SSTGB 6 : Overheard

Magsimula sa umpisa
                                    

“Nakakainis ka kasi!” parang bata kong sabi kaya mas lalo niya lang akong tinawanan.

“Huwag ka ro'n, Ara, ha. Mas maganda pa 'yon sa'yo, eh,” sinamaan ko siya ng tingin, pero kalaunan ako naman ang napangisi.

“Bet mo?” tanong ko kaya agad kumunot 'yong noo niya.

“G*go? Baka mas daks pa 'yon sa'kin,” hindi ko mapigilang matawa at miski si Kuya Arnold ay nakangisi na.

“So, nakita mo na?” humirit na naman ako.

“Muntik na,” napangiwi ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung matatawa ako o mandidiri, eh. “Sabay kaming nagbanyo, eh. No'ng una, sh*t, gulat na gulat ako may babae sa banyo ng mga lalaki. Tapos sh*t ulit, hindi ko mabilang ilang beses akong napamura nang nakangisi niyang itinaas iyong palda niya. Pero, nakahinga ako nang maluwag ng sinabi niyang ‘witchikels na magworry, Byola, may nota rin akembang,’ tapos hindi ko na natapos 'yong pag-ihi ko, tumakbo ako agad,” hindi ko alam kung matatawa ba ako sa kwento niya o matatawa ako sa paggaya niya sa sinabi ni Charmagne.

“Nantindihan mo ba 'yon?” tanong ko matapos akong matawa with matching maluha-luha pa.

“Kaya nga ako napatakbo, eh, nota lang naintindihan ko. Malay ko ba sa iba niyang sinabi, baka mamaya kung anong ritwal na 'yong sinabi niya,” inosenteng sagot nito. Napailing na lang ako, kawawa naman itong Brother ko, minsan maturuan nga ng gay language.

“Bro, ang sabi niya, huwag kang mag-alala, gwapo, may nota rin ako,” sabi ko at dahan-dahan naman siyang napailing.

“Mga bakla talaga,” aniya saka siya tumayo kaya bahagya akong napangiti sa kainosentehan ni Kuya. “Maligo ka na at huwag mong iwasan 'yong baklang 'yon kung may gusto siya sa'yo—”

“BRO!” nakakunot naman 'yong noo niya nang lingunin ako, “nakakadiri ka! Lumayas ka na nga!” asar kong sabi kaya ayon tawang-tawa siyang umalis ng kwarto ko. Napairap na lang ako at saka ako naligo nang pilit at papasok ng eskwelahan nang pilit!

***

“Hoy, ano? Anong nangyari kahapon?” iyan agad ang bungad sa'kin ni Clara nang magpang-abot kami sa may gate ng University.

“Magbasa ka sa FB page, andoon 'yong buong detalye ng nangyari kahapon,” walang ka gana-gana kong sagot kaya ayon ang Loka agad ngang nag FB. Pambihira, masyado na siyang late!

“ARABELLS!!” patakbo akong pinuntahan ni Chandra kaya pakiramdam ko umalog iyong buong field. Cheka lang! “Okay ka na? Oy, sorry, ha, ang daming namisinterpret 'yong ginawa ni Kuya. Masyado kasi siyang naawa sa'yo dahil sa kwento ko,” aniya kaya naningkit agad iyong mga mata ko. Ito pala iyong storyteller ng baklang iyon.

“Sana ininvite mo 'ko no'ng nagkwento ka, eh, 'no? Baka may nakaligtaan ka, natulungan sana kita,” nakangiti kong sabi kaya agad siyang nag peace-sign. “Masyado mo 'kong kinawawa sa kwento mo, ha,” muli kong usal nang magpatuloy kami sa paglalakad.

“Kawawa ka naman talaga. Lalo na pagdating kay Marcus,” aniya. Napangiwi na lang ako agad. Hindi ko alam kung bakit iniisip nilang kawawa ako, where in fact, hindi naman. Honestly, masaya ako sa ginagawa ko kaya bakit nila ako kinaawaan? Tsk!

Pagdating namin sa classroom ay ako agad ang usap-usapan. Mga tsismoso at tsismosa! Kung may sweldo lang iyan mayayaman na ito, eh.

“Hoy, Anikka!” pinalo ko pa iyong braso niya kaya ang sama ng tingin niya sa akin, “peace na tayo,” actually, kagabi pa siya galit. Kagabi pa niya ako tinatadtad ng tanong kung bakit trending kaming tatlo. Aniya iyong lagnat niya sa buong katawan ay umakyat lahat sa ulo niya dahil sa nalaman niya kahapon. Lagi na lang daw akong pinapahiya ni Marcus. Si Marcus na naman, siya na naman iyong may kasalanan!

