Chapter 22

316 4 5

Clare's point of view

"Again!"

Nagsinghapan ang mga kasamahan ko nang marinig ang salitang iyon. Kanina pa kasi kami paulit ulit sa practice namin kaya nagsisimula na silang mapagod.

"Hoy pakisabi sa kapatid mo, Rence. Ayusin niya! Kanina pa tayo paulit ulit!" inis na bulong ni Kelly sa kapatid kong mukhang pagod na din.

"Yes, yes. I'm sorry." pagpapaumanhin ng kapatid ko kay Kelly.

Mariin akong pumikit at humingi ng 5 mins  break. Umupo ako sa isa sa upuan ng coliseum at yumuko. Naramdaman ko naman ang pag upo sa katabing upuan ko.

"Gwaenchana?" he asked. Are you okay?

I nodded. "Ne, oppa. Puyat lang ako kagabi kaya medyo malamya ngayon." I said.

Ginulo niya ang buhok ko atsaka tumawa ng mahina. "Are you still thinking of him? Don't worry. He is doing fine." he said.

How did he know that I am thinking of him?

"Kuya..."

"Hmm?"

"It's been seven months, Kuya. Do you think galit pa rin siya sa akin hanggang ngayon?" I asked.

Ngumiti siya sa akin ng tipid. "You know I can't answer that question." he answered. I sighed.

"How about ate Dane, Kuya? Is she doing fine with...him?"

Nagkibit balikat siya. "I don't really know, dongsaeng. They are both in States right now. Doon daw ipapanganak ang anak nila." he said.

"Really? Ano daw gender ng baby?" I asked. Kahit may halong sakit ay hindi pa rin matatago ang sayang nararamdaman dahil masaya siya ngayon dahil magkakaanak na siya.

"Girl." matipid na aniya.

I nodded. Doon natapos ang pag uusap namin at bumalik na kami sa aming pag papraktis. Pagkatapos ay kaagad akong nagpalit ng suot dahil magkikita kami ngayon ni Asumi sa resto nila dahil kauuwi niya lamang galing Japan. May dala raw kasi siyang pasalubong para sa akin at ibibigay niya iyon mamaya.

Agad akong inaccomodate ng staffs ng resto nang makarating ako doon. "This way, Ma'am." anang babaeng staff.

"Aray!" I shouted na nakapagpatingin sa ibang tao sa loob nang may makatapak sa aking paa. Awww huhu.

"I'm sorry." anang isang pamilyar na boses.

Sheez. I thought?

Nilingon ko kung sino ito at nakitang si Zaire iyon kasama si Ate Dane na halata na ang umbok ng tiyan. She smiled at me while him stayed cold.

Umiwas ako sa malamig na tingin ni Zaire. "Excuse." I said at nagdare daretso papunta ng room na ipinareserve ni Asumi para sa aming dalawa. Waaaah!

"Shte. Ah." I cussed. Gulat namang napatingin sa akin si Asumi nang marinig niya akong magmura.

"Kaloka, narinig ba kitang nagmura?" hindi makapaniwalang aniya.

Napahawak ako sa dibdib ko at dinamdam ang lakas ng tibok ng puso ko. Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim. Nang umayos ng kaunti ang pakiramdam ko ay kaswal na akong lumakad papunta sa mesa at umupo sa tapat na upuan ni Asumi.

"Nyare sayo? Haha!" tawa ni Asumi.

"Wala!"

"Oy tumatawag daw sayo si Kuya mo sayo! Di mo daw sinasagot." tumawag?

Kinuha ko ang purse ko at hinalughog ang looban nito para kunin sana ang telepono ko ngunit wala doon.

"Hala! Na snatch ata! Or nahulog!" exaggerated na sabi ko. Wala kasi doon. Hala! Di kaya nahulog kaninang nagkasalubong kami ni Zaire? Hala!

"La ka naman sapnu don no?" pagbibiro niya.

Binatukan ko nga. "Sira! May mga files doon! Aish! Hanapin ko lang sagli sa labas, mamsh." sabi ko saka nagmadaling lumabas at hinabol sila.

Shet!

Pumunta ako sa side ng resto, kung saan medyo madilim at nakitang parang may nagtatalong magjowa roon.

"Ang galing mo rin talaga e no? Gusto mo bang patayin ko yung kasama mo?" rinig kong sabi nung lalaki. Hala huhu.

"Try. Try me, Merell. Baka hindi mo gustuhin ang gagawin ko sayo kapag ginawa mo iyon kay Zaire!"

"Ate Dane?" mahinang bulong ko.

Pilit kong hinagilap ang itsura ng lalaki at nanlaki ang mga mata ko kung sino ito. Ito yung lalaki noon sa airport nung pagkauwi ko galing ibang bansa!

Anong meron sa kanilang dalawa?

"Hmm. Try me, honey. I have grudges to hold. Gusto mo bang malaman ang mga pinakatatago mo dyan sa kokote mo? Mmm?" anang lalaking nakita ko sa airport noon.

Agad akong tumalikod nang marinig nila akong suminghap saka tumakbo papasok ng resto ulit.

Ano ang tinatago mo, Dane?

The Contract of a Billionaire (Billionaire Series #2) COMPLETEDRead this story for FREE!