Part 7

5.5K 96 1

NANANAKIT PA ANG PARTE ng batok kong napalo ng kung anomang bagay nang mahimasmasan akong muli. Laking gulat ko dahil wala na ako sa tabing ilog bagkus ay mag-isa akong nasa isang kulungan na gawa sa mga kawayan at tinalian ng lubid na binabantayan ng isang alipin na nakabahag din gaya ko. Palubog na rin ang araw, ibig sabihin matagal akong nawalan ng malay at siguradong kanina pa ako hinahanap ni Bakal.

Nang makita akong gising ng alipin ay saka ito umalis at pumasok sa isang malaking kubo. Pagbalik niya ay may kasamang isang lalaki. Hindi katulad namin, ang lalaki ay nakasuot ng long sleeved collarless na baro. Mukha ding naka-bahag pero natatakpan iyon ng malong na itinapi sa baywang at naka-putong o headdress na scarf din na itinapi paikot sa ulo.

Seryoso at may air of authority nang magsalita ang lalaki. “Ako si Datu Matikas. Hindi kita kilala kaya sigurado akong hindi ka kabilang sa barangay na ito kaya ikaw ay binihag. Kung hindi ka tubusin ng iyong barangay, ikaw ay magiging alipin sagigilid o maaring ipagbili sa ibang nagnanais na magkaroon ng alipin.”

Tahimik lang ako, ang takot ay hindi mawala-wala sa aking pagkatao.

Pero bakit nga ba ako matatakot? Natatakot ba akong baka patayin nila? Bakit naman kung sa present time nga twice ko ng binalak mag-suicide? Dapat nga magpasalamat ako dahil tutulungan nila ako sa gusto kong mangyari.

Sabi naman ng puso ko, Noon iyon nang wala pang direksiyon ang buha mo, iba na ngayon may Bakal ka na at masarap ng mabuhay kasama niya.

Nainis tuloy ako sa sitwasyon. Hindi ko kasi pwedeng sabihin kay Datu Matikas na wala akong barangay na kinabibilangan dahil ako ay time traveller. Si Bakal na lang ang tanging pag-asa ko hangga’t hindi pa ako nabibili ng kung sino.

Umalis si Datu Matikas. Naiwan pa rin ang alipin na nagbabantay sa akin.

Habang nasa loob ako ng kulungan, naisip ko si Bakal. Hindi ko alam kung nakahanda siyang bilhin ako kay Datu Matikas. Iyong parte ng lupain na lang naman ang pwede niyang ipantubos sa akin. Ang tanong ay kung gagawin ba niya iyon kahit na mahalaga sa kaniya iyon na pamana ng kaniyang Ama at Ina. Hindi ba’t dati’y imbes na lupa ay iyong dalawang alipin sagigilid ang ibinayad niya sa pagkakautang ng mga magulang?

Sa naisip ay napaiyak na lang ako. Mukhang hopeless na talaga ako nito. Malamang magiging alipin na ako ng ibang tao nito. Naisip ko tuloy ang kasalukuyang panahon, bigla kong na-miss ang mga ilaw sa gabi, ang TV, ang sinehan, ang MRT at LRT, ang mga shopping malls, ang music player, ang computer, ang internet, ang pakikipag-chat at eyeball at higit sa lahat ang pakikipag-sex. Naiusal kong sana ay makabalik na lang ako sa present time. Gusto ko ng bumalik sa kasalukuyan.

Inabot na ako ng gabi sa kulungan hanggang mag-umaga na ay wala pa ring Bakal na dumating.

Magtatanghali na nang may dumating na katutubo na tumingin sa akin na sinundan pa ng tatlo pa. Bawat tingin sa akin ay ramdam ko ang resentment sa aking kalooban. Naiinis ako doon sa feeling na para lang akong isang estatwa na pinipresyuhan saka tatawaran at kung sino ang highest bidder sa kaniya ako mapupunta.

Nang pahapon na, sinubukan ko ng tanungin iyong alipin na nagbabantay sa akin sa hawla. “May nakabili na ba sa akin?”

Pasinghal siyang sumagot. “Kung meron, dapat ay wala ka na diyan. Hindi kayanin ang presyo mo noong apat na tumingin. Masyado kasing mataas ang gusto ni Datu Matikas.”

Sa sagot na iyon ng bantay, lalo tuloy nawalan ako ng pag-asang tubusin ni Bakal. “Magkano ba ang hinihingi ni Datu Matikas?”

“Bakit ka nagtatanong, may ibabayad ka ba?”

Natameme naman ako sa tanong niya. Nanghihina akong napaupo sa sahig ng hawla. Naisip ko tuloy ang kwintas sa dingding. Paano kung kagabi ay nagliwanag na iyon at wala naman ako? That means I’ve lost my only chance to return to the future which is the present time and I will be trap here for the rest of my life.

Kinabukasan may sumunod pang apat na katutubong tumingin sa akin na katulad kahapon ay hindi rin kinaya ang presyong nakapatong sa akin.

