Chapter 14: What the?

516K 10.1K 787
                                    

Fretzie’s POV

Pagkatapos niyang sabihin na may tagos daw ako, hindi ko alam kung anong gagawin ko sa sobrang kahihiyan.

Naisip ko nang tumawa na parang baliw, matatae na lang o kunyare ay nahimatay sa sobrang kahihiyan.

Tahimik lang kaming dalawa sa loob ng 1 minuto nang bigla siyang tumawa.

“Hahahahaha! Look at your face! Hahahahaha”

“Oh eh anong meron sa mukha ko? May tagos den?” badtrip to! Nagawa pa kong tawanan! How rude! >___<

“No! No! You look like....AHAHAHAHA!” Ghaad! He can’t stop laughing! Nakakaasar!

“Alam mo Ethan para kang baliw. Seryoso. -___- ” Huminga naman ito ng malalim para tumigil sa pagtawa, naluluha pa.

“Wait...Fretzie sorry okay? Sorr—HAHAHAHAHAHA!” Lord pwede po bang manapak ng tao? One time lang! -___-++ Makaalis na nga at magpapalit pa ko, mamaya may iba pang makakita neto. />.<\

“Where are you going?” Tanong niya. Ayan medyo ayos na itsura niya, di na mukhang tanga.

“Baka magsuswimming nang ganitong oras? Magpapalit natural!” Ewan ko ba bat bigla akong sumungit. Epekto kapag meron? Totoo ba yun?

“Bat ka magpapalit?” Ayy juskooo! Nang mamigay ba ng katangahan ang Diyos nag papa-tan siguro to!

“May tagos nga diba?” Bigla naman siyang namula na parang tatawa ulit.

“Isa pa Ethan mababatukan na kita”

“Sorry okay. Sorry. I thought it was a good joke” Alin yung pagtawanan ako? HAH! Leche lang!

“it’s not a good joke to laugh at someone who is in the situation like this!”

“no! Not that! I mean fretzie..Wala talaga” Pinagsasabi neto?

“Wala talagang ano?”Takang-taka naman ako.

“Wala kang tagos. Nagjojoke lang ako.” Aba! Nakuha pang ngumiti ng mokong na to?

“Akala ko kahit papaano ay may alam ka naman bukod sa mga kalokohan at kayabangan mo. Nagkamali pala ako. YOU @SS!!!!” Tumakbo ako palapit sa kanya at sinipa sa sakanyang *ehem* part tapos nakita ko na lang siyang napa-OUCH at namimilipit sa sahig.

“Serves you right! @sshole!” Pagkatapos kong sabihin yon ay pabalibag kong sinara yung pinto ng room ko. Asar! Lagi na lang akong pinagtitripan! Nakakailan na siya! Well sa tingin ko, wala akong mapapala dito sa lugar na to. Uuwi na ko bukas! >____<

[Day 2 sa resort nila Ethan- 7 am]

Clash of the Campus Royalties (CCR) - (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon