021

306 18 7

narration
A

reum







"hoy Jisung kinakabahan ako pisti." ramdam ko yung kabog ng dibdib ko ngayon habang palabas na kami ng sasakyan na dinadrive ni Kyah Yuta tas kasama si Haechan.



"wag kang kabahan. Dahil ba andon ex mo? Wag ka mag-alala. Just enjoy the night, reunion niyo lang naman." rinig kong sabi ni Haechan na katabi ni Jisung na katabi ko sa may backseat.





"oo nga. Lika na andito na tayo sa may hotel." sabi ni Jisung. Binuksan na ni Haechan yung pinto tsaka bumaba na. Binuksan ko na rin yung pinto sa side ko tsaka bumaba.




"huy alagaan mo si Areum, Jisung ah." binaba pala ni Kuya Yuta yung bintana ng sasakyan. Ngumiti naman siya tas ngumiti ako pabalik.




"oo nga, wag mo hahayaan na umiyak yan mamaya." tinapik naman ni Haechan yung balikat ni Jisung. Dumaan siya sa may harap ko tas ngumiti. Hala, naadik na ata.




"Lika na." aya ni Jisung sakin tas pumasok na kami sa may hotel.



Naglakad kami tas nag-antay para sa elevator. Habang nag-iintay may biglang nakipag apir si Jisung sa katabi niya.



"huy kamusta na?" napalunok ako ng makita si Dongpyo.



Okay Areum, kalma, ex mo siya okay? Dapat wala ka ng pake sakanya.




"hi...Areum." halos mapatalon ako kasi sabay nung pagbati niya sakin nung pagbukas nung pinto ng elevator.



Napangiti na lang ako kasi di ko alam yung isasagot ko.



Ang awkward nung elevator ride kasi si Jisung at Dongpyo nag uusap tas ako mukhang patatas lang sa gilid.



"let's go?" napatingin ako kay Jisung na mukhang inaabot yung kamay niya sakin. Inabot ko naman yon tas sinundan na siya papunta sa venue.



Pagkabukas ng malalaking pinto nagandahan agad ako sa setting. Akala mo ball yung ganap eh.



Hinanap agad namin ni Jisung yung upuan namin pero...



"yo Areum what's up." nagulat ako kasi nasa harap ko na pala si Eunsang, mukhang siya yung nag organizer netong reunion na 'to.



"yo Eunsang namiss kitaaaaa." agad ko siyang niyakap. "owemgii ang gwapo mo pa riiiiiiin." halata yung pagkataas ng boses ko.



"lagi naman akong gwapo ah." tas nagpogi sign siya.



"syempre Lee Eunsang yan eh." then I poked his cheek. Napangiti na lang siya.



"Areum, dito nga pala table mo, kasama mo si Dongpyo dyan ayiiieeeee." palaro ko siyang binatukan. Napahawak naman siya don, still clueless.



"di ka ba nakakarinig ng mga balita? Wala na kami." nanlaki mga mata niya.




"totoo nga yon?" tumango naman ako. "hala sayang haist. Oh sige na, baka eto na yung time para may closure kayo ni Dongpyo hyung." tas gumawa siya nung sound galing sa dila niya.



Umalis na siya tapos tinignan ko si Jisung na halatang nag-eenjoy kasama yung si Junho sa table niya.



"hi Areum." bungad niya sakin ng makatalikod ako.



"hello." awkward na bati ko sakanya.



"sorry if I can't remember anything satin dati." nagulat ako kasi hinawak niya yung kamay ko. "sorry." napangiti na lang ako tas tinapik yung balikat niya.



"okay lang, kahit wag mo na alalahanin, okay lang ako."















nako nako, parang anytime babagsak na ako dito ah.



"Hi Areum wanna dance with me?" nagulat ako kasi nagkaron kami bigla ng eye contact. Pano ba naman kasi, kanina ko pa siya pinagmamasdan.



"s-sure." pumayag ako kahit ang sakit na ng ulo ko.




Lumapit siya sakin tsaka hinawakan yung kamay ko para sabihan na tumayo ako tsaka sundan siya sa dance floor.



"siguro dahil sa mga mata mo kaya nahulog ako sayo dati." nilagay niya yung kamay niya sa bewang ko at nilagay ko naman yung dalawa kong braso sa may leeg niya.




"ang bolero mo." napatawa naman ako kahit papano. Ngumiti lang siya.




Shit miss ko na pala yung ngiti niya.




"I'm not joking, totoo naman na ang ganda ng mga mata mo eh." nagulat ako lalo ng ilagay niya yung buhok na naka harang sa mukha ko sa may likod ng tenga ko.




Di ko inakalang miss ko na rin pala na gawin niya sakin 'to.




"bakit ka naman ganyan makatingin?" this time feeling ko may mga paro-paro na sa tyan ko.




"ang ganda mo." ramdam ko na namula ako, buti medyo madilim dito sa may dance floor.




Siguro nga di ko pa talaga siya nakakalimutan. Siguro nga miss ko na talaga siya.



Siguro mahal ko pa rin siya.



"bakit ka naiyak? Di bagay sayo." ramdam ko yung mga braso niya sa bewang ko na mas nilapit ako sakanya.




naiyak na pala ako, siguro di dahil sa lungkot.




Dahil sa naramdaman ko ulit yung makasama siya.




"miss na kita."




"sorry talaga Areum."




sweater | son dongpyo | jacket book 2Where stories live. Discover now