Chapter 4: University

3 3 0

    Andrea POV

            Huminto kami sa may mapunong lugar. Ano ang gagawin namin dito?

"Ahm, Miss Sandy anong lugar to?" It's kinda creepy here
"Well, nandito na tayo, hindi na ako makakapasok * cause I'm a Dark Phantom* " bulong niya sa huling sinabi niya

"Ano po? " nag assume lang ako na hindi ko narinig. Seriously? what is she talking about?

"Ah wala, di bale bumaba ka na at pumasok sa new school mo. Tandaan mo pagpasok na pagpasok mo sa school mag iiba ang lahat sayo" What does she mean by that? As she said bumaba na ako at naglakad papalayo nang tawagin niya ako
"Andrea, Good luck at mag ingat ka. " matapos niyang sabihin yun ay umalis na siya.

  Saan ba dito? Parang gubat lang naman to. Tanga hindi ko man lang tinanong kung saan ang daan papuntang school. Lakad lang ako ng lakad. May nakita akong lalaking nakasuot ng parang guwardiya ng prinsesa but the hell anong nakain niya may nalalaman pa siyang magsuot ng ganyan. Di bale na tanungin ko na lang siya.

"Ahm excuse me ho saan po ang school na malapit dito? " Nanlaki ang mata niya nang makita niya ako. Okay his weird.

" Mahal na Reyna kayo po pala pasensya na po hindi ko kayo nakilala sa suot niyo " pagkatapos niyang sabihin yun ay lumuhod siya. Ano raw Reyna? Okay lang po ba kayo kuya?

" Kuya wag na ho kayong lumuhod kasi hindi po ako ang reynang sinasabi niyo. Malayo pa po dito ang London. Isa pa nasan po school dito? " tumayo siyang nagtataka at saka kinuha ang cellphone. May tinawagan ata. After a second may du-ma-ting na Ang-hel--- ANG GWAPO!! Ehem ang landi ko na.

"Ikaw ba si Francine Rea Collins?"
tanong ng gwapong lalaki sa akin

*Tandaan mo iba na ang pangalan mo sa school na papasukan mo*
"Ako nga" I coldly said, sensya na moody ako. Parang nagulat siya sa inasal ko. Pero he composed his self.
"Okay follow me" sinundan ko nga siya. After 5 meters of walking tanaw na namin ang tagong school nato. Illegal ba to?
" It's not illegal. Kung alam mo lang. " Can he read my mind? Its impossible.
" Excuse me? " kunwaring tanong ko sa mga pinagsasabi niya, tss.
"Wala, stop asking just follow" gwapo sana suplado nga lang

Narating na namin ang madamong gate nato. Pagpasok namin mapuno at madamo ang nadadaanan namin. Inilihis niya ang malapad na dahon at tumambad sa amin ang napakalaki at napakagandang gate na may nakaukit na 'Ayara University' na kulay emerald. Sa gilid ay nakalagay  ang logo, sa gitna ang batong emerald na pinalibutan ng ruby, sapphire, at diamond.
         Ngayon lang ako nakakita ng kakaibang eskwelahan. Pumasok na kami sa gate. Huminto ako sa paglalakad. Parang nahihilo ako. Unti-unting nagdidilim ang paningin ko.
"Hey Miss Rea are you okay? "

Steph POV

"Hey Miss Rea are you okay? "
Haist tanginang trabaho to, medics at entertainer ng new enrollees ang punishment namin ngayon dahil sa pagtakas namin.
           Nasaan na kasi ang tatlo. No choice bubuhatin ko siya patungong clinic. Kung pwede lang sana gamitin ang telekinesis ko ngayon. Pang isang daan isa siya sa mga nag enroll ngayon. Hindi na dapat sana lalagpas sa one hundred ang enrollees kaso nagmamakaawa daw ang mama niya.
           Ba't ba dito nag-aral to eh wala naman siyang special ability. Tanging may powers lang din ang nakakaalam ng school nato. Di bale na. Ang ganda niya, mukha siyang anghel pero nakakatakot naman ang awra niya pag gising.
     Narating ko na ang clinic. Tang*na nandun pala ang tatlo. 

"Oh sino nanaman yang nabinggwit mo Steph, chicks mo?" Pang aasar sa akin ni Steph, tss malunok mo sana yang chewing gum mo.
"Shut up Sam new enrollee siya at sa akin siya naasign. "
"Chill dude masyado kang defensive, haha, napanu ba yan?" sabat naman ni Ace, kanina pa tahimik si Ivan. Tanga nagtaka pa ako eh bibilhin mo pa ang bawat salita niyan. Pero pansin ko kanina pa siya nakatutok sa babaeng to.
"Ewan bigla nalang nahimatay, mortal kasi siya kaya siguro hindi niya nakayanan ang pressure ng barrier. "
"Sige Steph mauna na kami sayo sa dorm, tandaan mo huwag mong galawin ang new sudent okay" The F***
"G*go umalis na nga kayo, kung ano ano ang pinagsasabi niyo" umalis silang nagtawanan eh di sila na happy, tss. Kailan ba magigising to.
  
"Stephen" gising na siya, how did she know me?

          **END OF CHAPTER**

                                  ----Azer_Pink

             

Ayara's Stone "The Last Holder"Where stories live. Discover now