Tuluyan nang umiyak si Bella, gusto siya icomfort ni Cathy pero... pero bakit? Nasasaktan din siya, palagi bang si Bella na lang ang bida?

"I've ended things with Doug, Cathy."

Noong sinabi ni Bella yun tumigil ang mundo ni Cathy. Hindi niya alam anong dapat maramdaman. Dapat ba maging masaya siya? Dapat ba maging malungkot siya para sakanila? Dapat ba mainis siya kasi puta ano pang point noong pinagdaanan niya? Dapat ba magpasalamat siya? Kasi hindi niya gagawin yun.

"Oh tapos? Gusto mo ba magthank you ako? Tingin mo ba magsasaya ako dito at pupuntahan ko si Doug ngayon na wala na kayo? Hindi, Bella. Nasaktan ako. Sobra. Nasaktan ako kahit hindi ko pa naman ganoon kakilala si Doug? Kahit hindi pa naman ako ganoong kaattached sakanya? Pero sobrang sakit nang naramdaman ko noong hindi niya ako pinili. I felt lacking, parang hindi ko deserve lahat kasi kung soulmate ko nga hindi ako gusto yung iba pa kaya? Masakit Bella. Kaya ngayon sinasabi mo tinapos mo na lahat, oh anong gusto mong gawin ko? Ha?"

Hindi mapigilan ni Cathy maging defensive, naiyak na rin siya kasi bumalik na naman lahat sa kanya. Bakit? Porket nagbreak sila wala na lang lahat yung nangyari sa kanya? Hindi.

"Alam kong sasabihin mo yan, at kung ako rin ikaw yan din ang mararamdaman ko. Everything you're feeling is valid. I'm just telling you this because... hindi ko namaj nilet go si Doug dahil trip trip ko lang eh, dahil gusto lang kita asarin o paglaruan. Yung pakikipagusap ko sa'yo ngayon, ang bigat bigat nang pakiramdam ko. Kanina ko pa iniisip kung tama ba 'to kasi alam kong hindi ako magiging masaya sa gagawin ko. Pero hindi ko ginagawa 'to para sa'yo o para sa sarili ko... ginagawa ko 'to para kay Doug. Kasi ganoon ko siya kamahal na kahit masaktan ako, para lang maging masaya siya gagawin ko. Ang tanga ko ba? Siguro nga, tanga na kung tanga, pero wala eh, marupok eh."

Alam ni Cathy na magkaibang sitwasyon sila pero... pero naiintindihan niya ang sinasabi ni Bella, naramdaman niya na rin yun.

"Noong nawala ka... unti unting nawawala rin yung 'Doug' na kilala ko. Lagi siyang iritable, lagi siyang tulala, wala siyang ganang kumain, gusto niya lang lagi nakahiga sa kama o natutulog, gusto niya magisa. Minsan ayaw niya ako kitain o kausapin, minsan kahit si Elix nasisigawan niya. At... at naalis siya sa team sa basketball dahil distracted siya."

Naalis si Doug sa basketball? Nagaalalang tanong ni Cathy sa sarili niya. Alam ni Cathy na may time na puro practice lang si Doug para mapili siya para maglaro against Universe B. Alam ni Cathy yun dahil puro pasa ang braso niya, at literal na namatay yung kuko niya sa paa dahil kay Doug!!! Kung anong nangyari hindi niya alam pero hindi siya makatsinelas o sandals noon.

"Kaya ko namang ituloy, kaya ko namang maging madamot at ipaglaban siya... pero unti unting nawawala si Doug, at hindi ko kayang mawala yung lalaking mahal ko. Hindi ko kayang hayaan na dahil sa selfishness ko maging miserable ang buhay niya. Alam kong nilalabanan lang niya, at alam kong hindi ko maiintindihan yung soul bond... pero... sobrang laking impact sa kanya noong nawala ka."

Hindi masabi ni Cathy kay Bella na ganoon din ang naramdaman ni Cathy, siguro mas magaling lang siyang magtago at magkontrol nang nararamdaman niya.

"Kaya kinakapalan ko na ang mukha ko... please tulungan mo si Doug, please. Ikaw lang... ikaw lang ang makakatulong sa kanya dahil soulmate ka niya. Hindi ko alam kung paano, pero please Cathy, tulungan mo siya. Wag mong hayaan na mabalewala yung sacrifice at paglelet go para maging masaya siya, maging masaya kayo. Alam mo bang sobrang gusto kong maging nasa posisyon mo, maging soulmate niya? Pero hindi eh, hindi ako yung taong para sakanya, ikaw yun."

Hindi alam ni Cathy ang sasabihin o gagawin. Naiintindihan niya ang gusto mangyari ni Bella pero hindi niya alam kung... paano? Paano niya tutulungan si Doug? At ibababa ba niya ang pride niya? Kasi sinaktan siya ni Doug tapos ngayon babalik siya?

Nahalata naman ni Bella na malalim ang iniisip ni Cathy...

"Cathy, I know you're confused. I know naglalaban ang puso at isip mo, pero ito lang ang mapapayo ko sa'yo... if you have a shot at love and happiness, you take it. It might never come again."

Tumungo si Bella at ngumiti pero halatang sobrang lungkot at nasasaktan siya.

"I had mine, Cathy and maybe, maybe I'll regret giving this chance to you, so prove me wrong. Prove that you deserve this chance. Tell me that you won't let my sacrifice go to waste. Ibaba mo na muna ang pride mo. Madaming bagay sa mundo ang mas malaki sa pride mo, Cathy. Kailangan ka ng soulmate mo. Be there for him. Kasi ako... hindi na ako pwede."

Cathy took a deep breathe... will she be there for him?

 will she be there for him?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Soulmates MultiverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon