"Hahah! Sinabi niyo pa po." Ang gaan talagang kausap ni Tita Maribel. "Pero sang-ayon po ako sa kanya. Dapat po nilulubos na natin yung benefits ng insurance." 



"Oh siya sige na nga. By the way, Cee, bakit wala yatang nasabi si Calvin sakin na nagkakasakit ka na?" 



We sat on the bench and continued talking while waiting for our turn. Hay...at talagang inasahan ko na na pag-uusapan namin si Calvin.



"Ang totoo niyan tita, nag-away kami noong nakaraang araw at hanggang ngayon hindi pa nag-uusap. Hehe..." I smiled at her trying to make this fact a joke. May kasalanan din naman kasi ako eh. Haaaay!!!



"Tungkol ba ito sa papa niya?" Nagulat ako sa sinabi niya. Napangiti nalang siya... yung ngiting may halong sakit. "Hay, ang anak kong yun talaga ang tigas ng ulo. Kahit na hindi niya sabihin sakin alam kong may galit pa rin siya sa papa niya. Ano bang nangyari? Sinabihan mo ba siyang subukang kausapin ang papa niya?" 



" Ah... parang ganun na nga po. Si Doc Kevin po kasi...naaksidente at nagkataong nandoon din ako. Tinawagan ko si Calvin dahil sa palagay ko kailangan niyang malaman ang nangyari sa papa niya. Alam ko naman po ang nararamdaman niya pero nagalit lang talaga ako nung sinabihan niya ng masama si doc. Sorry po tita. Siguro nga po wala akong karapatang manghimasok sa problema ng pamilya niyo." 



Hinawakan ni Tita Maribel ang mga kamay ko.



"Sa lahat ng naging kaibigan at karelasyon ng anak ko, ikaw lang ang naglakas loob na suwayin siya at sabihin sa kanyang mali siya, Cee. Nagpapasalamat ako dahil nag-aalala ka sa kanya ng ganito. Pagpasensiyahan mo na ang anak ko ah. Bigyan mo lang siya ng oras. Sigurado akong alam niyang tama ka pero hindi pa niya tanggap yun sa sarili niya. Hay.... patawad, Cee. Hindi ka sana mahihirapan ng ganito kung hindi dahil sa komplikasyon sa pamilya namin. Sana, huwag mong iwan si Calvin." 



"Naiintindihan ko po kayo tita. Salamat po sa mga sinabi mo at medyo gumaan din ang pakiramdam ko. Hehehe..." 



"Cee, sa susunod na awayin ka ni Calvin sabihan mo ako ha. Ako ang bahala sa kanya."


Hehe... sobra naman yata yun pero.... "Okay po tita." 



After a while we bid our good byes....



Kinunan ako ng dugo para sa napakaraming blood test (na hindi ko alam kong anong ibig sabihin.)  Alam kong graduate ako ng medical school pero hindi naman ito ang field ko kaya hindi ko na pinansin pa. Nandiyan naman ang kuya kong nurse at si doc para e-explain sakin ang results.



Speaking of doc, kamusta na kaya si Doc Kevin? Gusto ko siyang puntahan pero natatakot akong makaharap na naman ang asawa niya.



Habang naglalakad palabas ng medical plaza, nakatanggap ako ng tawag mula kay Nalie.



"Yo!" Sabi ko.



"Yahooo! Friend, s'an ka?"



"Kalalabas ko lang ng medical plaza, bakit?" 


"Kumain ka na? Samahan mo naman akong kumain oh." 


"Saan?" 


"Naalala mo yung kinainan natin ng ramen dati? Doon ako kakain." 


" Ha? Ang aga pa mag-ra-ramen ka na?" 


"Hindi naman. May ibang menu naman sila eh. At saka..." 


Bago pa niya sabihin ang mga susunod na salita, naalala ko bigla ang dahilan kung bakit nandoon siya sa lugar na iyon.


"At saka doon nagtatrabaho ang crush mong si LJ di ba?" I said trying to sound annoyed.


"Friend naman eh. Sige na. Matagal akong nagkolekta ng impormasyon sa mga kilala ko para lang matunton kung saan siya nagtatrabaho noh. Sige na please~"


"Hay, opo. Pupunta na. Stalker." 


"Grabe siya! Punta ka na dito dali!" 


"Oo na!" 



Hay...anong akala ng babaeng to? Malapit lang ang cafe na yun? Dalawang jeep pa kaya ang sasakyan ko! At nagugutom na talaga ako~ (btw, nag-12 hour fasting kasi ako bago magpa-lab test). Naku--- parang hihimatayin ako nito sa gutom. Tssk.










*** to be continued ***

Diary of an IntrovertWhere stories live. Discover now