“Peace tayo mamaya,” usal niya saka niya muling itinuon ang sarili sa kaharap na libro. Ganiyan si Anikka, lumiban lang sa klase ng isang araw akala mo behind na behind na sa klase kung makapag-aral. Sigurado ako hindi na namin siya makakausap ng isang buong araw.

Naupo ako sa tabi ni Clara, pero napatayo rin ako agad. “Washroom lang ako, Angels,” sabi ko kasi hindi ko na matiis ang mga matang nakatingin sa akin kaya dapat maganda ako para hindi naman nakakahiya sa kanila na titig nang titig sa akin. Tss.

“Marcus, my Dear. The truth will set you free,” napatigil ako nang marinig ang mahinhing boses ni Charmagne sa hallway papuntang banyo.

“Cut the crap, Charles!” inis na sigaw ni Marcus. Sige, bibiboy, lumaban ka!

“I'm Charmagne, Marcus. Call me by that,” sagot naman nito, pero hindi naman nagsalita si Marcus. Pero, sh*t, anong drama ko rito? Wala lang, makikinig lang? Tsk! Hindi ako makapaglakad, may glue yata sa tinatayuan ko hindi ko lang napansin. “I'm telling you, Marcus, give me a week, aamin ka rin kay Ara sa totoo mong kasarian,” ayan na naman siya! Hindi pa pala siya nakapag move on sa issue na iyan!! Kahapon pa iyan, eh, napanis na. Move on!

“Will you please stop?!” muling sigaw ni Marcus, pero natawa lang si Charmagne.

“Baka nga mahulog ka pa sa'kin,” at muli siyang natawa habang ako naman ay gusto ko na siyang sugurin! Nakakadiri! Si Marcus mahuhulog sa kaniya? Sh*t! Nakakaiyak, man!

“Huwag ka nang lumapit sa'kin. Stay away from me and please, huwag mong sirain ang imahe ko,” halata namang nakikiusap na si Marcus kaya bahagya akong nalungkot. Ewan, hindi ko alam kung bakit.

“Sagutin mo muna 'yong tanong ko. Bakla ka ba?” akmang susugurin ko na si Charmagne nang magsalita si Marcus.

“Iyan ba talaga 'yong tanong mo? O baka naman gusto mong malaman kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para kay Ara? Hindi ba't 'yan ang rason mo kung ba't mo 'ko ginugulo ngayon?” sunod-sunod niyang tanong at napalunok na lang ako. Kinakabahan ako. Bwesit! “Hindi ko siya gusto,” iyan pa lang 'yong sinabi niya gusto ko nang mapaluhod. I've never heard him telling me such words. Ang sakit! “Naiirita ako sa kaniya,” sh*t, ayoko naaa! “Aaminin ko akala ko no'ng una magugustuhan ko siya, pero kalaunan I've realized na. . .” hindi ko na alam kung ano iyong sinabi niya dahil umalis na ako. Alangan namang itorture ko pa iyong sarili ko, hindi ba? Mahal ko iyong sarili ko kaya tama na iyong sakit na nararamdaman ko ngayon.

Tama na.

Ngayon alam ko na. . .ang tanga ko nga. Buti na lang mga 50 percent lang akong nagpakatanga at hindi umabot ng 100 kasi kapag umabot, edi ang tanga-tanga ko na. Joke! Sh*t, walang kwentang biro! Tanga nga ako. Dahil talaga ito kay Marcus, eh.

I hate you, Marcus!!

Paano ko ba iyang harap-harapang sabihin sa kaniya?! Baka kasi matulala na naman ako kapag kaharap siya at iba na naman iyong masabi ko. Sh*t, tanga nga ako!

“Oh,” may pulang-pula na mansanas ang bumulaga sa harapan ko. My favorite! Nagningning tuloy agad ang mga mata ko. Bahagya akong napangiti nang tingnan ko ang taong nagbigay ng mansanas at. . .saka ako bigla na lang humagulgol, “shuta! Mahal 'yong damit ko, Kilatra!” maarte niyang sabi, pero wala akong pake. Basta umiyak lang ako saka ko naramdaman ang malambot niyang kamay na tinatapik iyong likuran ko habang patuloy niyang sinasabi na, “may your heart and soul rest in peace.”

Gandang comfort! Tsk. Habang umiiyak ay kinakagat ko naman iyong ibinigay niyang mansanas. Ang sarap pala. Nalalasahan ko rin iyong luha ko. Charot lang!

Pero, basta! Humanda sa akin si Marcus, ipapakita ko sa kaniya na kahit hindi niya ako gusto hindi ako susuko—bwesit, syempre joke lang. Ipapakita ko sa kaniya si Ara version 5.0 at sinisigurado kong hahabol-habulin niya ako.

Hoy, sana lang talaga! Humanda!

She Stole The Gay's Brief (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon