Chapter 3: The Ayara

1 2 2

Sander POV

        Buti nalang Kumagat si Andrea sa drama namin ni Sally. Sa akin lang naman ayokong mahirapan siya sa pagtanggap ng tunay niyang katauhan sa panahong isasauli na namin siya. Pagod na kaming magtago sa kauri namin. Dadating ang panahon at mahahanap at mahahanap rin kami kaya kailangan namin siguruhin ang kaligtasan ng Ayara kahit makapangyarihan ito to the point na halos ikamatay ko ang hypnotism niya.
           Alam kong malalaman rin ni Andrea ang lahat pagdating ng panahon at kung dadating ang araw na iyon sana mapapatawad niya kami.
          Nagpaalam na ako kay mama na makipagkita kay Prime kaya madaling araw na ako makakauwi siguro, hindi ko alam baka saktan ako ni Prime dahil sa galit. Ito ang muling pagkikita namin matapos ang makalipas na 16 na taon.
        
       Dumating na ako sa meeting place namin. Sa isang masukal na gubat na malapit lang sa akademya. Nararamdaman ko ang presensya niya, hindi pangkaraniwan. Hindi ko maiwasang matakot pero linakasan ko ang loob ko.

"Ivan nandito na ako" hindi siya sumagot sa halip may isang lalaking nakabalabal na unti-unting lumilitaw mula sa dilim papunta sa akin 'si Ivan' tumigil siya ng ilang metro mula sa akin at nagsalita,

"SAAN NIYO DINALA ANG AYARA?" diin niyang pagkasabi

"Huminahon ka Prime, ligtas ang Ayara. Ang kailangan mo lang gawin ay makinig sa akin" alam kong gustong gusto na niya akong patayin.

"Kampon ka ng kadiliman kaya paano ka mapagkakatiwalaan, Minsan mo na kaming niloko. Ninakaw niyo ang Ayara" malamig niyang pagkasabi habang nakapamulsa. Ang totoo niyan magkaibigan kami ni Ivan noon.

"Magtiwala ka. Oo ninakaw namin siya pero hindi namin  siya ibinigay kay Haring Lucas dahil ayaw namin na maghari ang kasamaan kaya tumakas kami at nagtaksil. Ganito nalang, mag aaral siya sa akademya ngayong pasukan. Kayo na ang bahalang kumilala at maghanap sa kanya bilang parte ng kanyang kaligtasan. "

Ivan POV

          Nakikinig lang ako sa kanya. Matagal ko ring hindi nakikita ang taong to.

"HURRY, THERE'S IVAN! " SHIT

"Umuwi ka na, baka makita ka pa nila. " Lagot kayo sa akin mamaya, you are so stubborn.
"Alagaan mo siya Ivan, paalam" Huling sinabi niya bago siya lumisan.

"Ivan nandito ka lang pala anong ginagawa mo dito? " tanong ni Ace sa akin, mas mainam na hindi muna nila malaman ang tungkol sa Ayara.

"Oo nga diba prohibited forest to kaya tara na bago pa tayo mahuli ng Royal Highness" yeah, I know Steph, tss. Gumawa na ng portal hole si Steph ready to go back.

"Patay" nasabi nalang bigla ni             Sam, Okay I already get it.
"Napanu ka? " takang tanong ni    Steph sa kanya, tss too slow.
"Ah wala wala, hehe" pch, psycho

    Magkikita rin tayo Ayara.

Pagkarating namin sa dorm, nandun si Tito Zack, isang Royal Highness.

"Where have you been? "
"Sabi ko na nga ba eh"

Andrea POV
 
   *Magkikita rin tayo Ayara...*

        Napabalikwas ako ng gising sa napanaginipan ko. Hanggang panaginip hindi ako tinigilan ng mga ilusyon ni Zian.
       Hindi na ako makatulog kaya tiningnan ko ang oras alas dos na pala ng madaling araw. *Sigh* Aalis na pala kami kaya bumaba na ako at nadatnan ko si Miss Sandy at si Zia sa sala. Umiiyak ba si Zea?
        Tumakbo si Zea papalapit sa akin at niyakap ako.
"Ate mamimiss kita, mag-ingat ka dun, alagaan mo sarili, isumbong mo sa akin pag inaway ka nila" I will miss this kid

"Mamimiss din kita, don't worry kaya ko to, alagaan mo si Miss Sandy okay" She just nod and continue to sob

" Oh tama na baka hindi na makaalis si ate mo niyan, magkikita pa naman kayo ng ate mo" pang aawat sa kanya ni Miss Sandy
"Ahm pakiabot nalang kay Zian ang apology ko mukhang galit pa po siya sa akin eh" She just nod, sumakay na kami ng kotse and bid goodbye to Zea.
      *sigh* mukhang mamimiss ko rin ang bahay nato.

            *END OF CHAPTER*

             
                              ------Azer_Pink


    

       

Ayara's Stone "The Last Holder"Where stories live. Discover now