030

337 16 0

narration
Areum








"hoy babaita gising na aba." tinanggal ko yung nataklob na kumot sa may ulo ko at nakita yung ate ko na nakapamewang sa gilid ng kama ko.




"oh? Wala namang pasok ah." inis kong sabi, kasi bakasyon naman ngayon eh.




"may nag-iintay sayo sa labas." then binigyan niya ako ng naakaasar na ngiti.



Unang pumasok sa isip ko si Haechan. Kaya tumayo agad ako tsaka naghilamos sa cr pero ang sakit pa rin ng katawan ko dahil sa pesteng yoga na pinagawa sakin ni Haechan.



Alam na niyang di ako flexible tas ipapasok ako don, abough.




"DALIAN MO!" rinig kong sigaw niya mula sa first floor. Pinunasan ko na mukha ko tsaka bumaba na.




Ang laki nung ngiti ko ng bumaba ako, pero naglaho yun bigla.




"hi Areum." tumayo siya ng makita ako. Ngumit naman ako, pero di kasing laki nung kanina.




"h-hi, ano ginagawa mo dito?" nilagay niya yung mga kamay nuya sa may bulsa ng coat niya tsaka humakbang papunta sakin.




"aalagaan kita." then he sweetly smiled.



At dahil sa ngiting yon, wala akong naramdaman. Parang wala lang.




"bakit naman?" napahawak ako sa may batok ko dahil ang awkward ng atmosphere ngayon.




Napakunot yung mga kilay ko ng ilabas niya yung phone niya at hinarap yon sakin.




Binasa ko yon at napanganga na lang.




pucha wrong send ako




"huy hala sorry." I smiled awkwardly tsaka napatakip na lang ako ng mukha gamit yung buhok ko, pero naisip ko, pinagupitan ko nga pala 'to kahapon.




"okay lang, here take these para kahit papano umayos yung pakiramdam mo ." inabot niya sakin yung maliit na plastic bag. Kinuha ko naman yon tsaka sinilip ano yung nasa loob.




Then may Advil don tsaka candies, yung favorite ko.




"hala pwede ko na lang naman 'to itulog eh."




"hindi, you need that. Tsaka aalagaan naman kita sa araw na 'to eh."
















"hoy pisti ang daya mo!" tas binato ko sakanya yung throw pillow sa katabi ko na sofa.




"aba kasalanan ko ba yon?" tumawa naman siya na parang kulang na lang eh mamatay na siya. "TSAKA-HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH." tawa pa rin siya ng tawa. Aba matindi.





"peste bahala ka dyan." tumayo ako tsaka pumunta sa may kusina para uminom ng tubig.




"hoy Areum wag kang maarte." sinilip ko siya mula sa kinauupuan ko at nakita ko siya na inaayos yung uno cards. "sige ako na manlilibre." nagulat ako kasi nasa may kusina na rin pala siya.




"hindi ako na, sige umorder ka na. Basta akin chicken tsaka fries." di ko pa rin siya tinitignan. Dahil siguro sa natalo ako sa laro namin.




"hoy kase pansinin mo akooooo." boses pa lang halatang nagpapacute na. "sige pag hindi dadamihan ko order ko." automatic akong napatingin sakanya. Nakita ko siya na nakangiti.




"hoy aba sige subukan mo." nagkunwari ako na ibabato ko yung hawak kong baso sakanya.




"talaga. Sige order na ako, bye Reumieeeeeee."




Nanlaki na lang mga mata ko kasi baka gawin niya talaga. Aba subukan niya.



Binaba ko na yung baso tsaka pumunta sa may sala. Bahala siya takbuhan ko siya dyan eh.




"yan okay na." napatingin ako sakanya na mukhang kakagaling lang sa labas para umorder.




Tumabi siya sakin. Walang nagsalita. Awkward.




Narinig ko siya na humikab medyo pinagmasdan ko siya at nakita na parang patulog na siya.




Hanggang sa di ko namalayan na nakatitig na ako ngayon sakanya.




Ang himbing ng tulog niya, mukhang napagod ata buong maghapon.




tagal ko na ring di nakita 'tong mukha niya. Kahit papano namiss ko.




"ikaw ha, alam kong gwapo ako." napaiwas ako ng tingin ng magsalita siga bigla. Hala pucha gising pa pala 'to.




Tumapat ako sa kabilang side tsaka sinubukang matulog para naman makalimutan ko yung katangahan ko.













"Reumie gising na, andito na yung delivery." dahan dahan akong umupo tsaka nakita si Dongpyo na may hawak na paper bags.




Nagising agad yung utak ko na makita yon. "hala wait, magkano?"




"wag na ako na nagbayad." tas inabot niya sakin yung paper bag then nakita ko na may lima pang paper bag sa may sala.




"hala weh? Hala babawi ako sayooooo." tumayo ako tsaka tinignan yung mga paper bag. Pisti ang daming pagkain.




"I'll spoil you today." ginulo niya naman yung buhok ko then binuksan na yung box ng chicken tsaka kumain.




hala nakakahiya naman.






sweater | son dongpyo | jacket book 2Where stories live. Discover now