TGP1

158 41 98
                                                  

Word counts: 1662 words
Warning: May contain strong words

♦▪♦▪♦

"Falling in love is sure sweet and can take seconds to break someone's heart. Better yet, guard your heart."

-Kirsten

♦▪♦▪♦

(1 year ago)

Ang hirap sumakay ng jeep umuulan kasi. Kasalukuyan akong nasa terminal ngayon at naghihintay ng yellow cab papuntang Orchard.

Hays. Kung hindi ko lang talaga kailangang mag-ojt, wika ko sa aking isipan.


Yumuko na lamang ako dahil muli na naman akong kinakain ng lungkot.
Lahat ng mag-aaral sa kolehiyo pinagdaraanan ang ojt at ngayon ang unang araw namin sa pinaglipatan sa 'min. Sa totoo lang kinakabahan ako, panibagong adjust na naman ito para sa 'kin. Medyo lapat na kasi ang loob ko roon sa office kung saan kaming lahat na intern galing. Mukhang mas kailangan ko maging alert, punctual, mabilis maka-adopt at matuto dahil kung hindi, mapupulaan ako sa 'ming pinaglipatan. And speaking of pula, I've had been full of it.

Mawawalan na 'ko tuluyan ng kumpiyansa sa sarili kapag nasamahan pa ng pula galing sa ibang tao ang performance ko. Totohanan na, hindi ako kumpiyansa sa napag-aralan ko, dahil sa totoo lang, ang buhay estudyante ko nitong nakalipas na tatlong taon ay masasabi kong walang silbi. Ang naging awit ng buhay ko ay naging gaya na rin sa ibang estudyante na, "basta makapasa sa retention, ayos na."


Umihip ang malamig na hangin kasabay ang ampiyas ng tubig na dala-dala nito. Saktong na-ampiyasan ako sa aking kanang braso, napatingin tuloy ako rito upang punasan ang basa. Matapos noon ay nag-angat ako ng paningin, nakita kong sobrang dilim ng langit. Ang bigat nito, tila ba nakiki-dalamhati rin sa akin. Kitang-kita ko ang walang humpay na pagbuhos nito ng ulan.

Ang lakas ng ulan dito sa terminal. Nasaan na ba ang mga yellow cab?
Nagsisimula na akong mangamba na baka tuluyan akong pumasok sa trabaho ng basa ang mga paa dahil sa lakas ng ampiyas ng tubig-ulan. Lumingon ako sa kanan at sa 'di kalayua'y nakita ko ang yellow cab na papasok ng terminal. Nang makaparada ito ay walang oras na sinayang ang mga pasaherong nasa unahan namin. Kunsabagay, sino ba naman ang gustong pumasok sa trabaho ng basa?
Buti nga rin at kasya pa kami nina Ate Tasha.

Napa-pwesto ako pangalawa malapit sa hulihan ng yellow cab na L300. Habang si Ate Tasha nama'y nasa kabilang upuan saktong hulihan, malapit sa pintuan. Ilang saglit lang din ay umandar na ang sasakyan at malalim akong napa-isip. Aywan ko ba, basta simula nang nag-aral ako sa unibersidad na 'yon nawala ang lahat ng sipag na mayroon ako. Nakakatawang isipin na ako pa ang isa sa pinaka-masipag sa lagay ko na 'to. I was known for being always present, early bird, masigasig, and diligent with everything I do. Hindi ako pumapayag na magkaroon ng dos na marka once na naumpisahan ko na ang mga grado ko ay nasa uno. Liban na lang sa accounting subjects syempre. Madali lang naman makakuha ng uno sa totoo lang sa ibang mga subjects. Pumasok ka lang ng maaga, kausapin ang prof dahil ikaw pa lang ang estudyante niyang nandyan. I-90% pataas ang mga pagsusulit at voila! Uno ka na. Pero sa accounting? Lumuha ka na ng dugo lahat-lahat wala pa rin. Hindi rin naman maayos magturo ang mga prof kaya ayos na ang maka-dos. Sobrang magpapasalamat ka na sa Dios kapag naka-2.25 ka pa. Ilang taon naging ganuon ang sitwasyon ko. Subalit nang dumating ang third year 1st sem duon ako tuluyang nawalan ng gana sa pag-aaral ng kursong kinuha ko.

The Great PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon