, his eyes boring holes at the back of Hans' head and into me. It almost looked like a silent warning. Why is he even here anyway?

"I am nearly done with my berries. You need to finish that. Pagagalitan kami ng Ate ni Yel kapag may sinayang kami rito," patawang saad ni Hans.

Marami namang tao sa restaurant kaya naman pasimple na lang din akong nag-ikot ng tingin. Hindi ako makakilos nang maayos dahil nararamdaman ko ang kanyang tingin. Hindi ako sigurado kung special talent na maituturing ang ganoon ngunit hindi pa ako nagkakamali sa pagpredict na may nakatingin sa akin.

Naramdaman ko ang pagkalikot ng aking pantog sa dami ba naman ng pakwang pinakain ni Hans sa akin. "Saan ang banyo, Hans?"

"Bakit?" he asked as he was munching a couple of seedless grapes. "Samahan na lang kita."

"Huwag uy, nakakahiya at saka kaya ko naman. Nasaan ba?"

"Sundan mo yung carpet na iyon tapos diretsuhin mo lang yung hallway na iyan, tapos lampasan mo yung unang pintong makikita mo. Pagkalampas mo, lumiko ka. Doon ang banyo," saad niya.

Tumango na lamang ako at hindi na nagreklamo sa magulong mapping ng lugar na ito.

Nalampasan ko nga ang unang pinto at naiwan itong nakabukas. Hindi ko sinasadyang silipin ito ngunit malamang nang dahil nga sa nakaawang ang pinto ay nakita kong tila isa itong private room para sa mga gustong kumain nang hindi nakikisali sa mga tao doon sa diner.

That Boystown Girl [COMPLETE]Where stories live. Discover now