033

275 14 5

narration
Areum









"Chenleeeeee!!!!" sigaw ko ng makita siya sa tapat ng sasakyan. "kanina ka pa?" napahikab ako dahil naputol yung tulog ko kanina.




"hindi naman." kinuha niya yung maleta ko tsaka pumunta sa may likod ng kotse niya tas ako sumakay na. Yaman talaga netong Chenle na 'to eh.




Tahimik lang akong nakaupo habang iniintay siya. Nilabas ko yung jacket ko tsaka pinatong yon sakin.



Kita ko siya na sumakay sa may backseat katabi ako. Tinignan niya ako bigla.




"oh? May kasalanan ba ako?" napataas na lang yung dalawa kong kilay.



"seryoso? Jacket niya?" gumalaw naman na yung sasakyan pero nakatingin pa rin siya sakin. "pano ka makakamove on niyan?" hinablot niya bigla yung jacket ko na jacket din ni Dongpyo tas tinabi muna yon sakanya.




"huy akin na, ang lamig eh." kukuhain ko sana sakanya yung jacket pero hinawakan niya yung dalawa kong braso tsaka tinignan ako ng diretso sa mata.




"dyan oh may mas makapal na jacket, yon gamitin mo." tinignan ko yung nasa harap ko na upuan at nakita yung jacket na parang niready niya. Kinuha ko yon tsaka yon na lang yung ginawa kong kumot.




"malalagot ako sa isa sa mga hyung ko eh." bulong niya, pero narinig ko. Tsaka di na ako nagabala na tanungin pa siya kasi antok na antok na ako.












"pero dad, alam mong I love her right?"





"but you can't."




"sorry dad pero di ko magagawa yung gusto mo."




"then say goodbye to her."




"no, you say goodbye dad."









nagising ako mula sa panaginip na yon. Sumakit bigla yung ulo ko tsaka kinabahan ako bigla. Napahawak ako sa buhok ko kakaisip kung kaninong boses yon.




Everything was blurry, kahit yung boses. It's like I never heard it before.




Tinignan ko kung asan ako, at mukhang nasa guest room ako ng bahay nila Chenle. Chineck ko na rin yung oras sa cellphone ko at nakita na 4 na ng umaga.



Napatingin ako sa sa harap ko na tv at sa tabi non nakasabit yung jacket ni Dongpyo. Automatic siyang pumasok sa isip ko.



"it's possible na siya yon." bulong ko sa sarili ko. Inayos ko buhok ko, dahil feeling ko di na ako makakatulog ulit.




Tumayo na ako tsaka pumunta sa may cr para maligo tsaka mag-ayos. Gagala muna ako ng umaga.




Lumabas ako ng kwarto pagkatapos kong mag-ayos at bumungad sakin yung tita sakin ni Chenle.




"good morning po, aalis lang po ako babalik din po ako agad." nagbow ako tsaka ngumiti naman siya. Lumabas na ako ng bahay nila na akala mo pasyalan.




"so san tayo ngayon Areum?" humawak ako sa may bewang ko tsaka ngumiti. Tinignan ko yung langit na wala pang araw tsaka huminga ng malalim.





this will ba a new day, new me.







sweater | son dongpyo | jacket book 2Where stories live. Discover now