Part 6

5.8K 101 1

MUKHA LANG BAKLANG albularyo si Bayogin Orang habang nakaupo sa kaniyang mesang gawa sa kawayan nang puntahan namin kinabukasan. Tingin ko pa nga’y parang baklang cros-dresser at trying hard na magpaka-girl sa suot nitong baro at kung ilang kulay ng malong na itinapis sa baywang. May suot itong parang turban sa ulo na may disenyong iba’t ibang kulay at makikislap na bato bukod pa sa mga patong-patong na kwintas at pulseras na suot. Ang kubo niya ay puno ng iba’t-ibang imahen at anito at kung ano-ano pang gamit sa kaniyang pagiging spiritual leader.

“Ano ang sadya ninyo?” tanong niya sa namamaos na boses. Saglit na ngumiti nang makita si Bakal.

At ang beki, daig pa ang haliparot sa pagkakangiti kay Bakal. Kainis!

Iniharap ako ni Bakal kay Bayogin Orang saka itinuro ang suot kong kwintas. “Siya po si Bulaklak, galing po siya sa ibang panahon. Dinala po siya ng Anitong Manlalakbay dito sa atin.”

Nahintakutan naman ang reaksiyon nito. Lumapit sa akin saka sinipat na mabuti ang pendant sa aking dibdib. “Sa tinagal-tagal ko sa pagiging bayogin, ngayon ko lang napatunayan na totoo pala ang alamat ng Anitong Manlalakbay.” Tumingin siya sa akin mula ulo hanggang paa, mukha namang natuwa siya sa nakita dahil nang ngumiti sa akin ay katulad na ng ipinukol niya kay Bakal kanina.

“Paano po ako makakabalik sa panahon ko?” Kakatwa naman na may isang bahagi ng utak ko ang pumipigil malaman ang sagot at gusto na lamang manatili ako sa piling ni Bakal.

Pumikit si Bayogin Orang na parang hinuhukay sa memorya ang sagot sa aking tanong. Ilang segundong nanahimik bago nagmulat ng mata at nagsalita. “Ikaw ay iniligtas ng Anitong Manlalakbay sa tiyak na panganib sa iyong panahon. Dinala ka niya dito at mananatili ka dito hanggang hindi niya napapatunayan na ligtas ka na sa iyong panahon.”

“Paano ko malalaman na pwede na akong bumalik?”

Huminga siya ng malalim. “Ilagay mo ang kwintas sa dingding ng iyong silid. Hintayin mo ang kaniyang pagliwanag kaparehas nang dalhin ka niya dito. Liwanag na nakakasilaw na hindi rin magtatagal. Kaya kung gusto mong makabalik pa sa iyong panahon, kailangang maisuot mo ang kwintas habang hindi pa nauubos ang liwanag.”

Hati na rin ang loob ko sa pagbabalik sa kasalukuyan nang umuwi kami ni Bakal sa kaniyang kubo. Isinabit ko ang kwintas sa dingding ng silid. Kalahati ng puso ko ang umusal, Huwag ka ng magliwanag!

***

NAGPATURO AKO KAY BAKAL sa lahat ng gawain sa kubo pati na sa bukirin nang mga sumunod na araw at linggo. Natutunan ko naman ang magbayo ng palay sa tinatawag niyang lusong na parang malaking mortar and pestle para humiwalay ang bigas sa ipa. Natuto rin akong magluto sa tungko gamit ang kahoy na kinasanayan ko ng gawin sa LPG stove. Pati na ang magsibak ng kahoy at umakyat sa mga puno para kumuha ng mga prutas at pati na rin saging.

May mga pagkakataon na ako na ang nagsisilbi sa kaniya sa pagkain gamit ang mga kasangkapang porselana na nalaman kong nakuha pala ng kaniyang Ama at Ina sa pakikipagkalakalan sa mga dayuhang Instik. Natutunan ko na rin kung paano mangisda, magtanim ng palay at gabi pati na ang mag-harvest. Tinuruan din ako ni Bakal na maghabi ng bahag para sa aming dalawa gamit ang habihan.

Pagkaraan ng tatlong buwan na binibilang ko gamit ang buto ng sampalok na inilalagay ko sa isang palayok tuwing umaga, ang dating maputi kong balat ay halos kasing-kulay na ng kay Bakal, parehong light caramel. Pati na ang katawan ko’y nagbago na din, nagkaroon na ng porma kagaya rin ng sa kaniya.

Kung susumahin, nahirapan man ako sa umpisa pero nakapag-adjust pa rin ako sa simple at payak na pamumuhay na malayong-malayo sa city life na nakasanayan ko. Naging madali sa akin dahil palagi kong kasama si Bakal sa lahat ng oras, nakagaanan na ng loob at itanggi ko man, alam kong mahal ko na siya ng mas higit sa pagmamahal na iniukol ko sa mga lalaking minahal ko sa kasalukuyang panahon. Higit pa ng pagmamahal na ibinigay ko kay Nicco.

Si Bakal naman, ramdam ko rin na masaya siya at feeling kumpleto ang buhay na kasama ako. Pareho nga lang kaming naghihintay kung sino ang maunang aamin.

Sa gabi, magkatabi pa rin kami ni Bakal pero hindi na namin iniintindi pa kung may espasyo sa pagitan namin o magkadikit na ang aming mga katawan. Magkaganoon man, nanatili pa rin ako sa aking prinsipiyo na magse-sex lang kami ni Bakal kapag may formal ng namamagitan sa amin.

Palagi ko pa ring tinitingnan ang kwintas na nakasabit sa dingding. Para kasing natatakot ako na baka bigla na lang lumiwanag. Sa totoo lang hindi ko pa alam ang magiging desisyon ko kung sakali. Babalik ba ako sa kasalukuyang panahon o mananatili na lang dito sa 16th century kasama si Bakal.

Maaga akong nagising isang umaga kaya naisipan ko ng magluto. Walang tubig sa tapayan kaya imbes na gisingin ko si Bakal para sumalok, ako na mismo ang nagpunta sa ilog. Umupo ako sa may batuhan sa tabi ng ilog, saglit na yuyuko para isalok ng tubig ang kalahating bao ng niyog na ginawa kong tabo saka isasalin sa tapayan. Malapit ng mapuno ang tapayan nang pagyuko ko ay may naramdaman akong pumalo sa aking batok na ikinabagsak ko sa lupa. Bago tuluyang magdilim ang aking paningin naisigaw ko pa, “Bakal, tulungan mo ako!”

Bakal At Bulaklak -CompleteBasahin ang storyang ito ng LIBRE!