020

276 16 0

narration
Areum






"Reumieeee." nagulat ako kasi pumasok bigla si Haechan nung nail salon na may hawak na pagkain.




"manok ba yan?" tanong ko habang medyo inaantok kasi kanina pa kami dito.




"sabi mo yun yung bilhin ko, edi yan." tas binato niya sakin yung paper bag na mukhang isang bucket ata yung binili.




Umupo siya sa tabi ng upuan ko tsaka nagcellphone ulit. Puro cellphone ata 'tong lalaking 'to eh.




"mabilis na lang ba yan?" feel ko yung pagkairita sa boses niya.




"pwede ba mag-intay ka? Para kang jowa mainis eh." napakamot na lang ako sa ulo ko.




"ma'am hindi niyo po siya jowa?" halos mabulunan ako ng marinig kong sabihin niya yon.




"hala miss hindi, pano niyo naman nasabi?" awkward akong ngumiti tsaka tinignan si Haechan.




"wala, ang galing po ng boyfriend niyo eh--este nung kasama niyo." nakita ko naman si Haechan na napangiti na lang.




Tinulak ko siya sa kinauupuan niya tsaka napatawa na lang siya.




"oh bakit ka namumula?" natawa pa rin siya pero namumula din naman siya, dahil sa kakatawa.




"bwiset ka." tas binato ko siya nung tissue na kasama nung binili niyang manok.



Pero tawa pa rin siya ng tawa. Pasalamat siya di ako pwedeng gumalaw ngayon kung hindi aba.


sweater | son dongpyo | jacket book 2Where stories live. Discover now