🏥⛪ 2- Hope

5.8K 114 5
                                    


Hope

Ang pagtatapos ng isang araw ay kaakibat ng bagong kinabukasan. Alam kong darating ang panahon na tuluyang maghihilom ang masasakit na ala-ala. Lalo na ang pagkawala na siyang nagsisilbing buhay mo.

👨‍⚕️HIDEO ADONIS CANLIAGN

Napatingin ako sa altar at nag sign of the cross. Napatayo ako mula sa pagkakaluhod. Huminga ako ng malalim. After a month ay muli ko siyang dadalawin sa kanyang puntod. Napatingin ako sa gawing kanang and I saw a woman. Nakabelo siya at taimtim na nagdarasal, inalis ko ang pagkakatingin sa kanya saka tumalikod at naglakad palabas ng Cathedral.

Napahinto ako nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Hindi ko ito inasahan sapagkat wala naman sinabi sa news na bubuhos ang ulan ngayong araw.

Kailangan ko mabalik ng HC after kong dalawin saglit si Sychelle.

Tumingin akong sa wrist watch ko. Mayroon nalang akong two hours upang makabalik. Grabe pa naman traffic sa Manila. Hahakbang na sana ako ngunit biglang humihip ang hangin.

"Oh my..."

Nadaplisan ng basa ng ulan ang polo na suot ko. Kulay aquamarine blue pa naman. Kinuha ko sa bulsa ko ang isang panyo. Napangiti lang ako nang makita ko iyon. Ito pa rin ang panyo na binigay sa 'kin nung babae noon. Dinampi ko iyon sa mukhang kong nabasa.

"Excuse me..."

Napalingon ako at nabigla. Nakatakip pa rin kasi ng belo ang babae. Tapos kami lang ang nandito sa Cathedral. Inilahad niya ang isang payong.

"Gamitin niyo po, mukhang kakailanganin niyo po yata..." She politely uttered.

"Ah, no thank you. I'll wait the rain to stop."

"H'wag na po kayong mahiya. Kayo rin po, baka mahuli kayo sa pupuntahan ninyo."

Napatingin lang ako sa payong.

"How about you? You have another umbrella there?"

"H'wag niyo po akong alalahanin, hanggang mamayang gabi pa naman po ako rito sa Cathedral."

 Wala akong choice kundi tanggapin ang payong. Wala pa ring humpay ang ulan.

"Thank you..." Nakangiti kong saad.

"Papasok na po uli ako," sagot niya saka tumalikod at pumasok muli sa loob.

Binuksan ko ang payong at naglakad patungo sa kotse ko. Pagkapasok ko sa loob ng kotse ay muli akong napatingin sa Cathedral. Thanks to her.

Bale sa susunod ko nalang dalawin and puntod ni Sychelle dahil malakas pa rin ang pag-ulan.

Hopefully ay nakarating ako ng on time sa HC Medical City. Kaagad kong isinuot ang white coat ko na siyang naka-hanger sa likuran ng kotse ko.

Habang nalalakad ako sa pasilyo ay maraming mga Nurses and Doctors ang yumukod sa'kin. Sumakay ako sa elevator. Napahinto sa pag-uusap ang mga nakasakay na nurses doon nang makita ako. Kaagad nila akong binati at namula ang mga mukha nila nang batiin ko sila pabalik.

Nasa 5th floor ang opisina ko. Naglalakad ako ako sa pasilyo patungo  nang may natanaw akong babae. Sobrang ikli ng suot. Akala mo nasa fashion show. Tapos hospital ito. She's a little bit familliar to me. Naiilang akong tingnan siya dahil sa suot niyang kinulang yata sa tela. Tila gusto kong ipantakip ang mahabang white coat ko sa kanya dahil sa suot niya.

"Hi Dok Canliagn!" nangunot ang noo ko. Inayos ko ang antipara ko. Inaalala ko kung sino siya o kung saan ko siya nakita. Ang kapal pa man din ng kolorete niya sa mukha.

The Doctor Series #1 : My New Life is YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon