Chapter 12: Bernardo-Padilla Wedding

1.9K 16 2
                                    

DANIEL

May 26; 7:12am

"Are you ready?"

"No."

"Anak, I'm serious."

"Well, I am damn serious too!"

"DANIEL!" Natigilan ako. Nakahalukipkip ako at ngumuso tska lumingon kung sino ang sumigaw. Si dad pala. "Wag ka ganyan makipagusap sa mommy mo!"

"Mom? Or should I say... Step mom?"

"DANIEL!" Sumigaw siya ulet. Nakatitig siya sa akin, hinahabol ang kanyang hininga at halatang galit na galit.

"What?" Iritado kong ani. Nakakusot ang mga kilay. Galit din. "Totoo naman dba? She's not my real mother. So why does I should call her mom?"

"Langya DJ! Umaayos ka ha! Baka gusto mong..." Akmang susuntukin na niya ako pero pinigilan siya ni Karla.

"What? Baka gusto ko hindi matuloy itong kasalanan na ito? Hindi ko naman ito ginusto! Kung hindi ninyo itutuloy, edi wag! Mas maganda nga kung ganon! And damn! Pls. Stop calling me DJ!"

Tinalikuran ko na sila. Lumabas na ko ng bahay kahit na suit na ko. Gusto ko muna magpakalayo. Bahala sila dyan! Pagdating ko sa may garahe, sasakay na dapat ako sa sasakyan nang bigla may huminto na kotse sa tapat ng bahay. Nakabukas na ang gate namin kaya naman naaninag ko agad kung kaninong kotse ito.

"Want some ride?" Bumukas ang bintana sa front seat at bumungad sa akin ang ngisi ni Khalil. Hindi na ko sumagot at sumakay nalang sa kotse niya. San kami nagpunta?

SA CEMENTERYO.

Maaga pa naman kaya sabi ko dito nalang muna kami magpunta. Plus, nagdadalawang isip ako kung itutuloy ko pa ba ito. Why do I have to follow them? They're just ruining my life.

"Nag-away nanaman ba kayo ng dad mo?" Pinutol na ni Khalil ang katahimikan simula ng bumiyahe kami hanggang sa makaupo na kami sa damuhan dito sa cementeryo. Hindi ako umimik sa kanya. "Dahil sa step mom mo?"

Napatingin ako sa kanya. Tinikom ko ang aking bibig at nagbuktong hininga lamang.

"I just miss my mom." Malungkot na sabi ko.

"You know what's truth right? You know that--" Hindi na niya natapos ang kanyang sinasabi dahil agad ako kumontra.

"For me, she's my mom." Tinignan ko ang puntod sa harap ko. Hindi ko na siya narinig nagsalita pa muli. Tinapik nalang niya ako sa balikat and nagsimula na ko kausapin puntod ng mama ko.

"Ma, I miss you na. Ma, bakit ganun? Bakit ba ito sa akin ginagawa ni dad? Sang-ayon ka ba sa ganitong plano nila? Bakit kasi ma kailangan mo pa ko iwan. Feeling ko tuloy wala na ko kakampi." Bumuktong hininga ako. "Tutuloy pa ba ako sa kasalan na ito? Eh kung wag nalang kaya ako sumipot?"

"Ikaw talaga ang rebelde mong tao." Napalingon ako kay Khalil na pinagmamasdan pala ako at umiiling iling pa sa akin ngayon. "Ano ba gusto mangyari? Tuluyan masira buhay mo?"

"Khalil, matagal na sira ang buhay ko. Ano pa nga ba nagbago?"

"Puro ka kasi salita. Nauuna salita at gawa mo. Eh kung isipin mo kaya muna ng maigi kung tama yang plano mo na sa ganun hindi ka magsisi sa bandang huli at para wala ka nadadamay na ibang tao."

"What do you mean?" Kinusutan ko siya ng kilay. Magsasalita na dapat siya kaso biglang nagring phone niya. Dumungaw siya dito at nalagyan ng ngiti ang kanyang mukha. Lalo kumusot ang aking kilay.

"Wait lang bro ha!" Tumango lang ako sa kanya. Bahagya naman siya lumayo sa akin.

"Hello?" Tinignan ko siya. Iniisip kung sino ba ang kausap nito at ang lapad ng ngiti. "Oh? Napatawag ka?"

Stuck With Each Other [KathNiel On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon