*** Chapter 11 ***

|| I Would Do Anything For Love...But how will I do that? || 

Adrienne’s POV

November 24

Wednesday

Hanggang ngayon di pa din ako makapaniwala sa mga nanyare kahapon, di ko alam kung paano ako papasok sa school, natatakot ako na baka panaginip ko lang pala lahat yun. Pero since I have to go to school...

Andito na ko at papasok ng gate. Haha... 

“Ang tagal mo naman dumating.”

Nagulat ako...Inabangan pala ako ni Kiel sa gate. Bakit kaya ano kayang meron? 

“Ah..eh..nalate kasi ako ng gising, bakit ka nga pala andito?” Wooh! Parati ka namang late ng gising eh!

“Uhm...gusto ko lang kasi ito ibigay sayo.” He smiled the he handed me a paper bag, napangiti naman ako. 

So I guess this is really true, di ko panaginip ang mga nanyare kahapon? 

Ay hindi! Nagslisleep walk ka lang! 

“Thank you. Sana di ka na nag-abala.” Naglakad na kami kasi malalate na kami. Pero dun kami dumaan sa konti lang ang tao.

“Pwede ba yun, eh diba nga I’m courting you?”     

Totoo ngang nililigawan niya ko?

Ano ba yan! Paulit-ulit?Nagsasawa na ang mga readers basahin yang tanong mo na yan! 

Sorry naman. Overwhelmed lang!  

“Ah...Sana tinext mo ko para pumasok ako ng maaga. Hehe” As if naman kaya mo...

Syempre para sa taong mahal ko. Toinkz!   

“Edi hindi ka na masusurprise.” Oo nga naman. 

“Nye! Paano kung di ako dumating?”

“Edi pupuntahan kita. Nga pala di pa kita nahahatid sa inyo.” Nagalok kasi siya kahapon na ihatid ako, kaso sabi ko wag na.

“Haha...Baka patayin nila ako pag ginawa mo yun. Hehe.” Napatawa naman siya.

“Haha...Ganun? Bakit bawal ka mag boyfriend?” 

Natigilan ako sa tanong niya. Oo nga nuh? Kung bawal ako magboyfriend, bakit ako nagpapaligaw?  

This is wrong. Hindi ko dapat hinayaang mangyari ‘to. Ay anu ba naman ang iniisip ko at di ko ‘to naisip agad?! Yen!  Anong ginawa mo?! I have to make things right kahit masakit.  

“Honestly, oo...Sinasabihan nila ako nun.” Nag-iba ang expression ng mukha niya, na-disappoint yata siya. hindi ko nasabe...naoverwhelmed kasi ako sa mga nanyare.Tsk!Tsk!Tsk!

“Sorry di ko nasabe agad. Maybe you should take this back.” Inabot ko yung binigay niya kanina pero di niya kinuha.

“Sorry talaga...di ko agad naisip yung mga consequences...Sorry...Sorry talaga ang selfish ko...dapat di na ko pumayag in the fir—

“Malalate ka na. Mamaya nalang tayo mag-usap.” Hinatid niya ko sa floor namin pero neither one of us dared to speak. I guess hanggang dito nalang. The dream was over...It’s time I go back to reality.  

Pumasok na ko sa room. Wala pa si Maam sabi nila may meeting daw.

“Oh. Bakit lugmok ka? Nasermonan ka siguro noh?” Umiling lang ako kasi di naman yun yung rason.

“Eh bakit?” Umiling lang din ako, naiiyak na din kasi ako.

“Is it about Kiel?” Tumango lang ako, di ako makapagsalita kasi pag nagsalita ako tutulo na ang luha ko.

“Tara, labas muna tayo.” Buti nalang. Nagegets ako ng bestfriend ko. Yun nga lang palabas palang kami ng pintuan eh tumulo na ang luha ko. Pinunasan ko ito agad kasi baka may makasalubong kami. Pero tuloy tuloy na sila. Naku naman! Yumuko nalang ako.  

“What happened?”

“Wa—wala na...” Yun lang ang nasabi ko. Niyakap niya ko, and my tears flowed non-stop.    

“Anong nanyare?”

“Eh diba, bawal ako mag-boyfriend?Bakit pa ko nagpapaligaw? napakaselfish ko para gawin yun Nette. I think he’s going to stop na, wala namang patutunguhan yung panliligaw niya eh.”  

“Try mo kayang sabihin kila tita?”

“Pano pag di sila pumayag?”

“Edi tsaka tayo magmukmok!” Natawa naman ako sa sinabi niya, may point siya, di dapat ako nakafocus sa problem, di ko dapat yun vinuview na as if wala ng solution. 

“Haii...oo nga naman. Hehe...Tara bumalik na tayo dun.” Parang ewan lang noh? Haha...Pero kinakabahan pa din ako...  

“Maayos din yan. Ano ba sabi ni Kiel? Titigil na daw ba siya?” Dahil dito.

“Mag-usap daw kami mamaya...pano—“

“Wala pa...hahaha...” Oo nga naman...haha...At ayun nagtatawanan kaming bumalik sa room.

Pagpasensyahan niyo na dahil si Sisa ang ninuno ng bida natin.     

Kiel’s POV

So this is it, I am finally courting her and soon I’ll be able to get the girl I am dreaming of. But since I am not familiar with this thing, I consulted my bestbud sa mga susunod kong steps. 

He told me to provide lunch for her, sabi ko magpapadala ako pag break na pero he insisted na dapat ako ang magbigay so I decided to just wait for her at the gate para walang masyadong makakita.

Pag dating niya binigay ko yung food tapos nag-usap kami habang naglalakad pero may nalaman akong di ko nalang sana nalaman.  

“Tol, we’re doomed, actually I am. Di pa pala siya pwede magkaboyfriend.”

“Sigurado ka na ba?” He was still cool like walang problema. 

“Di pa. Pero tol panu na to?” Pano na yung unang babaeng minahal ko? 

“Well, I guess you’ll have to court her parents.” What?!    

“What?!”

“That’s the only way to get your girl.” Eh?     “Or...”

“You’ll force her to keep it from her parents, but I doubt she’ll do it. Kasi napa-usapan na namin yan before, na kahit pinagbabawalan siya, gusto niya ipakilala sa parents niya ang lahat ng magiging suitors niya. Nagulat nga ako ngayon mo lang yan nalaman at ngayon lang niya nasabe, well, she must really like you.” Kaya pala, ineexpect na niya...Pero teka, napagusapan? May napaguusapan silang ganun?

“Wala na bang ibang way?” 

“Cge ka baka pag di niya nakita yung sincerity mo, di ka niya sagutin.” Di mapapasakin yung mahal ko...

I guess...

I Would Do Anything For Love...But how will I do that?

“Ok cge2x...anong sasabihin at gagawin ko?”