Dalawang araw na akong nakakulong dito. Imposible namang hindi pa iyon nakarating sa kaalaman ni Bakal. O baka naman nakarating na sa kaniya kaya lang mas pinili niya ang kaniyang lupain kesa ipantubos sa akin? Siyempre mahalaga sa kaniya ang bukirin at sino nga ba naman ako?

Naiyak tuloy ako nang maisip ko na baka isang bisita lang ang turing sa akin ni Bakal. Na baka ako lang itong nag-assume na may gusto rin siya sa akin. That there is something like a bond between us so strong that it turns to love when in fact it’s pure wishful thinking.

Hindi nga ba’t wala naman siyang inamin sa akin na may gusto rin siya o kaya’y mahal niya ako maliban lang doon sa inamin niya nang dumating ako ay muli siyang sumaya at tumawa?

Sa sobrang stress, pagod, gutom na rin at hindi pa ako gaanong makatulog, late na ako nagising nang ikatlong araw. Nandoon pa rin ang aliping bantay na sinubukan ko ulit tanungin. “Paano kung walang bumili sa akin? Anong gagawin ni Datu Matikas sa akin?”

“Magiging isa ka sa alipin sagigilid ni Datu Matikas.”

Naisip ko naman na mukhang okay na rin sa akin iyon kung sa Datu ako maninilbihan kesa naman sa isang katutubong hindi ko alam ang pag-uugali.

“Pero hindi na mangyayari iyon.”

Naguguluhan akong tumingin sa kaniya.

“May nakabili na sa iyo.”

“Pero wala pa akong nakitang nagpunta dito.”

“Tulog ka pa kaya hindi mo nakita.”

Sa narinig ay tuluyan ng gumuho ang pag-asa kong mailigtas ni Bakal dito sa kinasadlakan ko.

Ang mga sumunod na nangyari ay tinalian ang aking mga kamay na binigkis ng magkasama sa aking harapan saka nilagyan ng piring ang aking mga mata. Hinila ng aliping bantay ang sobrang lubid sa aking mga kamay kaya ako napalakad sa direksiyon ng kaniyang paghatak.

Ayon sa kaniya ay pupuntahan namin ang timawang nakabili sa akin. Naiiyak naman ako sa sarili ko na sa panahong ito ay para lang akong isang hayop kung ituring. Nakakainis, nakakagalit at nagpapaba ng self-worth. Hindi ko maramdaman ang pagiging tao ko at ang malaking pagkakaiba sa mga hayop.

“Magkano ang bili sa akin?” tanong ko sa alipin na sana ang isagot niya ay lupain ang ibinayad sa pag-asang si Bakal ang nakabili sa akin.

“Sampung tael na ginto,” tugon niya na ikinalaglag ng mga balikat ko. Halos dalawang gold bar iyon kung 5 tael ang isa base sa Chinese unit na 1 tael ay nasa 38 gramo ang timbang.

Tumigil kami sa paglakad at naramdaman kong may ibang tao na sa paligid.

“Heto na siya. Simula ngayon, siya ay iyo ng alipin sagigilid at kasama na sa nasasakupan ng barangay na ito,” tinig iyon ni Datu Matikas.

Hinihintay kong sumagot ang magiging panginoon ko pero wala akong narinig mula sa kaniya. Naramdaman ko na lamang ang muling paghatak ng lubid at para hindi ako matumba, sinundan ko na lang ang pwersa ng tali.

Pinigilan ko ang pamumuo ng luha sa aking mga matang nakapiring. Naisip ko kasi na hindi ko dapat ipakita sa bagong panginoon ko ang pagluha na tanda ng kahinaan.

Kahit wala namang orasan, sa tantiya ko lang ay mahigit isang oras kaming naglalakad sa kainitan ng araw. Tagaktak ang aking pawis mula ulo hanggang paa. Ramdam ko nga’y basa na rin ang suot kong bahag bukod pa sa dumi nito sa tatlong araw na hindi napalitan. Pinipilit ko na lang maglakad pero malapit na talaga akong magcollapse. Pagkuwa’y nawala ang araw nang sa tingin ko’y pumasok kami sa kagubatan gawa ng mga halaman sa paligid na nadikit sa akin at mga kaluskos ng tuyong dahon na naapakan ko.

Akala ko’y hindi na matatapos ang paglalakad na iyon pero nang makalabas ulit kami sa gubat ay saka kami tumigil. Dinig ko naman ngayon ang agos ng tubig.

Naramdaman kong kinakalagan niya ang pagkakagapos ng aking mga kamay saka isinunod ang piring sa aking mga mata. Naidalangin ko na sana pagmulat ko nag-travel back na ako sa present time at nasa harapan na sana ako ng aking apartment para makatakas na ako sa napipintong pagiging alipin.

Bakal At Bulaklak -CompleteBasahin ang storyang ito ng LIBRE!