TWO

10.5K 117 2
                                    


MABILIS na kinalma  ni Ciarra ang sarili kasabay ang pagpalis sa diwa ng mga alaalang iyon. Itinuon na niya ang konsentrasyon sa imahe na nasa harap ng bahay nila. Ilang metro na lamang ang layo niya rito.

Napilitan siyang ihinto ang minamanehong kotse sa likuran ng Toyata Corolla. Sinadya niyang lakihan ang espasyo sa pagitan nila. Nakaharang kasi ito sa driveway nila. Sinubukan niyang businahan ito subalit kampante lamang itong umalis sa pagkakasandal sa sasakyan at walang anumang naglakad patungo sa kanya.

Napilitan siyang magbaba ng salaming bintana ng kanyang sasakyan nang makalapit ito. Lihim niyang nahigit ang hininga niya  nang magtama ang mga mata nila. Nakatali ang buhok nito at  bagong ahit. Malinis na malinis ang mukha nito ngayon. Hindi kagaya noong makita niya sa ospital na may pagka-haggard ang anyo. His eyes were very expressive and exotic, framed with thick eyelashes.

Nakalabas na pala siya ng ospital...

Sa kabila ng pagpipilit niyang kalmahin ang sarili ay nanatiling eratiko ang tibok ng puso niya. "A-anong ginagawa mo rito? At puwede ba, alisin mo na sa pagkakahambalang ang kotse mo at papasok ako." Nilangkapan niya ng iritasyon ang kanyang tono.

Pasado alas-diyes na ng gabi nang sulyapan niya ang orasan sa dashboard.

Bahagya itong nakadukwang, may nakapaskil na ngiti sa mga labi nito-- ngiting nakakapagpapilipit sa kilig sa mga kaklase niyang mga babae noon.

"Bakit ang tagal mo? Kanina pa ako rito," tila  naninitang sabi nito  na para  bang  may usapan sila at napaghintay niya ito nang matagal.

Tumaas ang isang kilay niya. At ano naman ang karapatan nitong manita sa kanya?

"Wala ba si Tita?"  kaswal na tanong pa nito.

Wala ang kanyang ina. Bumisita ito sa kapatid nitong nakatira sa Cavite at  kinabukasan  na ang balik nito. Naisipan nitong dalawin ang kanyang Auntie Dolor para ibalitang magpapakasal na siya. Bagaman wala pa namang petsa ang kasal ay excited na itong ipaalam sa lahat ng kamag-anakan nila ang tungkol sa napipintong kasalang magaganap.

"What took you so long, huh?"

"At sino ba'ng may sabi sa 'yong maghin—"

"Gabing-gabi na. Hindi mo ba alam na delikado ang panahon ngayon? Dapat pagsapit pa lang ng alas-otso ay nasa loob na ng bahay ang dalagang kagaya mo."

Ano ba'ng karapatan ng mokong na ito na sermunan ako? Ngali-ngali na niyang barahin ito, mabuti na lang at  nakapagtimpi pa siya. Ayaw niyang pahabain pa ang diskusyon nila. Dahil habang  tumatagal ay natotorete ang isip niya, bagay na pinagtatakhan niya.

Pilit niyang pinakalma ang sarili. "Look, kailangan ko nang pumasok sa loob. Pakialis na ang sasakyan mo." Kinuha niya ang susi ng gate sa loob ng kanyang bag. 

Bahagyang nagbigay ng distansiya si Miguel para makababa siya ng sasakyan.

Hindi na siya magtataka kung paano nito nalaman kung saan siya nakatira. Nasisiguro niyang si Robin ang  may kinalaman doon.

Humanda sa akin ang mokong na iyon..

Hindi na dapat magtagal pa roon si Miguel. Kaya hinarap niya ito upang itaboy na. "Look, gusto ko nang magpahinga. Walang dahilan para magtagal ka pa rito." Napagtagumpayan niyang sabihin iyon dito.

"Let's talk, Ciarra. Marami akong gusto sabihin sa 'yo na hindi ko nasabi nang magpunta ka sa ospital. Sorry, ha? Kasalanan ko  rin kung bakit nag-walk out ka. Puwede ba tayong mag-usap sa loob?"

I LOVE YOU, DON'T CRY (Published under Dream Love #11 book imprint)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon