Synopsis

4.2K 50 11
                                    

     Successful sa mga piniling career sina Theodore at Rein. Pareho silang game designer sa iisang kumpanya. Sa kabila niyon, hindi na nawala sa sistema ng dalawa ang libangan nilang maglaro online. Parehong player ng LONE o League of New Earth sina Theodore at Rein.

     Bagama't hindi magkakilala sa totoong identity,  magkaibigan sina Theodore at Rein sa internet.  Magkasangga, magkakampi ang dalawa, almost lovers.  Kabaliktaran sa relasyon nila sa tunay na mundo. May iringan sina Theodore at Rein bilang mga junior designers. Kapwa mga propesyunal man sa trabaho,  may kumpetisyong namamagitan sa dalawa.

     Sa tunay na mundo ay magkaaway sina Theodore at Rein. Sa mundo ng internet ay aminado sila na in-love sa isa't isa.

     Nagkasundo na sina Rein at Theodore na magkita ng personal. Ano kaya ang mangyayari sa pag-ibig na umusbong sa isang online game?

     Sa laro ng puso, sino kaya ang mananalo at sino ang matatalo?

______________

*Image photo credit: http://img05.deviantart.net/88db/i/2012/008/b/a/league_of_legends_wallpaper_by_alternateize-d4loutb.jpg

_______________

Available na po sa eBookware. Paki-check po sa external link, sa ibaba :)


In Love with my Enemy (Published by Bookware)Where stories live. Discover now