He was the IT. He was everything a girl could ever ask for. Who wouldn't want to be his girl? Lahat ng babae... young and old alike... were smitten by his carefree charm.

Unang-una sa lahat, napakagwapo nya. Yung mga mata nya, they look like they know something you don't know. They were always twinkling... lalo na kapag ngumingiti sya. At the same time, they can be dark and mysterious... like you can't see through his soul.

His nose is pointy and thin. Yung tipong marami ang gagastos sa nosejob para lang makuha yung korte ng ilong nya.

And his lips... I'm sure na marami na ang nagpantasya at patuloy na nangangarap na mahalikan nya. I heard from his past girlfriends na masarap daw syang humalik. Malambot yung mga labi nya at ang bango-bango ng hininga nya.

Idagdag pa doon yung pang-model nyang height and his body is not too buff nor too thin. Tama lang.

Before he became my ultimate crush, I was envious of him. Bakit nasa kanya na lahat?

He wasn't just good-looking...

Dean's lister din sya, matalino at aktibo sa school.

Saka magaling syang kumanta, sumayaw at umarte.

Galing no? Parang hindi na sya totoo. He was too perfect to be real. I thought of that at first. Masyado syang perpekto para sa kahit kanino... maybe that's the reason why hindi nagtatagal ang mga relationships nya.

88 girlfriends and a hundred more flings. Wala sa kanila ang nakapag-patino ng puso nya.

Hindi na bago sa kanya ang titigan at tilian ng mga babae. Hindi na bago sa kanya ang may nag-a-I LOVE YOU o humihingi ng number nya kahit saan sya magpunta.

Tuwing may okasyon sa school, maraming mga dayo mula sa ibang school ang nagpapapicture sa kanya.

Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses syang pinakiusapan ng mga talent scouts na subukan ang pag-aartista.

Hindi ko rin mabilang kung ilang babae ang umiiyak sa tuwing may nababalitaang bago nyang girlfriend at kung ilan ang natutuwa kapag naging single sya ulit.

Hindi ko na rin mabilang kung gaano karaming beses na akong nangarap na mapansin nya.

O kung ilang beses na iniyakan ko yung mga panahong nakikita ko syang masaya sa piling ng iba.

O kung ilang beses ko ng sinabi sa sarili kong gumising na sa katangahang ito na wala namang pupuntahan...

O kung ilang beses kong itinuloy ang pag-asang balang araw ay lilingunin nya at matutunang mahalin.

Magkaklase kami... simula first year college...

Pero...

Ni minsan ay hindi nya ako kinausap. Ni minsan ay hindi nya pinaglaanan ng ngiti. Ni minsan ay hindi nya sinubukang mahalin.

Sa dinami-dami ba naman ng nakaharang at nag-aagawan sa atensiyon nya, pano pa ako makakapila?

Sya si Rui Haranayo. Tunog japanese pero Pilipinong-pilipino.

Malapit na ang graduation namin pero hanggang ngayon, nakabinbin pa rin sa wishlist ni Santa ang pangarap ko. Mukhang hindi na yata matutupad.

Ano pa nga bang inaasahan ko?

3H (Heartthrob. Heartache. Heartbreak.)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!