012

321 23 6

narration
Jisung





"aigoo, Reumie ang pula ng mga mata mo." pasimple kong tinignan si Jaemin hyung na busy mag-alala kay Areum. "ilang balde ba iniyak mo kagabi ha?" tas tinabihan niya sa Areum sa may sofa.



"si Haechan may pakana eh." sabi ni Renjun hyung na busy sa cellphone niya.



"atleast di na yan iiyak ulit." pagdefend niya sa sarili niya. "diba Reumie?" nakita ko na ngumiti si Haechan hyung tsaka tumabi kay Areum.



"hyung aalis na ako." tumayo na ako sa kinauupuan ko.



Tinignan lang nila ako habang palabas ng dorm. Ngayon ko naman na imimeet si Dongpyo.















Tahimik lang akong nag-iintay dito sa may gymnasium ng university. Dito ko napili baka kasi kahit papano maalala niya yung sakanila ni Areum.



Chineck ko yung oras sa cellphone ko. At malapit naman na mag 5:00 pero nagulat ako ng nasa harapan ko na siya ng patayin ko yung cellphone ko.



"hi bro." tas tinaas niya yung kamay niya para siguro makipag high five.



Nakipag high five ako tsaka tumayo. Pagkatapos non umupo na kami sa may bleachers.



"bakit pala gusto mo ako pinapunta dito?" tanong niya tas medyo ginugulo gulo niya yung buhok niya.



"wala ka bang natatandaan? Kahit ako?" nakatingin lang ako sa may court habang nag-iintay ng sagot niya.


"meron ba dapat?" parang bigla kong naramdaman yung sakit na iniiyak ni Areum nung mga nakaraang araw ng sabihin niya yon.



"oo, meron. Yung ex mo, she's still clueless bakit iniwan mo siya." diretso kong sabi sakanya. Naaawa na kasi ako kay Areum.



"ex? Siya ba 'to?" inabot niya sakin yung phone niya tas nakita ko yung picture ni Areum na wallpaper niya.


"siya nga." tas binalik ko yung phone sakanya matapos kong tignan ng mabuti yung picture.


Narinig kong may binulong siya, pero di ko narinig.


"ah sige bro, alis na ako may tumatawag na sakin. Chat mo na lang ako... I want to know more about my ex." tumayo na siya tsaka ngumiti bago umalis.


Halos mapahiga na ako sa bleachers ng makaalis na siya.



wala ba talaga siyang naaalala?



pero bakit wallpaper niya pa rin si Areum?




sweater | son dongpyo | jacket book 2Where stories live. Discover now