039

267 18 9

narration
Dongpyo









Nagmamadali akong pumunta don sa may emergency room nakita ko agad si Areum na nakaupo habang may mask sa mukha.






"okay ka lang?" tanong ko sakanya. Tumango naman siya, at nawala lahat ng kaba ko.






"sorry if napag-alala pa kita." she lowered down her head at parang naguilty. I slowly approached her then made her eyes meet with mine.






"okay lang, wag kang maguilty. Wala kang kasalanan." then I smiled to assure her that.





"hyung ano nangyari?" tanong ko kay Haechan hyung na nasa tabi ng kama ni Areum.






"kasi kanina sinabi ko na suotin yung mask niya, ayaw naman sunurin. Tsaka sinabi nung doctor na she overworked her body kaya nagkaganon." napakunot yung kilay ko.






Pano naman ma-ooverwork yung katawan ni Areum?






"pyo, kalma lang. Di naman ako mamamatay." I felt her hand on my shoulder.





"yah I know." sabi ko tsaka umupo na sa extra na chair na meron sa may area ni Areum.






Nakita ko naman na biglang pumasok yung ibang katropa ngayon ni Areum.






"nako babaita sinasabi ko na nga ba." sabi nung may brown na buhok.






"grabe Reumie, ginising pa kami ni Jaemin hyung para puntahan ka dito." sabi nung isa at tumingin don sa nagsalita kanina na parang Jaemin yung pangalan.






"oh edi sana di kayo pumunta." rinig ko yung mataray na tono ni Areum.






"joke lang arte mo naman." lumapit yung isa sakanya na parang wala ng nakikita dahil sa mga mata niya.






bigla akong nagselos.







"okay lang yan Pyo." nakita ko na tumabi sakin si Jisung. In fairness mukhang bumaba boses niya lalo.






Pero di ako bakla.






"bakit naman?" mahiya hiya kong sabi.






"baka kasi kahit wala kang maalala, you can still feel a bit of jealousy sa puso mo. " mind reader ba siya o ano?






Oo nagseselos na ako, kasi sa nakikita ko ngayon parang sobrang close nila. And they really treat Areum their princess.






kung ako yan, I'll treat her as my queen.






"bakit wala si Maaaaark?" reklamo bigla ni Areum.





"busy schedule niya ngayon eh." tumayo yung Jaemin. "edi sana si Mark na lang pinapunta namin dito."






"joke lang 'to naman." tinanggal ni Areum yung mask niya at humiga sa kama.





She pulled her blanket up for it to cover her body.





"Areum, suotin mo muna yung mask. Di ka pa ayos." bigla kong sabi na narinig nila. Napatingin sila sakin.






"oo nga Reumie, matulog ka na lang habang suot yan." sabi nung isa na mukhang yung Renjun.





"opo yes po." sinunod niya yung sinabi namin tsaka sinuot ulit yon at tuluyan ng natulog.





I want to see her sleeping face kahit ngayon lang. Siguro eto na yung consequence ko dahil sa ginawa ko.






I can't even do the things I used to do with her.






"hi, Chenle nga pala." tumayo yung nakablond na buhok at nakipagshake hands sakin.





Tumayo ako para naman may respeto ako diba. Lahat sila nagpakilala except kay Jisung. At last na si Haechan hyung. Kinabahan ako bigla, baka kasi isunod niya sa sasabihin niya ay "manliligaw ni Areum."






syempre, ipaglalaban ko pa rin yung Reumie ko.






"hi I'm Haechan, Areum's best friend."






bigla namang may pumasok sa isip ko.





parang dati kami lang ni Areum yung magkasama buong araw.





*****

dir u goooooo

sweater | son dongpyo | jacket book 2Where stories live. Discover now