Karina

It’s past ten in the evening and normally at this hour, she would be sleeping by now. She tried every sleeping position, covered her face with pillow and counted a thousand imaginary sheeps. Still, her senses remained to be wide awake.

            Bumangon siya at naupo sa kama. Hindi naman dahil sa kwarto ito ni Katrina kaya naninibago siya. Natulog na siya rito ng ilang libong beses pero ngayon lang siya nahirapang makatulog.

            Dahil ba kay Ethan? Hindi ba siya makatulog kasi alam niyang nasa kabilang kwarto lang ito. Nahiga uli siya, tumagilid at niyakap ang katabing oversize pillow. Sana si Ethan ngayon ang kayakap niya kung hindi siya nagpakipot. Parang gusto na niyang pagsisihan ang sinabi niya na hindi sila matutulog magkasama.

            Nami-miss na niya agad ito kahit na wala pang isang oras mula ng maghiwalay sila. He’s been extra sweet to her since yesterday and she’s not immune to his innuendo. Alam niyang higit pa sa pagtulog na magkasama ang gusto ni Ethan. Hindi naman niya ito masisi. She’s been depriving him of his rights since their first night. Kaya hindi na siya nagugulat pa sa mga nakaw nitong halik at paglalambing.

            Actually she kind a liked it too.

            Whenever they’re together, she was drawn to him like a magnet. The magnetic energy between them was strong, nahihirapan siyang layuan ito. Maybe that’s the reason why she couldn’t sleep.

            She rose and went to the door. It’s better to go to the other room than to count the every tick of the clock.

Kumatok siya ng ilang ulit bago niya pinihit ang door knob at binuksan ang pinto ng kanyang kwarto. Napabalikwas ng bangon si Ethan ang makita siyang pumasok. Agad ding umaliwalas ang mukha nito at ngumiti sa kanya ng pagkatamis-tamis. Para itong isang bata na napasalubungan ng cotton candy.

            “Bakit ka nandito Love? Nagbago na ba ang isip mo? Dito ka na rin matutulog?” Ang bilis ni Ethan nakatayo na ito agad ito sa kanya.

            “Hindi, I’m just checking you kung settled ka na.” She said while she was being pulled by Ethan. “Ethan ano ba!” Saway niya rito. “Bakit mo ako hinihila?”

            Naupo ito sa kama samantalang nakatayo siya sa harap nito. Hawak siya nito sa dalawang kamay habang nakatingala ito sa kanya.

“Hindi ako makatulog kwentuhan mo muna ako.” Lambing nito sa kanya.

            She grinned. “Ano ka baby, kailangan pa muna ng bedtime stories?”

            He put her hands on his shoulder and he pulled her closer. His face were just a couple of inches away from her breast. Pakiramdam niya kapag huminga siya ng malalim ay dadaiti na ang dibdib niya sa pisngi nito.

            “Honestly love, what I need is a bedmate. Tabihan mo na lang kasi ako ritong matulog. Promise, I’ll behave!”

            Napasinghap siya ng ipulupot ni Ethan ang mga braso sa bewang niya. Nakatingala pa rin ito sa kanya at parang nagmamakawa pa ang mga mata nito.

            “Promise matutulog lang tayo ha.”

            “Oo promise!” Namilog ang mga mata ni Ethan sabay tango. Bahagyang kumiskis ang baba nito sa kaliwang pisngi ng boobs niya.

            “Okay, sige na.” Kinalas niya ang mga kamay nito na nakapulupot sa kanya at saka siya bahagyang lumayo rito.

            “Teka saan ka pupunta.” Hinuli nito ang kaliwang kamay niya at hindi siya nito hinayaan na makalayo.

            “Kukuha lang ako ng shorts.” Pagpapaalam niya rito. “Naka-panty lang kasi ako underneath.”

            Nakasuot siya ng Helllo Kitty na oversize T-shirt. Pantulog niya iyon na ang haba ay abot hanggang tuhod.

            “Bakit ka pa mag-short, eh matutulog na lang tayo?”

            “Eh kasi.”  Hindi niya magawang dugtungan iyon dahil ang gusto niyang talagang sabihin ay nagwo-worry siya na kapag nakatulog siya ay hindi niya mamalayan na umangat na ang suot niyang T-shirt.

            “Love, nahihiya ka pa ba sa akin? Kahit mag-short ka pa, hindi ko nakakalimutan na hindi lang tingin ang ginawa ko diyan, nahawakan ko pa.” Pilyong sabi nu Ethan sabay kindat.

            “Ethan, kaya ayokong matulog dito eh. Ang pilyo-pilyo mo.” Namumulang sabi niya.

            How could he mentioned it to her and said it in a very casual manner?

            “Karina.” Malambing na bigkas nito sa pangalan niya.

Unti-unting humiga na si Ethan at dahan-dahan din siya nitong hinila palapit sa katawan nito. She ended up striding him. Her both arms were at his both side and even his legs were in between hers.  Pahalang ang pagkakahiga ni Ethan sa kama kaya natapak pa sa sahig ang mga paa nito.

“Wala ng bawian. Dito ka matutulog sa tabi ko.”   

            In one swift motion, they traded places and he was now on top of her.

            “Okay, okay. Basta tutupad ka sa promise mo at matutulog lang tayo.” Kapag nagpumilit pa si Ethan, baka hindi na siya makatanggi. The way he’s looking at her, she’s no longer in control of her body. She felt as if he already owned her.

            “Promise Love, matutulog lang tayo.” Umalis ito sa ibabaw niya at inalalayan siya nitong makabangon para makahiga siya ng maayos. Tinabihan na rin siya nito at saka siya niyakap.

            “Love, pwede bang dito ka sa kabilang side. Medyo nangangalay pa itong kanang braso ko kasi ginawa mong unan kagabi eh. Dito ka naman muna sa kabila.”

            “Masakit ba? Gusto mo i-massage ko?” Alok niya rito.

            “Karina, akala ko ba gutso mo matulog lang tayo?” Nakasimangot na tanong ni Ethan. “Halika na lumipat ka na dito sa kabila.” Tinapik pa nio ang kama para ipakita sa kanya kung saan siya nito gustong mahiga.

            “Oo matutulog lang tayo pero sandali lang naman kitang i-massage para guminhawa ang pakiramdam mo. Inaantok ka na ba?”

            Sinunod niya ang gusto nito at lumipat siya sa kabilang side nito. Tumayo siya at saka niya ito hinakbangan.

            “Sa gusto mong gawin, you will wake up the sleeping giant.” Pananakot ni Ethan. “Kapag nagising mo iyon, puyat ang aabutin nating dalawa. Siguradong hindi tayo papatulugin niyon.”

            She gigled. Naiintindihan niya ang gusto nitong sabihin. Nakakatawa lang dahil parang bata siya kung paliwanagan nito.

            “Okay sige. Hindi na kita kukulitin.” Sabi niya rito bago nahiga sa tabi nito.

            Kung papaano niya niyakap kanina ang unan sa kwarto ni Katrina ay ganoon din niya niyakap si Ethan, mas hinigpitan pa nga niya.

            “Tulog na tayo Love.” Parang bigla siyang inantok.

            Kung kanina ay nahirapan siyang matulog, ngayon naman ay bigla siyang nakaramdam ng pamimigat ng mata. Si Ethan lang pala ang kailangan niya.

            “Good night Karina.” Ethan kissed her forehead at saka siya nito niyakap ng mahigpit.

            Ang sarap ng pakiramdam na nakakulong ka sa bisig ng iyong pinakamamahal. She felt so safe and secured. At long last, she’s home.

Sweetest Lie (To be published by PSICOM)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!