TMAFK#55

12K 286 23
                                    

Adriana's pov.

"Hi lolo!" Nakangiting bati ni Belle at lumapit para yakapin si Chairman Sy. Habang si Dominic naman ay nakatitig lang sa akin.

"Hi Belle! Kamusta na? Ang tagal mo nang hindi nagpaparamdam." Tanong ni Chairman para ako'y mapangiti dahil magkaiba ang tawag niya sa amin. 'Iha' ang tawag niya sa akin while Belle ay mismong pangalan niya.

"Marami kasing babae na umaaligid sa apo niyo. Kaya ayon todo bantay ako. Mahirap na, ikakasal na kami baka may magtangka pang umagaw." Saad ni Belle at pasimple ako tiningnan ng masama.

"Iha, please have a seat." Nakangiting alok ni Chairman sa akin.

Nandito ako sa guidance office upang pag-usapan ang nangyaring gulo kahapon. Nandito na ang lahat ng estudyanteng involve sa gulo kasama ang kanilang mga guardian habang ako'y mag-isa lang.

"Apo, okay ka na ba?" Nag-aalalang tanong ni Chairman sa kanyang apo na hanggang ngayon ay nakatingin pa rin sa akin.

"I'm really okay. Magaling mag-alaga ang nurse ko Chairman Sy." Masayang sambit ni Dominic at kumindat sa akin. Binigyan ko na lang ito ng masamang tingin.

"Hi, Ate Adriana." Bati ni Yuri at naupo sa tabi ko kesa doon sa peki niyang ate.

"Don't worry wala na sa'yong mananakit. Nandito na ang ate," bulong ko dahilan para mapangiti ito.

"Thank you Ate Adriana." Yuri knows everything. Simula ma-confine ako sa hospital hanggang sa pagbabalik ko. She's with me hanggang makuha namin ang mga inangkin ni Belle.

"Miss Chavez, thank you for saving my daughter from the bully." Nahihiyang sambit ni Sir Monreal sa akin.

"It's okay, Sir. Kahit sino naman ang nandoon sa posisyon iyon ipagtatanggol ko pa rin." Walang ka emo-emosyon kong sambit sa aking ama na iniwan kami nine years ago. Malabo na rin ang aming relasyon dahil isa rin siya sa nagpa-expelled sa akin dahil sa nangyari sa banyo eight months ago.

Tinanggap lang muli ako sa paaralang 'to dahil sa tulong ni Ma'am Alexandrea at Yuri.

"I'm so sorry Miss Chavez about——"

"Walang anuman." Wala akong time para makipag plastikan sa mga taong tinalikuran ako kung kailan kailangan ko sila.

Napalingon kaming lahat nang may isang lalaki ang pumasok sa guidance office.

"Sir/Ma'am, I am so sorry I'm late."

"Who are you?" Tanong ni Chairman Sy habang nagtataka nang makita ang isang estudyante na hindi naman involve sa gulo.

"I am Maxwel Devela, Adriana's boyfriend." Pakilala ng kaibigan ko dahilan para magulat ang lahat kahit ako.

"Totoo ba?" Biglang singit ni Dominic habang hindi makapaniwala. Hindi ko na lang ito pinansin dahil baka pag-initan na naman ako ni Belle.

"What are you talking about?" Senyas ko kay Maxwel ngunit ngumiti lang ito.

"I will be her guardian, Chairman Sy." Muli sambit ni Maxwel at naupo na sa tabi ko.

"Hindi nila ako papayagang maging guardian mo kung hindi ko pinakilala ang sarili ko bilang boyfriend mo." Paliwanag niya.

"I'm glad you came. Akala ko si Kuya Alex na. Lagot ako doon."

"Don't worry ako bahala kay Alex." Bulong niya para mapangiti ako.

Napansin ko rin na masamang tingin ni Dominic sa amin. Problema nun?

"What happened yesterday? Sinong nagpauna sa gulo?" Tanong ni Chairman Sy habang iniisa isang tingnan ang mga estudyanteng involve sa gulo.

"Chairman, si Adriana ang nauna. She slapped my girlfriend." Sumbong ng boyfriend ni Vanessa.

They Met At First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon