Part 11

7K 134 20

DALA KO ANG LIWANAG na nagsilbing ilaw sa madilim na paligid. Nang masilaw siya ng liwanag ay awtomatikong iniharang ang kamay sa kaniyang mga matang puno ng kawalang pag-asa. Nang makilala niya ako ay bigla siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa batuhan sa tabi ng ilog saka hindi makapaniwalang nagsalita.

"Bulaklak! Hindi ka umalis? Hindi ka nagbalik sa panahon mo?"

Ipinatong ko ang kingke sa isang bato saka ako patakbong lumapit sa kaniya. Ikinulong niya ako ng mahigpit sa kaniyang mga bisig na parang ayaw ng pakawalan pa.

"Nandito pa ako."

"Pero nakita kitang lumapit sa Anitong Manlalakbay."

"Nilapitan ko ang Anitong Manlalakbay para ibulong na hindi na ako babalik sa panahon ko dahil nandito na ang buhay ko," halos maiyak kong tugon sa kaniya.

"Sigurado ka sa naging desisyon mo?" puno ng ligayang tanong niya.

"Naging sigurado na ako sa lahat ng gusto ko mula nang makilala kita."

Nagkatawanan kami pareho nang maalala niyang sinabi rin niya iyon sa akin dati at hiniram ko naman ngayon para sabihin sa kaniya.

Yumakap na rin ako sa kaniya ng mahigpit. Sa gitna ng karimlan ay muling naghinang ang aming mga labi.

Alam kong mahihirapan ako na mag-adapt sa buhay sa panahong ito pero balewala sa akin iyon. Alam ko namang mas kakayanin kong nandito ako kahit mahirap kaysa naman nasa kasalukuyang panahon ako pero wala naman si Bakal sa tabi ko.

Si Bakal ang huling lalaking mamahalin ko hanggang saan man kami abutin sa hinaharap.

***

Present Time.

Buo na ang loob ni Enso nang bumaba siya ng MRT-Guadalupe Station. Aakyat siya sa higanteng billboard na naroon sa may cloverleaf na nakaharap sa maitim na tubig ng Ilog Pasig.

Abangan na lang ni Xander sa mga diyaryo at sa news cast sa telebisyon ang kaniyang pagpapatiwakal sa pamamagitan ng pagtalon sa billboard.

Usigin siya ng konsensiya niya sa ginawa niyang panloloko sa akin, saloob-loob ni Enso.

Pababa na siya ng hagdan nang salubungin siya ng isang matandang lalaki. Umiwas siya pero sinadya siyang harangan nito.

"Anak, bilhin mo na ang kwintas na ito. Pambili lang ng pagkain. Dalawang araw na kasi akong hindi kumakain."

Naawa naman si Enso sa matanda. Ibinigay niya ang lahat ng natitirang pera sa kaniyang bulsa. Naisip niya kasi na hindi na niya kakailanganin pa iyon pagkatapos ng gagawin niya ngayon.

Hahayaan na lang sana niya ang kwintas nang magpumilit ang matanda at ito pa mismo ang nagsuot sa kaniyang leeg.

Whatever! Sabi ng isip niya. Anyway it won't matter kung suot man niya ang kwintas sa kaniyang kamatayan.

Ilang sandali lang ay nakapasok na siya sa loob ng bakod ng billboard saka nagmamadaling umakyat.

Kailangang makaakyat siya bago pa may makapansin sa kaniya at pigilan siya sa kaniyang plano. Hindi naman siya napansin ninoman maliban sa matandang lalaki na pinanonood lamang siya hanggang marating niya ang pinakamataas na bahagi ng structure. Tumayo siya saka sa huling pagkakataon ay muli niyang nilanghap ang polluted na hangin. Bumitaw siya sa pagkakahawak sa bakal, ipinikit ang mga mata saka itinaas ang dalawang kamay at sumigaw, "Paalam Xander!"

Nakamasid lang mula sa baba ang matandang lalaking siyang bantay ng Anitong Manlalakbay nang tumalon si Enso sa billboard at nang nasa ere na ay biglang naglaho bago pa man bumagsak sa lupa.

Hihintayin ko na lang ang muling pagbabalik ng Anitong Manlalakbay, nakangiting sabi ng matanda sa kaniyang sarili saka nagpatuloy sa paglakad sa kahabaan ng EDSA.

WAKAS

Bakal At Bulaklak -CompleteBasahin ang storyang ito ng LIBRE!