07

312 19 7

narration
Areum






"ikaw ba? Alam kong never ka pa nagkajowa. Pero natry mo na bang biglang i cut off yung relationship niyo ng biglaan?" tanong ko kay Jisung habang nakatingin sa may sunset.



"hindi naman, kelan ba siya nakipagbreak sayo?" napa-isip ako. Kelan nga ba?



"5 months ago?" napataas nalang yung kilay ko. "ang weird nga lang parang di niya ako kilala. Sa tingin mo, nakipagbreak siya kasi may amnesia siya?" napahawak ako sa may ulo ko.



"tanga ka ba, di niya yon matatandaan kasi nga may amnesia diba? Malay niya bang may jowa siya." kita ko naman na umupi siya ng maayos galing sa pagkahiga.



"oo nga naman, pero bakit kaya?" nanatili akong nakahiga, nag-iisip kung bakit nga ba.



"sa tingin mo, baka nung pagkabreak niya sayo don siya naaksidente tas nagka amnesia." napaupo ako dahil sa conclusion ni Jisung. "come to think of it."



"pero ano naman yung dahilan bakit?" nakafocus pa rin ako sa may sunset para kahit papano maka-isip ako ng maayos. "ganon ba kayo magsawa na mga lalaki?" medyo binabaan ko yung gaze ko para bigyan siya ng nakakaconsensya na feeling.



"nako Reumie hindi ako ganyan." napangiti naman ako sa reaction niya, parang naconsensya nga talaga.



"baka siya ganon." pinatong ko yung ulo ko sa balikat niya. "mabilis ba ako mapagsawaan?" maluha luha kong tanong sakanya.



"tsk, naiyak ka na naman." ramdam ko na pinunasan niya yung luha ko gamit yung kamay niya. "di ka siguro niya deserve."



"one year and two months din yung pinagsamahan namin tas mababalewala lang." inakbayan niya naman ako para umayos yung pakiramdam ko.



"shhhh nako naman Reumie, wag mo na muna isipin yon. Siguro kakabalik pa lang non galing States." siguro nga.



"pag nalaman na naman nila hyung na umiyak ka na naman, nako." napatingin naman ako sakanya habang nakapatong pa rin ulo ko sa balikat niya.



"panget ba ako, Jisung." tas nagpout ako kasi naiiyak na naman ako.


"hindi, you're perfect Reumie." he faintly smiled tsaka ginulo yung buhok ko. "kaya wag ka ng umiyak, di bagay sayo."




*•.¸♡ ♡¸.•*




I'm sure you want to know Dongpyo's side.





sweater | son dongpyo | jacket book 2Where stories live. Discover now