Chapter 15

2.5K 78 19
                                    

Chapter 15:

"So anong gagawin natin maghapon, girl?" Tanong ko kay Gela girl, nasa kama kasi kami ngayern. O! Huwag malisyoso, nagcucuddle lang kami. Mej malamig kasi mga vakla! Need namin ng body heat, cheret!

"I don't know. I just wanna be with you all day." Enebe! Pereng tenge 'te si Gela, pinapakilig nanaman aketch!

"Quota ka na sa pakilig girl, baka mamaya mangisay na aketch sa sobrang kilig sa'yo." Namumulang sabi ko sa kaniya at mas hinigpitan ang yakap ko sa kaniya.

"Huh? Kinilig ka na 'ron? What if I did something more with effort, edi nabyuda agad ako." Aba'y gaga!

"Gaga! Knock on the wood! Siraulo ka talagang babae ka." Sabi ko sa kaniya at natatawang kumatok naman siya sa kahoy. After ilang minuto ay nanahimik na rin kaming dalawa. Ewan ko, basta nasa bisig ko lang si Gela ay bongga na ang kabog ng hearty ko. Super comfy at safe ako sa kaniya. Hayyy lab na lab ko itey!

Papa-idlip na sana kami nang biglang magring ang phone ko. Imbyernang bumangon aketch at humiwalay kay Gela. Sinetch ba iyern?!

"Hello?! Witchikels mo ba knowings na boborlogs na kami ng bebe girl ko---"

"What are you saying Hunter? Hindi ko nanaman maintindihan ang mga pinagsasabi mo." Striktong sabi ni Dad sa akin. Hala! Si Dad pala itey juskoporudeh!

"Hi Daddehhh! Sarreh, sarreh! Bakit ka po ba tumawag?" Kabado ang lola niyo. Wiz ko naman knowsung na si Dad pala itey.

"It's Father's day. Aren't you going to greet me? At saka should I greet you a Happy Father's Day too?" Nasad naman aketch sa sinabi ni Dad. Bigla kong naremember ang nangyari kanina. Jeske, finoforget ko na, wiz pa rin aketch tinatantanan nako Mike Enriquez!

"Happy Father's day, Dad! And no po, wiz pa po preggy si bebe girl ko. Pero jowabels ko na siya, pero pwede niyo na rin po akong batiin Dad kasi baby ko naman si Gela, hihi ang harot ng anak mo Dad jusko." Natawa naman sa kabilang linya si Dad. I'm grateful for having a Dad like him. A Dad who supports me for who I am, a Dad na kaya akong ipagmalaki jusko, sana lahat ng kadugo ko katulad ng sa akin, para happy happy na. Happy Pride satin mga Mamang!

"Silly! Hindi porket baby ang endearment niyo, it makes you a Father na. Basta, we'll have a dinner later. I'll just text you the info." Sabi ni Dad sa akin na sinang-ayunan ko naman. Nang matapos ang tawag ay bumalik ako sa tabi ni Gela, she's currently holding her phone.

"Sinetch 'yan bebe?" Tanong ko sa kaniya nang makita kong medyo nababother siya.

"Si Dad..." Kinabahan naman aketch ng bonggalicious nang marinig ko iyern. Jusko po, paghihiwalayin na ba kami ni Tito? Ilalayo niya ba sa akin ang bebe quoEh?! Napanood ko na 'yung mga ganito mga bakla! Magtetext ang pudrakels tapos magrarunaway ang merlat kasi wit gusto ng pudrakels sa jowaer ni girl kaya papakalayo sila ng bongga hanggang outer space ganoin!

"A-Anes daw ang chika? Ilalayo ka ba niya sa akin? Aalis ka na ba? Iiwan ko na ba ako? Ayaw sa akin ni Tito di--- Ouch naman, girl!" Hinimas ko ang noo 'kong pinitik ng bruha. Akala niya ba masarap sa pakiramdam 'yon?! Isa lang naman alam 'kong masarap pero wit ang pag pitik sa noo ko lintik! Oh panes, rhymes tayo mga Mars.

"Nangangamusta lang siya." Nagulat aketch nang marinig ko iyern. Sa tagal ng panahon, kamusta ka na ba, kamusta na ba siya--- ay charot! Support OPM rap mga baks.

"Ayon lang?" Tanong ko sa kaniya. Kasi wit naman nangangamusta lang iyong si Tito Gregor. Kabado parin akez baka mamaya ilayo niya sa akin ang bebequoEh!

"At saka niyayaya niya ako ng Dinner with Mom." Huhu, anez ang gagawin nila sa bebe quoEh?! Mag-ala Charlie's Angel kaya aketch mamaya? Para masubaybayan ketch ang mangyayari.

"Aray, gurl! Kanina ka pa kapag ako naimbey papatulan na kita!" Paano ang bruha pinitik nanaman aketch sa noo. Pag itey nagkascratch bubugbugin ko talaga siya ng pagmamahal.

"Ikaw kasi! I know that face. Hindi ka puwede sumama mamaya. I heard Tito, may dinner daw kayo." Sabi niya sa akin na ikinasimangot ng beautiful face ko.

"Paano ka doon? Baka saktan ka nanaman nina Tito." Sabi ko sa kaniya syempre worried ako 'no! Pero for sure naman pagnangyari iyon aalagaan ko siya with TLC as in Tender Love and Care. She cupped my face and looked at my eyes.

"Huwag 'kang mag-alala okay? Kaya ko, I made it for four years, ngayon pa ba na isang beses lang?" Napastrong independent woman talaga ng bebe ko!
Hinawakan ko rin naman ang fez niya at ngumiti ako ng napaka-pretty.

"Ingat ka later ha? Mahal kita." Sincere na sabi ko sa kaniya. Ihh kinikilig ako!

"Mahal din kita. Period. Padlock. No erase, tapon susi." Ang daming hanash!

"Bakit ang daming cheverloo?"

"Alam mo 'kung bakit?"

"Wiz nga diba kaya ko nga tinatanong---"

"Pwet mo may rocket." Gaga amp!

++++++

A/N: COMMENT YOUR THOUGHTS MGA VAKLAAAA HEKHEK

Hunter's Babymaker (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon