Epilogue

152 17 29

5 months later...

"Hoy mga tanginaaa wag kayong maglaro dyan sa garden ko!" Sigaw ko kina Dongpyo, Eunsang, Hyeongjun, at bago nilang kasama na si Dohyun.

Kami na ni Yohan, last month ko lang sinagot ang lolo niyo. Ilang months din niya kasi akong niligawan at masasabi kong mahal niya nga ako.

Nitong nakaraang buwan lang din, nagmumukhang bahay ampunan na ang bahay ko nang dahil sa dami namin. Palaging nagpupunta dito ang mga kaibigan ni Yohan.

Last month din, bumisita dito si Prity at yung mama niya, humingi sila ng tawad samin ni Yohan sa mga pinaggagawa nila dati. Medyo okay na daw si Prity, hindi na masyadong baliw.

Syempre dahil mabait ako, pinatawad ko. Actually noon ko pa siya napatawad.

"BULAGA!!"

"AY TANGINANG KALABAW!! Ano ba?!" napahawak ako sa dibdib ko nang gulatin ako ni Donghyun at Yohan. Natawa sila sa naging reaction ko.

"Donghyun bakit ngayon ka lang nagpunta dito?" Tanong ko sa kanya at inalok siya ng pagkain. Umupo kaming tatlo sa sofa.

"Busy sa lovelife niya, Hon. HAHAHAHA!" sagot ni Yohan, inirapan ko lang siya.

"Epal ka," Tiningnan ko siya ng masama. "Si Donghyun ang tinatanong ko, hindi ikaw." Ewan ko ba, naiinis ako kay Yohan, may nakakalimutan kasi siya.

"Busy sa school, Noona! Btw, namiss kita hehe." Matamis na ngiti ang sumilay sa labi niya. Nginitian ko nalang din siya.

"Oh? Bakit nawala bigla sina Dongpyo?" Tanong ng kakadating lang din na si Jinhyuk oppa. Umupo siya sa tabi ni Donghyun at kumuha ng pagkain.

Hindi ko alam pero nahuli kong kinindatan ni Jinhyuk oppa si Yohan! Anong meron sa dalawang ito? May hindi sila sinasabi sakin.

"Noona, magkaaway ba kayo ni Yohan-hyung?" tanong sakin ni Donghyun, palipat-lipat ang tingin niya saming dalawa ni Yohan.

"Hindi kami magkaaway ni Eurikel, sadyang abnormal lang talaga siya," Pinalo ko ang braso si Yohan. "Aray! Joke lang!"

"Teka, asan na ba sina Eunsang?" Tanong ko nang matanaw kong wala ng naglalaro sa may garden.

"Yan din yung tanong ko kanina." Sabi ni Jinhyuk oppa habang patuloy ang pagkain niya. "Teka lang, hanapin ko lang sila. Samahan mo 'ko, Yohan." Dagdag pa nito sabay hila kay Yohan palabas ng pinto.

"Kwento ka naman about sa nangyari sayo nung nakaraang buwan kung bakit hindi ka pumunta dito." Pagkausap ko kay Donghyun, kumuha ako ng cookies at uminom ng juice.

"Busy sa pag-aaral plus may babaeng kulit ng kulit sakin na ship niya daw kaming dalawa ni Yunseong-hyung. Kwon Madani ang name." Pagkukwento niya. Napaisip naman ako sa sinabi niya.

"Familiar sakin yung name.. Teka- yung crush ni- hala!!" Napasinghap ako, si Madani yung crush ni Wonjin! Sinabi niya yun sakin dati.

"Crush nino?"

"Crush ni—"

"NOONA!! SINA YOHAN-HYUNG NAAKSIDENTE!!" Nagulat ako sa pagsigaw ni Dohyun at sa sinabi niya. Kaagad akong napatayo sa kinauupuan ko.

"H-ha? Saan?!" Natataranta kong tanong.

"Doon sa may highway!! Malapit kina Seongwoo-hyung!!" Dali-dali kaming tumakbo, nakita namin ang sasakyan ni Seungyoun at pinasakay kami nito.

Flowers ➸ Kim YohanRead this story for FREE!